Kabanata III

147 12 2
                                    

"Bye guys" nakasakay na ko ng kotse. Di pa nga tapos ang klase nandito na ang aking sundo. Inalam agad ni Daddy ang schedule ko. tss. Kabadtrip talaga!

Di tuloy ako nakasama kina Ara di bale may party naman sa Friday e. Dun ako babawe. :P

Nakarating na ko sa bahay usual diretso sa kwarto at nagkulong. Wala lang trip ko lang magkulong. Kaso wala pang five  minutes may kumatok sa pinto.

Tumayo ako at lumapit para buksan.

Sina Momy at Daddy.

Ako-No Reaction-

"Freshen up. Magsho-shopping tayo." Say ni Mommy, nakahawak pa sya sa kamay ko. Si Daddy naman nakatingin lang din saken pero di ko mabasa ang mukha nya.

Ako naman naging istatwa na yata sa kinatatayuan ko. Tama bang narinig ko? Kameng tatlo? Shopping? WEH??? Ano to JOKE?

"Hey Ina!" nagulat naman ako kay Mommy. Nag malfunction yata ang utak ko. =__=

"S---sh-shopping?" nabubulol pa ko. Di talaga ako makapaniwala. The last time na nagshopping ako together with them  e hindi ko na maalala. Sobrang tagal na rin kasi nga BUSY sila as in B-U-S-Y. Caps na naka-bold pa! at  ini-spell ko pa ha.

"What are you waiting for?" sabi pa ni Daddy.

"Ahmm....Ok. I just change my outfit." Sinara ko na uilt ang pinto. Nagpalit lang ako ng damit and shoes. Simple white shirt and ang shoes-red chucks.

Lumabas na ko andun na sila sa loob ng kotse. Sumakay na rin ako sabay pinikit ko ang aking mga mata. Tulog muna ako.

Z_______z

______

Naramdaman kong may tumatapik sa tuhod ko kaya unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Tumingin ako sa labas and nasa may parking area na pala kami ng mall. Napasarap ang tulog ko ah.

Inayos ko muna ang buhok ko gamit ang kamay ko. Wala nga pala akong suot na cap dahil alam kong ipapaalis saken ni Mommy. Nakalugay lang buhok ko ngayon.

Bumaba na kami at pumasok na sa mall. Syempre alangan namang lumabas kami.(Ay....ang korni ni author. hahaha) Kumain muna kami and after that shopping mode na kami. Namili si Daddy ng office attire nya pati rin si Mommy. Ako naman walang mapili. Errrrrrr.

Pumasok din kami sa isang boutique ng shoes and medyo bored ako kaya nagpaalam akong pupunta sa National Bookstore. Antagal ko na ring di nakakabili ng books.

Nagpunta ako sa fiction section nakahanap naman ako. Sepulchre ang title by Kate Mosse. Sounds horror pero hindi naman. Mystery sya and that's what I like to read.

Hawak ko na ang book and naghahanap pa ko ng iba. Napunta ako sa mga romance novel. Tsss. Ang mga story na sa imagination lang nangyayari. Wala naman akong past na tulad ng iniisip nyo kaya ako ganito na parang bitter it's just my own opinion.

Naglakad na lang ako papunta sa may cashier, wala kasi akong napili e. Di naman mahaba ang pila. Nasa likuran ako ng isang matangkad na lalaki. Basketball player siguro to .

Then napansin kong maraming nakatingin sa kanya. Di ko naman makita ang mukha kasi nga nakatalikod saken. Napansin ko ang hawak nyang book. "The Lucky One" by Nicholas Spark.

Huh?? Bading to siguro. Nagbabasa sya ng romance novel, e di it means kinikilig sya sa ganung type ng book. Errrrrrrrrr.

Nakapagbayad na sya and paagharap nya.......

Save the Last Game for MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon