Awkward Moments

412 10 0
                                    

"Ms.Julie may bisita po kayo" napatingin ako sa staff ko kasi nag sis-sketch lang ako ng gowns for the wedding ni Lauren


"huh? sino?" sa pagkakaalam ko wala naman akong kinausap na client before na may schedule sila ngayon ah?


"sila Lauren daw po at may iba pa po siyang kasama" ito talagang si Lauren kung gusto niya gagawin talaga kahit noong highschool pa to eh,like noon kung anong gustong pambu-bully ang sabihin niya sakin sasabihin niya talaga sakin


"sige papasukin mo sila" utos ko kay Dara yung staff ko


"sige po" pagkatapos ay umalis na siya sa office ko


"hi julie!" nakangiti at masiglang bati ni Lauren sakin at nginitian ko lang siya ang awkward naman kasi alangan namang mag feeling close ako sa kanya eh binubully ako nito noon eh!


"julie,nandito kami kasi gusto ko kasi na mag take down kana sa measurements ng gowns at suits but hindi naman lahat ng guests gagawan mo only the 5 women and 5 men so ayun and di pa kami kasali ni Phil jan!" sabi ni Lauren sabay angkla sa braso ni Phil,haay ang sweet nila sobra! pati siguro suka lalanggamin


"yes julie, sorry pala ha ito kasing si Lo excited eh" pagpapaumanhin ni Phil


"naku,okay lang! wala naman akong ginagawa eh" sagot ko


"ah julie ito pala sila yung 5 brides maid ko si Dolly,Mika,Dianne,Mandy and Abby friends ko sila from states but pinoy din sila" pagpapakilala ni Lauren sa mga babaeng nasa likod lang niya at nag 'hi' lang sila sakin tapos ngumiti lang ako sa kanila


"and siyempre kung may brides maid dapat meron din silang escort or pair diba?" nakangiting tanong ni Phil


"siyempre kilala mo naman silang dalawa diba si Sef at Enzo" sabi ni Phil wait bakit ngayon ko lang napansin tong dalawng to tapos ngumisi-ngisi sa mga friends ni Lauren mga baliw na talaga to!


"hi juls! oh invited kami diba?" sabi ni Sef sabay tawa mga unggoy nato!


"kaya nga kayo nandito diba?" pagtataray ko sa kanila


"chill lang po, tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pagiging single oh" pabulong na sabi ni Enzo na dinig ko parin


"anong sabi mo?!" at nagtawanan lang silang lahat


"wala! sabi ko ang sexy mo sa damit mo, witwew! but honestly julie ang sexy mo today!" compliment ni Enzo naku! kumg di ko lang naging kaibigan tong dalawang to eh!


"ay ewan ko sa inyo!" sabi ko sabay baling ng atensyon ko ky Lauren


"and yes Julie aside from Enzo and Sef ito pala sila Troy,Nicolo and si Lendon mga kaibigan namin ni Phil" sabi ni Lauren at ng 'hi' din sila sakin at ngumiti nalang


"so,mag measure na tayo ng sizes niyo?" tanong ko sa kanilang lahat


"okay!" sabi nilang lahat at ng start na kami







..........







"julie,thank you talaga ha"sabi ni Lauren tapos na kaming mag measure ng sizes nilang laht but sabi ni Lauren may ibang pupunta pa dito para mag fit ng gowns and suits at ng okay nalang ako


"naku okay lang talaga natutuwa nga ako sa mga kaibigan niyo eh" nakakatuwa talaga yung isang kaibigan ni Phil na si Lendon eh sa bakla pal siya eh di ko nahalata lalaki kasi siya manamit, hanggang sa nagsalita na siya sabi niya pa nga 'girl I love your outfit!' eh naka shorts lang naman ako eh at ng suot ng T-shirt na medyo loose tapos may naka print na letter 'E' ewan ko kung bakit meron ako nito


Craziest thing I Did for LOVE (julielmo ff)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon