"Elmo saan na ba tayo?" di ko kasi makita yung dinadaanan namin eh naka blind fold kasi ako,teka! may naalala ako diba ginawa na niya to noon? ay ewan ko! nakalimutan ko na
"malapit na kapit ka lang" sabi naman niya gina-guide niya kasi ako kaya ito ako puro kapa-kapa lang ang ginagawa
"nandito na tayo" sabi niya sabay bitaw sakin,wait saan na yun kinapa-kapa ko ang paligid pero hindi ko siya nahawakan kay tinanggal ko ang blind fold pero ang dilim wala akong makita kaya nagsimula na akong kabahan at nanggigilid narin yung mga luha sa mata ko
"Elmo!" sigaw ko nakakabingi yung katahimikan hindi ako sanay sa ganito natatakot na ako!
"Elmo magpakita ka naman oh! natatakot na ako!" nangingiyak na sabi ko puro dilim yung nakikita ko
"Elmo kung gusto mong mag higante huwag naman sa paraan na ganito oh!" di ko na talaga kinaya at humagulhol na sa pag iyak,alam kong parang baliw na ako dito at nagsasalita mag-isa plus umiiyak pa,kung plano niya tong gawin puwede namang saktan niya nalang ako eh,kaysa sa ganito
"alam ko may kasalanan pa ako sayo,hindi pa ako nag so-sorry sayo kaya sorry na! di ko naman talaga sinasadya yun eh,itatapon ko na nga lang sana yun eh kaso nakita mo nga,Elmo minahal naman talaga kita eh kung alam mo lang sobrang sakit nung time na sinabi ng mommy mo na pupunta ka ng states and that was the time na nawalan na ako ng pag-asa na habulin kapa kasi masakit eh!" habang sinsabi ko ang mga salitang yun tila naman walang tigil yung luha ko sa kaka agos sa mukha ko pinilit kung maglakad kahit di ko na nakikita yung daan at habang naglalakad ako patuloy parin ako sa pagsasalita
"okay lang na saktan mo ako kahit ano pang gawin mo basta huwag lang ganito takot ako! Elmo!" sa sobrang takot ko sinigaw ko na talaga yung pangalan niya kahit feel ko na iniwan na niya talaga ako
"Elmo! huwag mo akong iwan!....di ko kaya! " yun na ang last sinabi ko sabay lupasay na sa lupa nakakapagod umiyak ayaw ko na sana hindi nalang ako umo-o sa walang kwentang date nato
Elmo's POV
kung inaakala niyo na iniwan ko si Julie,diyan kayo nagkakamali dahil nasa isang sulok lang kami,oo kami kasama ko sila Enzo,Sef,Lauren,Phil,at Maqui naka uwi na siya galing sa bakasyon niya at ang may pakana lang naman ng kagaguhang to ay silang lahat at ako namang sunod-sunoran sumangayon di ko naman na yan yung ire-react ni Julie eh naawa tuloy ako sa kanya kanina ko pa nga gustong lapitan dun pero ito namang sila Enzo pinipigilan ako alam ko namang takot siya sa dilim eh kaso dapat may ganito daw dapat sabi nila Maqui ewan ko nga kung paano nila ako napapayag
"humanda kayo sakin kapag may nangyari kay Julie ha!" mahina kong sabi pero mababakas mo ang galit ko
"ang arte mo! hindi yan!" pagsigurado ni maqui
"ano na gagawin ko? tatanga-tanga na lang ako dito? ha?" nang-aasar na sabi ko at the same time sarcastic din
"Elmo! lumabas kana please!" naririnig kong sabi ni julie habang umiiyak seriously ang lakas na ng iyak niya kaya hindi ko na napigilan at tumayo na and I turned on the switch
Julie's POV
"Elmo! lumabas ka na please!" nakasigaw na sabi ko sabay iyak natatakot na ako gusto ko ng umalis pero wala akong makita! nanginginig na ako sa takot,pero biglang may ilaw na nangagaling di kalayoan sakin,naka focus lang siya sa isang bagay na nasa table kaya dahan-dahan akong pumunta dun kahit nanginginig pa ako sa takot
"b-bakit may Ipad dito?" naiiyak parin na sabi ko di ko alam kung bakit di ako matigil sa kakaiyak,but wala na akong pakialam at nakita ko dun sa Ipad may nakasulat na 'My love Timeline' tapos may nakasulat pa din na 'swipe to be mine' nacurious ako kaya nag swipe ako
BINABASA MO ANG
Craziest thing I Did for LOVE (julielmo ff)(Completed)
Teen Fictionisang nerd na babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin ng kanyang crush...ang tanong magtatagumpay kaya siya?