REYWIN'S POV
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Medyo hirap akong bumangon dahil dalawang araw na akong hindi makatulog.
Sobra akong napaisip sa ikinilos ni Jam nung magkita kami. Ayaw ko naman siyang tanungin about it dahil baka naman mali ako. But I know that there is something bothering her. She acted wierd. She is not like that.
Alam ko may dapat siyang sabihin sakin kahapon pero natatakot siyang sabihin 'yun. But what ever it is, I know that she has a valid reason for not telling it.
Hindi rin kami nakapagdate last weekend dahil may aasikasuhin daw sila ng mommy niya.. Ngayon lang siya nangako ng date saakin na hindi niya tinupad.
Dumeretso agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na agad ang sarili ko at gamit ko sa school. Bumaba na rin ako para magbreakfast dahil ayaw ni Manang na hindi ako kakain ng agahan.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay manang.
Pagkadating ko sa school, nagpark agad ako ng kotse ko at tumingin sa relo ko. Five minutes na lang at magstart na ang klase ko.
Mabilis akong tumakbo papunta sa building namin at mabuti na lang at hindi ako nalate. Medyo malayo kasi ang parking area sa department building namin. Pagupo ko ay sabay namang dating ng professor namin. Napaappear pa ako kila William at Benedict dahil sa eksaktong pagdating ko. Sa gitna nila William at Benedict ang upuan ko.
Sila William Manzano at Benedict Ponce ang mga matatalik kong kaibigan. We're bestfriends since kindergarten. Close ang mga family namin dahil magbebestfriend ang mga mommies namin.
Sa sobrang close ng family namin sa iisang village lang kami nakatira. Iisang school din nila kami pinapasok. Hindi naman sa choice nila na magaral kami sa iisang school since kinder at iisang course ang kunin ngayong college but being together is what we choose. Baka mamamatay kami kapag naghiwahiwalay kami.. joke lang.. Para kasing iisa nalang ang bituka namin at masaya kaming magkakasama.
"Ang galing ko talaga.." bulong ko.
"Woi.. muntik ka na malate ahh.. hahaha". bulong sakin ni William.
"Oo nga.. hehehe" sabi ko.
Nagthumbs up naman si Benedict sa'kin.
Nagstart na ang klase namin. Fifteen minutes na ang nakakalipas ng magstart ang klase ng may narinig kaming tatlong katok na mahina sa pintuan. Lahat ng atensyon namin ay napunta sa taong ngbukas ng dahan dahan sa pintuan.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"Siya si flyer girl" bigla kong nasabi.
Napatingin sakin sila William at Benedict.
"Kilala mo?" tanong sakin ni Benedict.
"Hindi ko alam name nya pero ilang beses na kaming nagkabangga nyan..." sagot ko.
Napatingin ng makahulugan 'yung dalawa saakin. Ang mga mata nila ay nagtatanong kung ano ang ibig kong sabihin. Hindi ko na sila pinansin at ibinalik ko agad ang mata ko kay flyer girl.
Napansin kong mukhang magkakilala sila ni Ms. Yatco. Hindi ko na ganung inintindi ang mga sinasabi nila dahil tutok na tutok talaga ang mata ko kay flyer girl. Narinig kong pinapaupo na siya ni Ms. Yatco. At kinabahan ako ng unti unti siyang lumalapit sa akin.
What the fvck.. bakit ganito ang pakiramdam ko. Natatakot ba ako sa babaeng 'to?
Huminto sya sa bakanteng upuan na katapat ng upuan ni William. Tumingin sya sa upuan na 'yun at sabay tumingin din kay Joy.
BINABASA MO ANG
the 1st time I said i love you
Teen Fiction"Falling in love is like the rain. it's UNPREDICTABLE, but there are always signs before it completely FALLS." pero "Staying INLOVE with someone is like standing in the RAIN.. You know you'll get SICK but still you STAND..." Nakakalungkot isipin...