Chapter 7 "So Confusing"

43 4 12
                                    

REYWIN'S POV

Nagpatuloy ang oras ng klase namin. Kahit nakita ko si Jam parang bad mood pa rin ako. Wala akong ganang makinig.

Nakakainis talaga si flyer girl. Dahil sa kaniya na babadtrip ako.

'Eh.. bakit nga ba nababadtrip ako sa kaniya?'

'Ano ba ginawa niya sa'kin?'

Napasabunot ako sa ulo ko. At nakita ko ang paglingon ng lahat sa klase namin.

"A-ahhh...hahaha.. Ma'am excuse me, cr lng po.. " palusot ko sabay labas ng room.

Paglabas ko ng room ay nahampas ko pa ang pader. Naguguluhan ako sa sarili ko.

Nagtuloy na ako sa cr at naghilamos muna. Nagtataka ako sa nararamdaman ko.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at may nakita ako...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH. Hindi ito totoo.." gulat na gulat na sabi ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko ang tibok nito. At unti unting bumagal ang tibok. Parang huminto ang mundo habang nakatitig ako sa salamin. Tanging tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.

TUG

DUG

TUG

DUG

TUG

DUG

TUG

DUG

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH..." naninikip na ang dibdib na sigaw ko.

"Nakikita ko siya.." hindi makapaniwalang sabi ko.

"Nakita ko siya.. " umiiling pa ako.

"SIYA!!.." sigaw ko na.

"Si flyer girl nakita ko sa reflection ko.. huhuhu" hawak na ang dibdib na sabi ko sa sarili ko.

"Tol...ano nangyari sa'yo?" si Benedict na biglang sumulpot sa tabi ko.

"O-Hh.." gulat na sabi ko.

"Loko.. nag-aalala kami sa iyo ni William. Parang nababaliw ka na kanina pa eh.. problema mo?" sabi ni Benedict na bakas sa mukha niya ang pagaalala.

'Narinig kaya niya ang mga sinabi ko?'

"W-wala... b-bakit nandito ka..." gulat pa rin nasabi ko.

"Nag-aalala nga bro.. bakit ka ba ganiyan?"

Bumuntong hininga muna ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi ko pwedeng sabihin kung bakit ako ganito. Kung bakit hindi ko pwedeng sabihin ay dahil kahit ako hindi ko rin matanggap ang dahilan..

"H-hindi lang ata m-maganda ang g-gising k-ko.." nauutal pa na pagdadahilan ko.

"Nakita mo na si Jam ahh.. pag ganun gumaganda na mood mo.." nagtatakang sabi niya.

"O-oo nga eh.. hehe.. ewan ko ba." nag-aalangang sagot ko.

'Tama si Benedict. Kapag nakita ko na si Jam buong araw na maganda ang araw ko. Pero bakit ganito?'

"Hoy.. baka meron kang nililihim sa amin ni William. Sabihin mo bro baka nagdadrugs ka na.. hahaha" biro niya na tinapik pa ako sa braso.

the 1st time I said i love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon