Chapter 8 A Letter

57 3 1
                                    

ROSE'S POV

Kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko habang hawak ni Barney ang braso ko. Hila-hila niya ako papalayo sa mga babaeng may sapak ata sa mga utak dahil sa kabaliwan sa Barney and friends.

Nang makapasok kami sa loob ng canteen ay hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa canteen sa aming dalawa pero pakiramdam ko ay wala siyang pakialam dun. At ganun din ako.

Derederetso kami sa table namin nila Ayieh at pabagsak niyang binitiwan ang braso ko.

"Next time, ingatan mo ang sarili mo.." sabi niya na kunot noo pa rin at biglang tinalikuran ako.

Sabihin nang nababaliw ako pero naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niyang iyon.

Hindi ako makapagsalita sa mga nangyari. Alam ko nagsasalita at nagtatanong na sila Ayieh at mga kasama namin pero 'yung tibok lang ng puso ko ang naririnig. Parang huminto ang paligid at kasalukuyan pa rin akong nakatayo habang nakatingin sa papalayong si Barney.

"HOY! Anong eksena 'yun.." sigaw ni Jen sa akin at hinila ako para makaupo.

Napakurap-kurap pa muna ako bago nagsalita.

"May mga.." pagpuputol ko sa sasabihin ko at huminga muna sandali. "May mga humarang kasi sa akin dun sa faucet.. walong babae.." kwento ko.

"Anong hinarang..ayusin mo nga 'yang kwento mo.." si Sarah.

Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari.. ang lahat lahat ng nangyari.

"Nakakatakot naman 'yung nangyari sayo, Rose. Kung ako 'yun baka umiyak na lang ako.." si Julie na bakas talaga ang takot sa mukha niya.

"Natakot din naman ako pero.." nag-isip munang sabi ko pero biglang nagsalita si Ayieh.

"Dumating ang boy-in-shining-uniform nya...hahaha " sabi niya na may tinging kakaiba.

"Nagkataon lang 'yung pagsulpot niya dun.." depensa ko.

"Grabe makatyempo si Tadhana tzk tzk tzk.." sabat naman ni Sarah.

"Next time huwag ka nang aalis mag-isa. " si Jen na bakas ang pag-aalala.

"Oo.." sagot ko na lang.

Tapos na rin kaming kumain kaya nagsimula na kaming magayos ng gamit para makabalik na sa mga klase namin.

Hindi na ako nag-abalang lingunin pa SIYA at ang mga friends niya dahil alam ko.. at nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin.

'Gash..ano ba 'to?.'

Naiinis ako sa nangyari dahil hindi naman ako palaaway na tao para may mang 'darag' sa akin. Ang nakakainis pa nagagalit sila sa akin dahil sa LALAKI.. take note.. Sa lalaking kinaiinisan ko pa. Pero sa kabila ng inis na nararamdaman ko, hindi ko maitatangging bahagyang nabawasan ang inis na meron ako kay Barney.

Sa classroom ay itinuon ko na lamang ang buong atensyon ko sa pakikinig kahit sa kabila nun ay nahihirapan ako.

Naaalala ko ang nangyari kanina sa may faucet.. pero puro 'yung eksena ni Barney ang naiisip ko.

'What the fvck, Rose? Tigilan mo ngang 'yang pagiisip na 'yan'

Naiinis ako sa sarili ko pero hindi ko maikakailang may parang nagbago sa loob ko. Pero kahit ano man 'yung nagbagong iyon.. hindi dapat ito nakaka destract sa pag-aaral ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the 1st time I said i love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon