REYWIN'S POV
Nanlaki ang mata ko nung makilala ko kung sino yung babae. Sa sobrang malas naman sya yung tinamaan ko ng bola sa ulo. Kitang kita ko ang pamumula sa galit ng muka nya.
Hindi ko naiwasang pagmasdan ang kabuuan ng galit na babaeng ito.
Napatingin agad ako sa mga mata nya na bilugang singkit. Oo, talagang "bilugang singkit" at ang cute ng mga mata nya na nakatitig sakin. Morena ang kutis nya na bahagyang namumula dahil ata sa galit at mukang bilad din sa araw.
Nakatali ang buhok nya na mahaba na may mga nalaglag ng konting hibla ng buhok sa muka nya. Medyo may katangkaran sya kumpara sa normal na height ng mga babae. Payat sya pero hindi naman mukang kawayan. She is not pretty but she is not also ugly.
She is just a plain type of girl.
'Tsss....Napakaboring ng itsura. Mata lang ang cute. hahaha'
'PAK'
"Aray". Napahinto ako sa pagiisip ng biglang hampasin ako nung babae sa mukha gamit ang mga flyers sa kamay nya.
"Hoy, ikaw mister", sigaw nung babae sa akin.
"Tinatanong kita, ganyan ka ba talaga kabastos at tinulalaan mo lang ako?" galit paring sigaw nya. "Bingi ka ba?"
"Hey miss, look i already said sorry", ganting sigaw ko din sa kanya habang hinihimas ko ang ilong ko. "See I'm here already to apoligize." Masungit na sabi ko pa at medyo nakaramdam din ako ng hiya dahil napatitig nga ako sa kanya ng ilang sandali.
Naningkit lalo ang bilugang singkit nyang mga mata habang nakatingin sakin.
"Apologize pala hah.." sabi nya at biglang.
'Bag'
Inapakan nya ang paa ko ng buong lakas na kinagulat ko talaga. Napakapit ako sa paa ko sa sakit at sabay nakita ko nalang ang pagtakbo naman nung babae. Habol tingin nalang ang nagawa ko.
"Bhelat sayo! Ayan kwits na tayo!", sigaw nung papalayong babae at aba dinilaan pa ako.
'Lokong babae yun ahh.. tzk tzk tzk tzk.'
Bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko. Pagtingin ko si Jam, tumatawag sya.
"Hello, Jam", sagot ko na medyo inaalis yung inis ko kay flyer girl.
"Hi, Reywin" sagot ni Jam sakin. "Mr. Handsome, pasensya ka na kung wala pa ako diyan hah!! May dumating kasing bisita si mommy. Pinagstay nya muna ako para tulungan siyang pakiharapan sila", malambing nyang sabi sa akin.
"Ganun ba, ok lang yun. Naiintindihan ko." Malambing din na sagot ko.
"Yiiiiii...kaya naman gustong gusto kita eh..hahaha, napakaunderstanding mo". tumatawang sagot nya pero tumatak sa akin yung sinabi nyang "kaya naman gustong gusto kita eh". Kinilig talaga ako dun.
"Gustong gusto mo talaga ako?"
"Kaw naman Reywin, matagal mo ng alam yun diba?" sagot ni Jam.
"Oo pero parang iba ang dating nun ngayon sakin..hahaha" kinikilig pa rin ako.
Noon pa naman alam ko ng gusto ako ni Jam. Ilang beses na nyang nasabi iyon sakin.
BINABASA MO ANG
the 1st time I said i love you
Ficção Adolescente"Falling in love is like the rain. it's UNPREDICTABLE, but there are always signs before it completely FALLS." pero "Staying INLOVE with someone is like standing in the RAIN.. You know you'll get SICK but still you STAND..." Nakakalungkot isipin...