Tenth Floor 6

6.1K 85 2
                                    

Almost 1 hour na nung umalis si Michael. Akala nya tulog na ako kaya pasimple at dahan dahan syang umalis. Pero hindi nya alam na gising na gising ako. Nakapikit lang ang aking mga mata. Hindi na ako makatulog pero mas lalong nagising ang diwa ko nang may ginawa sya na di ko inaasahan.

Dahan dahan syang umayos ng pagkakahiga. Inilapit nya ang mukha nya sa akin. Hinawi ang buhok ko. Hinimas ang noo ko papuntang pisngi. At binigyan ako ng matamis na halik sabay mahinang nagsabi ng....
"I love you Terrence!"

Tangina! Mas lalo akong naguluhan. Posible ba talaga na mahal nya ako? Pwede ba na magmahal ng dalawang tao ng sabay? Paano si Brandon? Ano ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ito? Ano na ang mangyayari? Ganun na lang ba yun? Ang gulo!
Mag-aalas sais na pero di pa din ako makatulog. Gusto nang matulog ng katawan ko pero parang bangag sa droga ang utak ko na gising na gising. Lumabas ako ng kwarto ng naka boxer brief lang.

Yun naman ang ginagawa ko palagi tutal mag-isa lang ako. Pilit kong inaalis si Michael at Brandon sa isip ko. Nagpakulo ako ng tubig at kumuha ng cup noodles. Medyo gutom na din kasi ako. Pagkatapos ay agad akong pumwesto sa harap ng TV. Nang maubos ko ang noodle ay agad akong kumuha ng gamot sa sakit ng ulo. Ramdam ko kasi ang pagkirot ng sintido ko. Medyo mainit ako. Mukhang lalagnatin pa yata. Pagkainum ng gamot ay agad akong nahiga sa sofa. Hindi ko na namalayan ang pagbagsak ng mga mata ko. Hanggang tuluyan na akong nakatulog.

Mag-aalas singko na ng hapon nang magising ako dahil sa isang malakas na katok sa pinto. Dahil sa gulat ay napaigtad ako sa sofa. Saglit kong inayos ang sarili ko at lumakad papuntang pinto. Medyo gegewang gewang pa ako dahil sa antok. Agad kong binuksan ang pinto at ang gulat na mukha ni Aldo ang bumulaga sa akin.

"Uy. Aldo? Naparito ka?" tanong ko habang nagkukusot ng mata.

"Langya Sir. Ang tambok naman nyan? Hahaha!" ang natatawang tugon ni Aldo habang nakatingin sa harap ko.

Nuong una ay di ko naget ang sinabi nya. Pero nung kalaunan ay nataauhan na ako. Agad akong napayuko. Naalala ko na nakaboxer brief lang ako. Kitang kita pa ang bakat na bakat kong ari mula sa loob ng boxer brief ko. Normal lang naman sa lalaki na tinitigasan habang natutulog di ba? Para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang natauhan. Agad kong tinakpang ang nagagalit kong ari.
"Hahaha. Mukhang malaki Sir ah." biro ni Aldo.
"Sir ulo ka. Bastos!" sabay talikod papasok ng banyo para kumuha ng twalyang pantakip. Sumunod naman si Aldo.

"Naparito ka?" agad kong tanong pagkatakip ng twalya.

"Sungit naman. Hindi mo ba ako namiss?" pabirong tanong nya.

"Ugok!" ang sagot ko.
"Joke lang. Pinapasabi kasi ni Manong Ramil na may session mamayang alas onse sa roof top. Kami lang naman nina Manong Nestor ang mag-iinum. Wala si Chief kaya pwede. Hehehe." natatawang sabi ni Aldo.

"Ay ganun ba?" napapaisip na tugon ko. Pinakiramdaman ko din ang sarili ko dahil kanina lang umaga ay parang lalagnatin ako. Nang matantya ko na ok na ako.

"Sige. Pakisabi na lang kay Manong Ramil na pupunta ako."

"Ayos! Sige asahan ka namin. Basta tayu tayo lang ang nakakaalam ha?" paalala ni Aldo.

"Alam ko namang bawal kaya walang makakaalam. Paano nga pala ako makakapunta dun" tanong ko kay Aldo.

"Mula sa elevator pindutin mo yung 20th floor. Paglabas mo lakad ka pakanan. Nasa dulo yung pinto papanik sa roof top. Nakalock palagi yun. Itext mo na lang ako kapag nandun ka na. Ibigay ko sa iyo ang number ko." Sagot ni Aldo.

Agad akong pumunta sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Pagka kuha ko ay agad akong lumabas.

"Ok. Anong number mo?" tanong ko sa kanya sabay akmang magtatype ng number sa phone ko.

The Tenth Floor #boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon