Tenth Floor 3

7.9K 84 2
                                    

Mag-aalas sais na din ng hapon nang matapos ko ang paggegeneral cleaning ng unit. Napalitan ko na ang kurtina at ang kobre kama. Natanggal ko na din ang alikabok. Hanga din ako sa resistensya ko dahil nagawa kong matapos ang paglilinis kahit nakakadalawang jakol na ako. Actually, parang kaya ko pa ng isa. Kaya lang masama naman daw yung madalas. Malakas daw makatuyo ng balat.

Pasensya na kung madaling maniwala. Bulakenyo e.
At dahil nga sa gusto ko nang matapos agad ang paglilinis ng unit ay di ko na naisip na mananghalian. Ang huling kain ko ay agahan pa bago ako maghakot ng mga gamit ko. Kaya eto at nag-aalburoto na ang sikmura ko. Tinatamad na ako magluto kaya naisipan ko na lang na kumain sa labas. Tutal may malapit na mall mula sa tinitirhan ko kaya duon na lang ako kakain.

Mula sa harap ng condo ay walking distance lang ang mall. Napagpasyahan ko na lang na maglakad at nang makita ko ang paligid. Medyo mausok dahil sa mga sasakyan na dumadaan. Madami ding naglalakad na tao pauwi sa kanikanilang bahay. Mukha namang safe ang lugar dahil may nakikita ako na Police Mobil na rumoronda.

After 20 minutes ay nakarating ako ng mall. As usual, madaming tao. Rush hour. Nag-uuwian ang mga tao from work. Yung iba dadaan muna sa mall bago umuwi. Deretso ako ng food court. Nung maka-order ay agad ako naghanap ng mapupwestuhan. Madaming tao na nagdidinner kaya medyo nahirapan ako maghanap. After 5 minutes at saka palang ako nakahanap ng mauupuan. Habang kumakain ay naalala ko si Kuya Robert. Hindi pa sya nagpaparamdam mula nung ihatid nya ako kaninang umaga. Kaya tinawagan ko sya.

Nakakadalawang ring pa lang sa telepono ko nang may lumapit sa akin na isang matangkad na lalaki. Tingin ko mga 6 footer. Maputi at ala Justin Bieber ang buhok. Maganda ang katawan at halatang naggygym. Ang lakas ng dating.

"Shocks!"

"Excuse me!" bati ng lalaki sa akin. "May kasama ka ba?"
Agad kong kinancel ang tawag at ibinaba ang cellphone ko.

"Uhm. Wala naman po. Solo lang. Bakit po?" sagot ko sa kanya.

"Pwede ba makishare kasi wala nang available na seat?" pakiusap nya.

"Ay. Sige! Ok lang po." sagot ko sa kanya. Agad kong inayos ang mga nakalagay sa mesa para mailagay nya ang pagkain nya. Medyo nagtaka lang ako at medyo madami ang order nya

"Thank you. Sya nga pala dalawa kami ha? paalala nya sa akin habang nakangiti.

"Ok lang po. Walang problema!" agad kong sagot sa kanya.

Bumalik ako sa pagkain ko. Muli kong tinawagan si Kuya Robert pero nagriring lang ang cellphone nya. Medyo nag-aalala na ako. Inisip ko na lang na baka busy sya sa kausap nya o posibleng nagdadrive sya. So nagtext na lang ako sa kanya at bumalik sa pagkain ko. Binilisan ko na lang para makapaggala pa ako ng konti. Umiinum ako ng pineapple juice nang biglang may isang pamilyar na lalaki na umupo sa tabi ko. Halos maibuga ko ang iniinum ko.

"Oh my gowd!" sabi ko sa isip ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Hi Hon! Sorry nalate ako. Naghanap pa ako ng parking e." sabi ng lalaking nasa tabi ko.

"Ok lang Hon! Eksakto lang naman ang dating mo. Medyo mahirap maghanap ng pwesto kanina. Buti nga at pumayag si kuya na makishare tayo." sabay turo sa akin.

Agad na lumingon yung lalaking nasa tabi ko. Nanlaki ang mga mata nya nang makita nya ako.

"Hey! It's you! Remember me? We met in the elevator kaninang umaga!" nakangiting sabi sa akin ng lalaking nakatabi sa akin.

Ni halos hindi ako nakapagsalita sa gulat. As always, namula na naman ako at nagsimulang pawisan. Si Kuya sa elevator ang nasa harap ko. Kanina lang umaga hindi ko alam kung paano ulit sya haharapin dahil sa awkward moment na nahuli nya akong nakatitig sa pwet nya pero eto nasa harap ko sya. Pagkakataon nga naman.

The Tenth Floor #boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon