Tenth Floor 9

6.1K 70 2
                                    

Unti unting nawawala ang galit at kurot sa puso ko nang maglapat ang mga labi namin ni Aldo. Nuong una ay marahang dampi lang. Hahalik sya tapos kakawala. Titingnan ako. Ngingiti at muling hahalik. Hindi ako kumilos. Hinayaan ko lang na gawin nya ang mga nais nyanContinue.

"Ang sarap ng mga labi mo Terrence!" ang naghahabol hiningang sabi ni Aldo.

Eto na naman. Paulit ulit na lang. Naalala ko na naman ang sinabi ni Michael nung unang halikan nya ako. Pero yun din ang sinabi ni Jerry kanikanina lang kaya eto na naman ang kurot sa puso ko. Akmang magsasalita ako nang muli akong halikan ni Aldo. Mas naging masidhi na ang paghalik nya sa akin.

Ang sarap ng mga labi nya. Matamis. Kakaibang sensasyon ang idinulot sa akin nito. Ang bango din ng hininga nya. Ang bawat hinga nya ay parang pabango na nanunuot sa ilong ko. Kaya mas lalo akong nadadarang sa sitwasyon.
Naramdaman ko ang pilit na pagpasok ng dila nya sa bibig ko at para akong nahipnotismong nagpaubaya. Naghalo ang mga laway namin. Parang mga bata ang mga dila namin na malayang naglalaro sa loob ng bibig namin. Hinawakan nya ako sa ulo at buhok ko para mas lalo pa nyang maidiiin ang labi ko sa labi nya. Ramdam ko ang libog ni Aldo dahil hindi nya malaman ang gagawin. Ilang saglit pa ay inihiga nya ako sa sofa. Itinaas nya ang mga binti ko. Ibinuka ang aking mga hita at saka sya pumatong sa akin. Saglit nyang hinimas ang pisngi ko sabay ngiti at muli ay siniil ang aking mga labi.

Maya maya ay naramdaman ko ang paggapang ng dila at labi nya sa leeg ko. Magaling si Aldo. Alam nya kung saan nya itutuon at pagagalawin ang dila nya. Kinikilabutan ako sa mga ginagawa nya. Nagtataasan ang mga balahibo ko. Ramdam ko din sa leeg ko ang ang hangin sa bawat paghinga nya. Kahit nananakit ang kamay ko ay hinawakan ko sya sa ulo para mas lalong maidiin ko ang labi at dila nya sa leeg ko.

"Aaaaahhhhhh! Aldo! Ahhhhhhhhh!" ang ungol ko.

Mula nang marinig ni Aldo ang pagungol ko ay mas lalo pa nya pinagbutihan ang paggalaw ng dila nya. Para bang kending matamis ang leeg ko na dinidilaan nya ito ng pataas pababa. Paminsan minsan ay marahan nyang kinakagat ang baba ko kapag napapagawi ang bibig nya duon. Ibang klase talaga.

Nagsimula na ding gumalaw ang mga kamay ni Aldo. Naramdaman ko ang paggapang ng mga kamay nya mula sa mukha ko pababa sa dibdib at tiyan ko. Maya maya pa ay inililis nya ang polo shirt ko at dahan dahan na ipinasok ang kamay nya sa loob. Ramdam ko ang mga kamay nyang gumagapang pataas papunta sa dibdib ko. May katigasan ang mga palad nya dahil na din sa pagtatrabaho pero ibang kiliti at sensasyon ang idinulot nito sa akin.

Nang dumako ang kanya mga daliri sa aking nipple ay agad nya itong pinaglaruan. Paminsam minsan ay pinipiga nya ito ng marahan habang patuloy pa din ang paghimod nya sa aking leeg. Hindi ko halos alam ang gagawin dahil sa sobrang sarap ng aking nararamdaman. Napapaangat ang aking likod at puwitan. Ramdam na ramdam ko din ang naghuhumindig na alaga ni Aldo na nakapatong sa kanina pang nagwawalang alaga ko.

Hinatak ko ang ulo ni Aldo mula sa leeg ko. Saglit lang at marahan ko syang itinulak para kakatayo ako. Pagkatayo ko ay hinawakan ko sya at inaya papunta sa kwarto. Pagdating sa kwarto at isinara ko ang pinto. Binuksan ko ang ilaw. Mas gusto kong bukas ang ilaw para kitang kita ko ang lahat.

"Ok lang?" Sabay turo sa ilaw.

Tumango lang si Aldo at di na umimik pa.
Bakas sa mukha ni Aldo ang saya dahil nakangiti ito nakatingin sa akin habang nakaupo sa kama. Agad kong hinubad ang polo shirt ko. Sunod ay ang sinturon, sapatos at medyas ko. Brief lang ang itinira ko. Lumapit ako kay Aldo at naupo sa tabi nya. Binigyan nya lang ako ng isang matamis na halik at saka sya tumayo para maghubad.

Humiga ako sa kama at pumuwesto. Pinauod ko si Aldo sa paghuhubad nya habang hinihimas ang alaga ko. Wala namang espesyal na ginawa si Aldo sa paghuhubad nya pero gustong gusto ko ang nakikita ko. Para ba akong nanunuod ng sexy dancer sa harap ko.

The Tenth Floor #boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon