Tenth Floor 5

6.5K 79 1
                                    

Nung may nangyari sa amin ni Michael. Mula noon ay hindi ko pa sya nakikita o nakakasabay sa elevator. Si aldo naman ay pang-umaga ang shift kaya hindi ko pa din sya nakikita.

Dahil sweldo at walang pasok kinabukasan ay nagkayayaan ang mga officemate ko na gumimick. Kaya lang wala ako sa mood.

Actually, mula nang mangyari yun ay laging wala ako sa sarili. Hindi man apektado ang trabaho ko pero pansin ng mga officemate ko ang biglang pagtahimik ko na naman. Iyun marahil ang dahilan ng pag-aaya nila na lumabas pero nagdahilan na lang ako dahil ayoko talaga sumama.

Pagkababa ko ng taxi sa harap ng condo ay sinalubong ako ni Manong Nestor ng ngiti.

"Gandang gabi Sir!" bati ni Manong Nestor.

"Good evening, Manong!" sagot ko sabay ngiti kahit pilit.

"Sir, bakit parang matamlay ka? Namumutla ka o." tanong ni Manong Nestor.

"Dahil siguro sa pagod Manong. Ilang araw na din kasi akong hindi nakakatulog ng maayos e." sagot ko sa kanya habang hinihimas ang batok.

"Sir, ipahinga mo yan. Inum ka ng gamot." paalala ni Manong Nestor

"Buti na lang at restday bukas.

Makakapagpahinga ako. Si Aldo nga pala. Kamusta na? Isang linggo ko nang di napapansin si mokong." tanong ko.

"Kahapon nandito yun. Kaninang umaga absent. Galing na naman kasi sa 10th floor. Mukhang nasagad si gago! Hahaha!" nakakaintrigang sagot ni Manong Nestor.

Hindi na ako sumagot at nagpaalam na kay Manong Nestor. Naglalakad ako papuntang elevator na iniisip kung ano ba talaga ang ginagawa ni Aldo at madalas sya sa 10th floor. Hindi ko alam kung nagbibiro si Manong Nestor o talagang may alam sya. Ewan ko. Nainintriga talaga ako.

Pinindot ko ang up button. Maya maya ay bumukas ang pinto ng elevayor at agad ako pumasok. Pinindot ko ang 12th floor at ang close button. Nagsasara na ang pinto ng elevator nang biglang may narinig ako na sumisigaw ng.

"Wait! Going up! Wait!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Agad kong pinindot ang open button para pigilan ang pagsarado ng pinto. Maya maya pa ay may dalawang lalaki na pumasok sa elevator na nagpakaba sa akin. Si Brandon at Jerry. Agad naman akong binati ni Brandon.

"Uy! Terrence! Anong nangyari sa iyo? Hindi na kita nakita mula nung nag-inuman tayo?" tanong ni Brandon habang pinipindot ang 10th floor button.

"Ha? Ano! Kasi!" Nauutal na sagot ko.

"Ok ka lang ba? Parang namumutla ka?" tanong ni Jerry.

"Ha? Oo naman! Medyo pagod lang. Galing ako sa work." depensa ko.

"Ah ok. May inuman ulit sa unit. Tara!" Yaya ni Brandon sa akin.

"Pass muna ako. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Kailangan ko siguro muna magpahinga. Baka kasi matuluyan ako kapag nasagad." sagot ko.

"Ganun ba? Sayang naman. Dadalawa lang kami mag-iinum wala si Michael." Sabi ni Brandon.

"Ha? Bakit nasaan sya?" medyo kinakabahan kong sagot.

"Ayun! Biglang nagpaalam na uuwi ng Cebu. Wala sa plano kaya hindi ako nakasama. Ewan ko ba kung anong nangyari dun. Anyways, uuwi na naman sya bukas kaya ok lang." masayang sagot ni Brandon.

Hindi na ako sumagot dahil kinakabahan talaga ako. Mukhang wala namang alam yung dalawa sa nangyari pero sa ikinikilos ni Michael ay baka makahalata si Brandon.

"Terrence dito na kami!" paalam ni Jerry.

"Ok. Sige. Enjoy kayo." tugon ko.

"Sya nga pala. Napansin mo ba si Aldo. Maghapon na naming hinahanap e." tanong ni Brandon.

The Tenth Floor #boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon