Tenth Floor 11 (Finale)

6.1K 112 14
                                    

Alas sais na ng hapon ng dumating ako sa condo. Sa totoo lang wala pa talaga ako balak bumalik pero mapilit si Michael. Ok na din siguro para nang makapagusap na kami at matapos na ang dapat tapusin.

** Dito na ako ** text ko kay Michael.
Hindi sya nagreply.
Lumipas ang isang oras wala pa din sya. Tinawagan ko sya pero nagriring lang ang cellphone nya.

Sinabi ko na lang sa sarili ko na maghintay pa ako ng isa pang oras at kapag wala pa sya ay babalik na ako sa amin.

Limang minuto na lang bago ang palugit na ibinigay ko sa sarili ko nang biglang may kumatok sa pinto. Huminga ako ng malalim, lumapit sa pinto at saka ito binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Michael. May pasa sa kanang labi. Halos hindi maibuka ang isang mata. May benda din sa kamay.

"Michael! Anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong ko.

Hindi sya sumagot. Tumigin lang sa akin. Kita pa din sa mukha nya na may iniindang sama ng loob.

"Pumasok ka nga dito. Ano ba kasi ang nagyari? Bakit ka nagkaganyan? Sino ang may gawa nyan sa iyo?" tanong ko sa kanya.
Nanatili lang na tahimik si Michael na pumasok sa loob. Dumerecho lang sya sa sofa at naupo. Hindi pa din kumikibo.

Isinara ko ang pinto. Tapos dahan dahan na naupo sa may silya sa dining table. Nangangapa. Naghihitay ma magsalita si Michael.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. Nakakabinging katahimikan. Hindi ko makaya ang nakakabinging katahimikan kaya ako na ang naunang bumasag nito.

"Michael kung hindi ka lang din magsasalita bumalik ka na sa unit mo at magpahinga." iritableng sabi ko kay Michael.

Tumingin sa akin si Michael. Kita ko na gusto nyang magsalita pero marahil ay hindi nya alam kung paano ito sisimulan. Nagbuntong hininga lang ito at saka yumuko. Ilang saglit pa....

"Wala na kami..." mahinang sabi ni Michael.

"Anong wala na? Hi... hin...Hindi kita maintindihan." nakakunot ang noo ko habang sinasabi ko ito kay Michael.

"Wala na kami ni Brandon!" humihikbing sabi ni Michael.
Para bang may kung ano na tumama sa ulo ko sa pagkabigla sa sinabi ni Michael. Halos hindi ko maitikom ang bibig ko sa pagkagulat. Gusto kong lapitan si Michael para yakapin pero parang nakapako ang katawan ko sa inuupuan ko.

Hanggang tuluyan nang humagulgol ng iyak si Michael. Agad ako tumayo at lumapit sa kanya. Sumalampak ako sa harap nya.

"Michael..." ang tanging nasabi ko.
Hindi ko masundan ang mga salita ko. Halos madurog ang puso ko sa bawat hikbi at hagulgol ni Michael. Hindi ko sya magawang hawakan dahil natatakot ako na bigla nya akong mabigwasan dahil sa sumasabog nyang damdamin.

Ramdam ko na din ang pangingilid ng luha ko. Pero hindi ko matiis. Gusto ko talaga syang hawakan. Kaya humugot ako ng lakas ng loob at ihinanda ang sarili ko sa posibleng mangyari. Akma ko nang hahawakan ang nakayukong ulo ni Michael nang biglang itinaas nya ito.

"Aaaahhhhh! Tangina Terrence. Buong buhay ko hindi pa ako umiyak ng ganito." humihikbing sabi ni Michael.

"Kahit nung mamatay si Mama.... hindi ako nagkaganito." dugtong nya

"Ngayon lang!.... ngayon lang." Sabay punas ng luha.

"Sobrang sama ng loob ko. Sobrang sakit!" Gigil na sabi nya.

Tumahimik si Michael. Nagpunas ng mga luha. Nagbuntong hininga. Tumingin sa akin. Ang sakit ng mga tingin na yun para sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Nanahimik lang ako. Naghihintay ako sa mga susunod na sasabihin ni Michael.
Humugot ng malalim na hininga si Michael at nagsimulang magsalita.

The Tenth Floor #boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon