Chapter 2: Si Flow at si Mother Earth

31 0 0
                                    

“FFFFFLOOOOOOOOOOOOOWWWWWWWWWWWWWWWWW!!!!!!!!!!”

Paulit – ulit na sigaw ng Mother Earth ko at the top of her lungs na may kasama pang pagsipa at pagkatok ng bonggang bongga sa pinto ng kwarto ko na tila nasa horror movies na hinahabol ng kung anung impakto.  Ang aga – aga. Ang ingay – ingay, naputol tuloy tulog ko.

“Baaaakkkkeeeet??!!! Ang aga – aga ang ingay – ingay mo!” pasigaw kong sabi sa kanya habang binubuksan ang pinto at nagtatanggal ng muta sa mga mata ko. (Diba laki ng respeto ko sa Mother Earth ko? Hahaha)

Siya nga pala si Mama Rebecca Wu, ang nanay ng chakang bida. Mabait yan pero mapang – asar nga lang at daig pa ang pari kung magsermon. Pero love na love ko yan.

“Ano ka bang lalaki ka?? Anong oras na oh?? 7:00 a.m na!!!” ani niya habang nakapameywang at nakataas ang isang kilay.

“Oh ano naman ngayon??” sabi ko na nakasimangot habang nakapikit at nagtatanggal ng muta.

“ANO NGAYON??!!” ulit niya na may pagtaas ng boses. “Ngayon lang naman ho ang unang pasok mo diba ho??” sabay sabi niya ng mahinahon. Sabay sara ng pinto ng kwarto ko at pasigaw na sinabing, “Kumilos ka na dyan at bumaba! Naghanda na ko ng almusal mo at pampaligo mo. Kakapatay ko palang naman ng ininit mong pangligo. Huwag mo ng hintaying maging bangkay ang pampaligo mo.”

“Ay Shocks !!! oo nga pala nakalimutan ko!! Ngayon pala ang unang pasok. Di ako pedeng malate. Kase hahanapin ko pa ang room ko.” Sabi ko ng mahina at biglang natauhan at nagising ang buong diwa. “Salamat Ma!” Pasigaw kong sabi.

Nagmadali ako at dali – daling inayos ang pinaghigaan at kumuha ng tuwalya.  Bumaba at dumiretso na sa kusina para kuhain ang mainit na tubig na pampaligo ko at naligo. (di kase ako sanay maligo ng di maligamgam ang tubig. Kahit ganito ako. Kailangan maging choosy! Hahaha)

Halos limang minuto lang ako nakaligo dahil nga natatakot ako malate kase mahigit isang oras ang byahe ko papuntang school at maghahanap pa ko ng room ko. Kaya hassle talaga. Tapos di ko pa alam kung mabait o terror ang maabutan kong propesor.

Pagkatapos na pagkatapos ko maligo. Dali dali akong umakyat ng kwarto na nakatapis ng tuwalya hanggang bewang. Sa sobrang pagmamadali ko muntik muntik ng malaglag ang tuwalya nung nasa hagdan na ko dahil sa di ko naayos ang paglagay nito. Di pa naman ako nakapanty. Ay este Brief pala. hahaha

Bigla naman akong binulyawan ni Mother Earth habang pinaplantsa ang unipormeng susuotin ko. “Ano ka bang bata ka! Hayan ka na naman nagmamadali. Puyat ka na naman kase sa kaka Pisbuk mo. Tignan mo tuloy yang mukha mo. Puro na buk buk.” Sabay ngiti ng pang – asar.

Nang marinig ko siya, dali dali akong huminto at binaba siya kahit nakatapis pa at sinabihang, “Kaw Ma, kung wala ka namang magandang sasabihin, pwede manahimik ka na lang.” sabay tawa at sabing “Love you, Ma! hahaha”

“Love you too nak! Zsa Zsa Padilla! Umakyat ka na at Magbihis baka tuluyang malate ka.” Ika niya habang winawagayway ang kamay na tila pinapaakyat ako. O diba mas bakla pa Mother Earth ko sakin.

Dali dali naman akong umakyat at nagbihis. Oo tama si Mother Earth na puyat na naman ako kase sa facebook at tama din sya na buk buk ang muka ko. Sa sobrang buk buk aakalain mong may mga sink hole sa muka ko. Pero sa tingin ko di naman ang pagpe facebook ang dahilan kung bakit ganito ang muka ko diba mga ateng? Hahaha

Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang mukha ko. Bigla na lang sila nag rentahan sa mukha ko. Parang si Naruto ang mga tigyawat ko. Mga nagkakagi bushin technique (sana tama spelling hahaha) Kung pede nga lang I – Bluetooth tong mga tigyawat na to. Di ako magdadalawang isip na ibahagi to. Kakasawa na. hahahaha

My Partner is Poser! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon