Chapter 1: Akes si Flow

65 0 0
                                    

Note: This is the first story na isusulat at ipopost ko sa site na to. I was inspired by the story of Diary ng Panget. Hahaha kaya naisipan kong sumulat ng ganitong uri ng kwento pero di ordinaryong kwento, kasi di ito kwento ng karaniwang love story ng babaeng maganda at lalaking gwapo na nababasa niyo at inaasam ng maraming kababaihan at kabekihan at higit sa lahat hindi lang ito love story ni Eba at Adan o ni Malakas at Maganda kungdi istorya ng isang mapamantasyang chakang Paminta. Hahaha Atsaka dahil bakasyon wala akong magawa at gusto kong ipamahagi ang kulit at lawak ng imahinasyon ko. (hahaha kung meron man) I hope na magustuhan niyo ang kwentong ito. Susubukan ko lang kung maraming may gustong ituloy ko ang kwento ko. Just comment or like the post/the story itself. Hahaha (Any form of feedback is acceptable!)

PS: This story promotes gender equality and gives respect to the entire bisexual out there.  It only proves that love is for all no matter what gender you have. And most of all love can feel in any form.

Chapter 1 “Akes si FLOW”

“Beauty without brain is like an eye without sight,

An ocean without water,

A body without soul, and

An earth without God.”

Salamat sa beking nagsabi ng kasabihang ito, narinig ko lang ito sa napanuod kong Gay Pageant noong fiesta sa lugar samin. At dahil kung kabaklaan lang naman ang pag – uusapan, BOOM PANES kayo sakin with feelings hahaha dahil hilig ko talagang manuod ng mga ganyang ganap. Tumatak ito sakin kase sobrang nasapol ako dito at parang may umilaw na imaginary bulb sa right side ng sentido ko. Hahaha at dahil sa wala akong gandang mairarampa, bawi bawi na lang pag may time sa utak at ugali. Hahahaha XD

By the way, akes nga pala si Floricardo Libracio O. Wu. Mas kilala bilang “Flow” buti na lang at makulit ang imahanisyon ko at naisip ko pa ang abbreviation na yan. Pano ba naman sa ganda ng pangalan ko ang sarap ipalandakan at magsuot araw araw ng nameplate habang naglalakad sa kalagitnaan ng EDSA. Hahaha Salamat sa Mother at Father Earth ko at sumagi sa napakalawak na isip nila ang napakagandang pangalan na yan. Hahaha :D

Syempre bago tayo pumunta sa malapantaseryeng usapang PAG – IBIG ko. Dapat mga ateng kilalanin niyo muna ako, ang bida ng istoryang ito, diba??? Hahahaha O alam ko naman na maraming nag aabang kung anong hitsura ko diba ? (Aminin mga Ateng)  Kung tutuusin sa di pagmamayabang. Nung isinilang ako ng Mother Earth ko sa mapaglarong mundong ito. Tinuring nila akong isang kayamanan. Kaya naman dali – dali silang kumuha ng baul at inilagay ako sabay baon sa lupa. ( hahahaha  dejoke lang) Osha sige eto na, di na ko magpapatumpik – tumpik pa ide – describe ko na ang sarili ko, wag masyadong excited mga ateng.

Uunahan ko na kayo. OO! BAKLA AKO! Pero ako lang ang may alam at ang mga bakla at ang mga mukhang baklang mga kaibigan ko (In short PAMINTA ako ! wag maingay ! psssh). Kase ayokong ipaalam kila Mother at Father Earth kase alam niyo naman. Hahahaha Kase nung bata pa ako halata na naman na Beki ako.at ayaw yun ng Father Earth ko kasi ako lang ang nag – iisang lalaki sa 3 magkakapatid at sakin nakasalalay ang paglago ng Apelyidong “WU” ng aking Father Earth. Kaya ganun na lang kalaki ang galit niya sa mga kabekihan. Yun nga lang takot akong aminin kay Father Earth kase nga tinatakot niya ko. Alam niyo ba mga ateng kung ano ang panakot niya sakin? (Say “ANO?” dapat sabay – sabay kayo mga ateng! hahaha)

Ito lang naman ang sabi niya at parating pinaparinig sakin nung bata pa ako sa harap ng mga kainuman at kasunog baga niyang mga kaibigan. “Ako?” na may pagtuturo ng hintuturo niya sa dibdib niya. “Ako? Pag ako may anak na bakla, lagot siya sakin. Ilalagay at ilulublob ko siya sa Drum na puno ng tubig at papasigawin na LALAKI AKO! O kaya ilalagay ko siya sa sako at ibibitin habang pinagpapalo ng Dos Por Dos.” Sino ba naman ang di matatakot sa banta niya diba? Kaya ako, sobrang pagtatago ng pagkatao ko. Hahaha :D

My Partner is Poser! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon