Chapter 4 Panira Moment

23 0 0
                                    

Nung maiabot ko yung sukli niya bumulong siya ng mahina at nagsabing, “Thank You!”

OH My Guard! Tama ba tong narinig ko? Isang gwapong lalaki nagpasalamat sakin. Ehmeyged piling ko tuloy ang haba haba ng hair ko na nagkandabuhol – buhol sa gitna ng EDSA na nagdulot ng trapik.

Nung marinig ko siyang magpasalamat sakin. Umayos ako ng upo na pumapalakpak ang mga tenga ko sa tuwa. Ilang saglit lang, may bumasag sa pananahimik ko. Nagulat na lang ako sa daliring kumalabit sa kin.

Nung tingnan ko kung sino ang kumalabit sakin. Tinignan ko ng masama kase ang kumalabit sakin di yung taong inaasahan kong kakalabit sakin kungdi yung taong kinaiinisan ko since high school. Di ko sya kaaway at di ko din sya friend pero mainit ang dugo ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Trip ko lang siyang sungitan. (Maganda lang ang peg ano mga ateng?) Siya pala si John Kennedy pero tawag namin sa kanya “JK.”

Si John Kennedy Ponce o “JK” Kaklase ko siya nung high school pero ngayong college di kami magkaklase kase iba ang course niya. At wala akong balak alamin ang course niya kase di kami close. Remember? Inis ako sa kanya. Hahahaha Tulad ko din sya, paminta din sya pero napakaharot na paminta. Parang di nag – aaral grabe kung makapagmura. Parang wala ng bukas. Parang bawat salita niya di nawawala yung mura. Atsaka minsan malaswa ang bibig nito at Feeling close sa lahat. (Hayaan may konti na kayong ideya kung bakit inis ako sa taong to. Baka ito ang mga dahilan)

“Hoy Puta, Kamusta ka na?” pagtatanong niya sa kin na may kasamang pagtapik sa braso ko. Oh diba?? Sabi ko naman sa inyo di yan nakakapagsalita ng walang mura. (Sya nga pala naka – upo siya sa opposite side na inuupuan ko)

“Ay ikaw pala yan. Di kita nakilala. Okay naman. Kaw??” sabi ko ng kunwari nagulat na nandyan sya.

“Okay naman ako. Gag*! Ako pa talaga ang di mo nakilala ah? Kaw nga tong di ko nakilala.” Sabay tawa ng medyo may kalakasan. “Tangna ka Flow, di kita nakilala, anong nangyari sayo?? Anong nangyari dyan sa mukha mo??” pagtatanong niya na may medyo may kalakasan. Napatingin tuloy samin yung malapit na pasahero samin pati narin tong katabi kong gwapong lalaki.

Napakagarapal naman nito magtanong at magsalita parang walang pinag – aralan. Nakakahiya tuloy sa mga pasahero lalo na sa gwapong lalaking katabi ko“Hahahahaha” napatawa na lang ako na may pagkukunwari na nasayahan ako sa tanong sinabi niya.

“Putangna Flow! Bakit ang dami mo na lalong tigyawat parang wala ng paglagyan. Buti nakukuha mo pang lumabas na ganyan ang hitsura mo??” pagtatanong niya na may halong pang –aasar. Lahat na ng pasahero napatingin na samin at higit sa lahat sakin.

Grabe nahihiya na ko sa pamintang to aa. Nagmumura na tong mga tigyawat ko na dahilan kung bakit ako namumula sa kahihiyan. Napakagarapal kung magtanong at sa madaming tao pa. Sa sobrang ayaw kong makipag – usap sa kanya. Ito lang ang nasabi ko, “Ikaw JK! Kung wala ka namang magandang sasabihin, pwede ba manahimik ka na lang?” sabi ko sa kanya ng mahinahon na nakangiti.

My Partner is Poser! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon