Zierra's P O V
"Mr. Kiel, doon kana umupo sa dulo" turo pa ni sir sa bakanting upuan sa tabi ko. Napalunok nalang ako ng laway nang dahan dahang lumapit sa tabi ko si kryzler.
Umupo ako ng maayos at inayos ang eyegalass ko. Stupid thea! 'Bat ka nagkakaganito? He's just a freakin' man na may atraso pa sa'yo. Siya ang lalaking muntik kanang masagasaan!
Nagsulat nalang ulit ako ng lecture at binabiwala nalang ito na parang walang nangyari.
"Classmate pala tayo" bulong niya. Inirapan ko lang ito at piniling ituon ang atensiyon sa notebook kaysa sa pansinin ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang umakbay sakin na parang walang nangyari at parang walang tao sa paligid. Hindi lang pala stupido ang lalaking ito, manyak pa!
"Baka nakalimutan mong may utang kapa sakin?" bulong niya sakin dahilan ng pagkamutla ng aking mga labi.
Parang buong semister ata akong yari sa klaseng 'to. Buong sem akong puro kaba at takot ang babalot sa buong katawan ko.
Tangina naman o!
"Mr. Kiel? What's happenning out there?" Tanong ni prof kay kyzler. Agad naman niyang inalis ang mga kamay niya na nakaakbay sakin. Sa wakas makakahinga narin ako ng maayos!
Tinignan ko nalang ang mga reaksiyon ng mga kaklase ko sa buong silid. Marami sa kanila ang nakangiti na animoy kinilig pa ngunit kadalasan ay galit na parang natapunan ng isang balding suka ang mukha nila. Lagot.
"Parang kung sinong maganda? Nerd na nga, panget pa!" Dinig kong bulong ng kaklase ko.
Teka? teka? teka? Ako pa ngayon ang mukhang kontrabida? Aba? At isa pa? Anong meron sa lalaking 'to upang pagselosan? Hello? Hindi ko type ang ganitong klaseng lalaki no! Stupido na nga! Manyak pa!
"Watch out kas sakin mamaya!" Bulong niya. Anong ibig niyang sabihin? Ang tungkol doon sa gas gas ng kotse niya? Aba? Kasalanan niya 'yon. Ang laki ng daan napili pa niyang dumaan sa gilid kom loko.
"Paki ko ba? Wala kang mapapala sa'kin" tugon ko. Wala naman talaga akong paki eh. Siya ang may kasalanan 'non.
"Ang tapang mo pala" bulong niya. Napangiti nalang ako na animoy nagyayabang pa sa narinig ko.
"Dahil matapang ka. Babayaran mo ng doble ang gas gas ng kotse ko." Wika niya. Baliw ba siya? O sadyang uhaw lang sa pera? Ako pa ang napagtripan.
"Bahala ka sa buhay mo" tsaka ko ito inirapan.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko? Patawarin ka? Ang nagkasala ay pinaparusahan" tugon niya.
"Ganoon na ba talaga kalaki ang kasalanang nagawa ko sa'yo? Gas gas lang 'yon! Eh ikaw? Muntik mo na akong masagasaan baka nakakalimutan mo 'yon" tugon ko. Hindi ko hahayaang magbayad sa kasalanang hindi ako ang dahilan. Nagasgasan ang kotse niya at iyon ay dahil din sa katangahang nagawa niya.
"Gas gas lang? Lang? Mas mahal ang halaga ng kotse ko kaysa sa'yo miss." Tugon nito na dahilan ng pagiinit ng kamao ko. Walangya! How dare him to say that words in front of me?
Akmang sasampalin ko na sana siya nang biglang lumapit sa'min si prof at naglikha ng isang matinik na tingin sa'min.
"Kanina ko pa kayong naririnig na nagdaldalan. Ikaw mr. kiel? Hindi kapa umabot ng isang oras sa klase ko nagpapakita kana sa totoong kulay mo. At ikaw naman Ms. Althea? With high honors ang meron ka sa klaseng 'to." Wika pa ni prof. Ito kasi eh! Ang daldal! Ako pa tuloy itong napagalitan.
"Sorry po sir" sabay pa naming tugon kay prof.
"Upang hindi na mauulit, you two go outside" tugon ni sir na dahilan ng pagpanlaki ng mga mata ko. Tinignan ko si kiel ngunit wala lang ito sakanya na ma kick out kami sa klase. O let's just say? Wala lang talaga siyang paki sa pagaaral niya
Aba loko to ah? Ako ang kawawa nito. Nadamay pa ako sa kalukuhan ng gagong 'to! Nakooo!
"Pero sir. Ano, siya lang po ang may kasalanan." Turo ko sa kumag na ito. Walangya! Idadamay daw ba ako?
"No sir. Kami po ang may kasalanan" wika niya. Aba? Ano bang utak ang meron sa taong 'to? Mas gusto pa ata niyang magliban ng klase eh! Gusto mo talaga akong idamay ha?
"Ano pang hinihintay mo Ms. Althea? " wika pa ni sir. Ang kumag? Ayon nauna nang lumabas.
Lumabas nalang ako ng klase, halos lahat ng classmates ko sa akin ang tingin. Nakakahiya! Humanda ka talaga sakin lalaki ka!
Pagkalabas ko ng claasroom, agad ko siyang natanaw patungong canteen kaya dali dali ko itong sinundan. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya!
"Why are you following me?" Ngiting sambit nito.
"Ano ba sa tingin mo?" Sarkastikang tanong ko. Nakakainis itong taong 'to!
" nagwagwapuhan ka sakin?" Tanong niya. Ang yabang.
"Hoooy! Bakit mo ba ginawa sakin 'yon kanina? Alam mo ba? With high honor ang meron ako sa klase ko!" Sigaw ko.
"And? Who's asking?" Tsaka ito tumalikod. Aba? Gago to ah?
Hinawakan ko nalang ang shirt niya upang hindi ito makalayo sakin. Hindi pa ako tapos!
" get off on me!" Sigaw niya.
" get off mo mukha mo! Gago kaba? Dahil sa'yo na kick out ako sa class. Dahil sa'yo napahiya ako sa kaklase ko!" Wika ko.
May balak ba siyang sirain ang buhay ko? Kanina, muntik na niya akong masagasaan, ngayon naman? Ipapahamak niya pati ang pagaaral ko?
"Ikaw ang pumatol sa'kin. Kung hindi kalang sana nakinig sa pinagsasasabi ko, edi hindi ka sana na kick out" wika nito. So? Ako pa ang may kasalanan?
"At isa pa? May kasalanan kapa sakin. Kailangan mo pang bayaran ang utang mo sakin" tugon nito " Ms. Althea, enjoy your vacant time!" Ngiting tugon nito tsaka tuluyan nang makaalis habang nag wistle pa. Feel niya talaga na na- kickout sa class ano?
Vacant niya mukha niya! Nakakainggit! Iyong mga kaklase ko ay nasa loob, nagaaral samantalang ako, nasa labas, gumagala! Kainis!
At dahil iyon sa kumag na 'yon.
- - -
Gagong_Writer
BINABASA MO ANG
The Secret House
Gizem / GerilimSa bahay nangyari ang lahat, ang lahat ng bagay na hindi ko pa nasilayan. Doon tumibok ang aking puso. . . Pero hindi ko inakalang sa bahay na 'yon din pala magtatapos ang lahat . . . - - - Written by StolenWriter Date Started : November 19, 2017 D...