Chapter 3

1.9K 55 1
                                    

Zierra's P O V

Wala palang silbi ang hapon kong ito eh! Kanina, na kick out ako sa class, ngayon naman wala ang prof namin. Kairita diba? Sobra! Sana hindi nalang ako pumasok, edi sana hindi ako nagkasala sa taong iyon. Teka? Wala naman akong kasalanan ah? Wala!

Habang naglalakad ako, bigla kong natanaw ang kumag na lalaking iyon na tumatakbo papalapit sa'kin. Ngunit napakunot noo ako nang mapansing may humahabol sa kanya. Ano nanaman kayang kahayupang ginawa ng lalaking 'to? Siguradong guguluhin nanaman ako neto.

" miss!" Tugon nito. Sa bagay hindi pa naman niya ako kilala.

Akmang iiwas sana ako at liliko sa ibang daan upang iwasan ang lalaking 'to ngunit bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at niyakap akong bigla. Takti! Anong ginagawa niya?

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Bulong niya sakin. Bakit niya tinatanong ang pangalan ko? In purpose?

"For what?" Tanong ko. Kung aalamin niya manlang ang pangalan ko upang inisin. No way!

"Answer me now! Tritriplihin ko ang utang mo sa'kin!" Bulong niya, aba? Blockmail agad? Loko to ah?

"Zierra" tipid kong tugon.

Agad naman siyang kumawala sa yakap ko nang matapos kong sabihin sakanya ang pangalan ko. Baliw.

Dahan  dahan  itong humarap sa babaeng humahabol sa kanya na ngayo'y nakaharap samin habang nakakukot ang noo. Siguro dahil sa ginawa ni kiel. Ang yakapin ako.

"See? May girlfriend na ako. Kaya leave me alone!" Sigaw niya sa babaeng nakatayo sa harap namin.

Huwaaaaaat? Ansabi niyaaaaaaa?

Kyaaaaaah! NBSB nga ako eh! 'Tas ngayon basta basta nalang niyang e be-break ang world record ko na iyon? This can't be! Hindi siya ang ideal man ko! Never!

"I don't believe you kiel! " wika ng babae. Buti naman.

"Well, look at this" bigla niyang hinawakan ang ulo ko at agad niya akong hinalikan. Gusto kong itakwil siya ngunit masyadong malakas ang pagkalahawak niya dito. Damn! Pinapalala pa niya! Huhu wala na! Sira na ang world record ko. ' di na virgin itong lips ko. Kyaaaaaaah! Hayop kang kiel ka! Papatayin talaga kita. Makikita mo!

"See?" Wika niya. Agad namang umalis ang babae at si kiel ay palihim na ngumiti.

"Hayop ka talaga ano? " tsaka ko siya sinampal. Wala siyang karapatan na halikan akong bigla. Hindi nga ako pumasok sa relasyon eh! Eh? Sa ginawa niya parang higit pa sa relasyon ang meron kami!

"Pwede ba lubayan mo ako? Hindi kita type, kuha mo 'yon?" Wika ko. Nakakairita eh! Kapag kasama ko siya palagi nalang niya akong binubwesit.

"At? Sino naman ang nagsabing type din kita? At isa pa? Wala kang karapatan na suwayin ako sapagkat may malaki kapang kasalanan sa'kin. " bulong niya sa'kin. Aba? Loko 'to ah?

"Hoooy! Ilang beses ko bang sabihin sa'yo? na wala akong kasalanan sa'yo! Ikaw ang muntik na bumangga sa'kin kaya kung tutuusin, ikaw ang may kasalanan sa'kin! Kuha mo 'yon?" Galit na tugon ko. Walang hiya siya! Ang galing niyang bumaliktad ng sitwasyon. Samantalang ako? Ginawa niyang materyal sa mga kalukuhang ginawa niya? Loko ah!

"Ikaw ang humarang sa daan ko Miss Zierra, kaya masasagasaan ka talaga!" Bulong na tugon nito na animo'y nangiinis pa. Loko talaga eh!

"Eh? Kasalanan ko bang nagmamadali ako?" Wika ko. Pilit kong pakalmahin ang sarili ko upang huwag na mailabas ang inis sa loob ko. Baka mapatay ko pa 'to. Mahirap na.

"Well, labas na ako doon. Ang mahalaga'y may kasalanan ka sa'kin, may utang ka sa'kin at kailangan mo iyong bayaran. Get it?" Ngiting niyang tugon.

"Basta. Ayaw kong bayaran 'yon" tsaka ako tumalikod at akmang lalayo na sana ako nang pinigilan niya ako at pinaharap ulit sa kanya.

"Whether you like it or not, you must. " tsaka dahan dahang nilapit ang mukha nito sa mukha ko. " kung ayaw mong bayaran 'yon, okay ngunit may kapalit" bulong nito.  Mas nilapit pa niya ang mukha niya na pati hininga niya ay langhap langhap ko na. Ano bang ginagawa niya? 

Umiwas nalang ako ng tingin at diniin ang tingin sa kaliwa.

"Follow what i want" bulong niya. Aba? Ano ako sa buhay niya? Katulong? Ayaw ko nga! Never!

"Never" wika ko. Ayaw kong maging sunod sunuran sa taong 'to. Kung iisipin niyang magpauto ako sakanya dahilan lang doon sa walang kwentang kasalanan ko. Never!

"Ayaw mo? Then you'll pay for it" wika nito na nagpaintig ng paningin ko. Walangya pala 'to eh!

"Okay, i agree" pilit kong tugon. Ayaw ko sanang maging sunod-sunuran sa taong 'to ngunit ayaw kong magbayad ng pera. Never!

"Good. Good luck!" Ngiting wika niya.

Lumakad nalang ito papalayo sa'kin. Sa wakas ay nakahinga narin ako ng maluwag.

"See you bukas Thea!" Sigaw niya sakin at tuluyan narin itong nakawala sa paningin ko. Teka? Thea? first name ko lang ang sinabi sa kanya ah? Bakit niya alam ang surename ko?

Stalker lang ang peg?

Nangidiin ko ang paningin ko sa daan. Agad kong natanaw ang nakangiting mukha ni Stef. Anong nangyari sa babaeng 'to?

"Infareness besh ah? Guwapo siya" tsaka ako kinalabit na animoy kinilig pa ang gaga.

"Siya?" Turo ko sa lalaking iyon. Iyon? Gwapo? Loka loka. May mali ba sa paningin ng mga babae dito sa campus?

"Yup! And! Kitang kita ko na nagyayakapan kayo! Kyaaaaaah besh! Ang swerte mo!" Tugon nito habang tumatalon-talon pa. Aba?

" hindi ko iyon ginusto! kusa nalang niya akong niyakap" tanggi ko. Hindi ko hahayaang magkaletche letche ang pagaaral ko dahil lang doon sa taong iyon. Never!

"Denial lang ang peg? Okay sabihin nalang nating hindi sinasadya. Pero iyong halik?" Tanong niya na dahilan ng pagpanlaki ng mga mata ko. Huwaaaaaaat?

"'Di ko siya hinalikan!" Sigaw ko. Hindi naman talaga eh!

" okay fine. Denial nga" tugon ni stef tsaka ito lumakad papalayo sakin.

"Hoooy! Sabay na tayong umuwi" sigaw ko kay stef tsaka ko ito hinabol.

- - -

Gagong_Writer

The Secret HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon