Zierra's P O V
"Ma! Alis na po ako!" Pagpapaalam ko kay mama. Malapit nang mag alas otso at baka'y ma late pa ako sa school. Malayo layo pa naman 'yon dito. Kailangan ko pang maglakad papunta roon.
"Sige anak! Take care!" Wika ni mama. Agad na akong lumabas ng bahay at nagsimula ng maglakad.
Pokus ako sa paglalakad habang binabasa ang paborito kong nobela. Hell University
habang pokus sa pagbabasa ay agad kong napansin ang isang sasakyan na sunod ng sunod sakin. Dahil naka headset ako kaya hindi ko ito napansin. Kanina pa ba to rito?
Nang ilingon ko ang mga mata ko sa sasakyan na iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Wala ba siyang ibang magawa kung hindi ang kulitin at kulitin ako? Loko ah? Hanggang sa paglabas ng bahay kinukulit ako? Walang hiya! May sagid kaya ang utak nito? Walang kadala-dala eh!
Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad. Mas tinuon ko nalang ang atensiyon ko sa pagbabasa. Bahala siya sa buhay niya. Tignan natin kung hindi ba siya magsasawang sundan ako na parang aso. O baka'y tuluyan na siyang maging aso. Sana nga.
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nagpatuloy parin ito sa pagsunod. Kaya nagsimula nang maginit ang ulo ko. Kainis!
Bigla nalang akong napahinto sa paglalakad nang bigla niyang hinarang ang sasakyan niya sa mismong dinadaanan ko. Walangya!
"Hoy! Ano bang problema mo ha? Kung wala kang magawang matino, pwede huwag ako?" Sigaw ko. Oo alam kong hindi niya ako naririnig dahil naka close ang salamin ng kotse niya.
Hindi parin ito lumabas sa kotse kaya naisipan kong dumaan nalang sa ibang pedestrial lane. Wala talagang magawang matino itong lokong 'to.
Nakahinga ako ng maluwag nang nawala siya sa paningin ko. Iyon naman pala eh! Magsasawa din pala! Pero napagod ako doon ah?
"Hi Ms.?" Rinig kong bati niya sa likuran ko kaya agad ko itong nilingon. Walangya! Akala ko ba'y nilubayan na niya ako? Nako naman! Lord? Kayo na po ang bahala sa kumag na ito. Kung pwede lang po please kunin niyo na po siya. Wala naman po siyang magawang matino sa mundong 'to eh! Nakoooo!
Tumakto nalang ako upang masigurong hindi niya ako masundan. Kung sa bagay malapit na akong umabot sa school namin. Maiiwasan ko narin ang kakulitan ng kumag na ito.
Pagkarating ko sa gate ng school ay agad na akong pumasok sa paaralan. Sampung minuto nalang at magsisimula na ang klase.
Akmang tatakbo na sana ako papasok sa elevator nang biglang may tumawag sakin.
Nang ilingon ko ang mga mata ko sa parking kung saan doon galing ang boses ay agad kong nakita ang kumag na habang inabot sakin ang dala niyang bag. Wow? Gentle man din pala to eh ano? Sobra!
Inirapan at ningiwian ko nalang ito at nagpatuloy sa pagtakbo papuntang elevator. Anong akala niya sakin utusan? Oo may kasalanan ako sakanya pero wala parin siyang karapatan na alipinin ako. Sa ganda kong 'to? Mukha ba akong alipin? This can't be!
"Hoy ano ba! Dadalhin mo ang bag ko? O babayaran mo ako?" Sigaw niya kaya agad naman akong napahinto.
Napapikit nalang ako at humarap habang nakasimangot ang mukha.
Kung sa bagay.
Dahan dahan ko nalang itong nilapitan ang tinanggap ang bag niya. Kumag nga talaga siya. Lord? Kunin niyo nalang kaya ang mga kamay ng isang 'to? Wala namang sibli eh!
"Good. Try to escape me. Watch out ka sakin" wika nito. Inikutan ko nalang siya ng mga mata ko bilang sagot.
Sabay na kaming pumasok sa elevator habang pasan pasan ang mabigat niyang bag. Matino din pala to eh no? Ang daming lamang notebook itong bag niya. Ngunit bihira ko lang siyang nakitang nagsusulat, wala naman atang laman itong mga notebook niya eh. O? Lets just say nagpakitang gilas. Kunyari mabait iyon naman pala'y kasing sama ni kamatayan.
"Bakit ka nakasimangot? " tanong niya sakin habang patuloy sa pagandar ang elevator papuntang tenth floor.
"Paki mo?" Iritada kong tugon. Oo nga? Paki ba niya? Sino ba ang hindi nakasimangot sa pinaggagawa niya? Ka lalaking tao walang hiya. O sadyang bakla lang 'to? Magagawa ba niyang panoorin akong nagaagaw hininga sa kakapasan-pasan ng mga gamit niya habang siya wala ni isang bagay na bitbit? Ganito na ba ang panahon ngayon? Ang mga babae na ang naging gentlewoman? This can't be!
"Ngumiti ka" wika nito. Aba? Mas masahol pa sa amo ang inaasta nitong kumag na to eh no?
Pilit nalang akong ngumiti. Pilit kong iwalang bahala ang bigat ng bag niya. Pilit kong pakalmahin ang hininga ko. Ang bigat kaya ng mga pinapadala niya sakin! Sobra! Ang laki sana ng katawan kaso walang silbi. Ano pang silbi ng mga abs niya kung meron man? Meron kaya? Sana oo!
Kyaaaaah! Thea! What's ruinning on you? Stop it! It's. . . kadiri!
"Ayan! Mas pumangit ka lalo" ngiting sambit nito. Aba loko to ah? Masakit yon ah? Tagos na puso. Huhu.
Nanatili nalang akong tahimik dito sa tabi niya. Ang amoy niya ay lumilibot sa buong sulok ng elevator kaya hindi ko maiwasang maamoy ito. Hmmmmm?
Di nagtagal ay nakarating din kami sa tenth floor kung saan ang first class ko- - - Teka? First class ko nga ngayon? Bakit nandito ako sa tenth floor? Sa fifth floor sana ako eh! Kyaaaaaah! Lagot!
"Teka!" Sigaw ko sa kumag na nauna pang naglakad sakin. Wala talaga siyang kadala dala ano? Ang kapakanan lang niya ang iniisip niya! Habang ako? Super late na sa first class ko. Tapos bababa pa ako. Huhu. Lagot ako nito.
Mas okay lang sana kung siya ang malate, total wala naman tong paki sa pagaaral eh! Samantalang ako? Paano na iyong ranking ko? This can't be! Huhu.
"Ano?" Napakunot noo niyang tugon. Aba? Nagawa pa talaga niyang magalit ah?
"I need to go back" wika ko tsaka binitawan ang bag niya at nilapag nalang sa sahig at agad na akong tumakbo pabalik sa elevator. Wala na akong oras na makipag argument sa taong iyon. Super dupper late na ako.
- - -
Gagong_Writer
BINABASA MO ANG
The Secret House
Mystery / ThrillerSa bahay nangyari ang lahat, ang lahat ng bagay na hindi ko pa nasilayan. Doon tumibok ang aking puso. . . Pero hindi ko inakalang sa bahay na 'yon din pala magtatapos ang lahat . . . - - - Written by StolenWriter Date Started : November 19, 2017 D...