CHAPTER 2
GABI NA NG MARATING nina Vince ang Maynila. Tulog na tulog na si Shayne nang makarating nila ng anak ang kanilang bahay. Marami siyang nabiling prutas sa daan. May mga buko pie at espasol din upang ipasalubong sa kanyang mga kasambahay.
Hindi maiwasang magtaka ang mga kasama nila sa bahay kung bakit di nila kasama si Pauline sa pag-uwi. Sa tagal nang nanilbihan ng mga ito sa pamilya nila ay di pa nakita ng mga ito na naiwan si Pauline sa pinupuntahan nila kahit sa Tuguegrao pa iyon na lugar ng mga magulang ng kaniyang asawa. Lagi nitong pinanghihinayangan ang panahong masasayang kung di ito makakapasok sa opisina. Napaka-dedicated nito sa trabaho.
Pagod na si Vince kaya di na siya kinulit ng mga kasambahay nang sabihin niyang nagpa-iwan pa ang mam nila para maka-bonding ang mga galing abroad na kaanak.
Tumuloy na siya sa kuwarto nilang mag-asawa upang makapagpahinga. Napakahaba ng biyahe. Nangalay ang kanyang mga braso at likod sa pagdra-drive. Naalala niyang bigla si Pauline. Kapag umuuwi siya ng pagod ay minamasahe siya nito.
Di niya naiwasang pagmasdan ang nakasabit nilang larawan sa dingding ng kanilang kuwarto. Ito’y kuha nung sila’y ikasal. Napakaganda ni Pauline sa kuha niya sa larawan. Napakasimple ng make-up nito ngunit litaw na litaw ang kagandahan ng babaeng bukod tangi niyang minahal.
Naging masaya sila ng asawa dahil talagang magkasundo sila nito. Very patient si Pauline. Di gaya ni Raiza na mataas ang temper. Kayang-kaya pababain ni Pauline ang init ng ulo niya sa pamamagitan lang ng konting lambing.
Paano niya nga ba malilimutan ng ganun-ganun lang si Pauline. Si Pauline ang babaeng naging sentro ng buhay niya sa nakalipas na walong taon nilang pagsasama. Si Pauline ang kabuuan ng babaeng kanyang pinangarap na maging asawa sa simula’t-simula pa. Babaeng mahinhin at maingat sa pagsasalita. Very considerate ito kahit sa mga panahong nagtatampo ito sa kanya ay nagagawa niya pa rin nitong ayusin ang kanyang mga bibitiwang salita upang ipahayag ang kanyang mga sentimiyento nang hindi nasasaktan ang ego niya.
Kabaligtaran nga nito si Raiza. Isang babaeng taklesa kung magsalita. Madaling mairita at mataas ang pride. Madalas nitong mapainit ang ulo niya at minsan pa nga’y napapaiyak siya nito.
Di pa siya napapaiyak ni Pauline, noon lang nasa morgue ito at wala ng buhay. Hindi lang iyak kundi isang pagtangis ang ginawa niya para kay Pauline nang mga sandaling iyon.
Ngayon, ang katawan na lang ni Pauline ang natitira. Wala na ang Pauline na very patient, wala na ang Pauline na nagmahal sa kanya sa kabila ng kanyang mga pagkukulang. Na laging katuwang niya sa pagpapatakbo ng negosyo nila. Alam niyang malaking adjustment ang kanyang haharapin. Alam niyang hindi magiging madali para sa kanya ang lahat.
Hindi pa rin niya sigurado kung kakayanin niya bang kalimutan si Pauline at bigyan naman niya ng pagkakataong mabuhay si Raiza gaya ng hinihiling nito sa kanya. Alam niyang madalas niyang masaktan si Raiza dahil sa patuloy niyang pagmamahal kay Pauline. Nagiging kasangkapan lang ba si Raiza upang ipagpatuloy niya ang pagmamahalan nila ni Pauline? Pilit niya lamang bang binubuhay ang kaniyang asawa kahit alam niyang si Raiza na ang nasa loob ng katawan nito?
Nakatulugan na niya ang gayong pag-iisip.
NASA PROJECT SITE na si Vince nang salubungin siya ng assistant niyang si Mike.
“Pasensiya ka na pare at di na ako nakadalaw kay Pauline sa Hospital. Lumabas naman pala kayo kaagad.” Paghingi nito ng paumanhin.