final chapter of book 2

23 3 0
                                    

CHAPTER 10

MATAGAL NA NAG-ISIP SI RAIZA.  Nakatutok pa rin kay Jong ang baril na hawak niya.

“Huwag matigas ang ulo mo. Tutuluyan ko talaga ang batang ito.”  Matigas ang tinig ng may hawak kay Shayne.

 Lalo namang lumakas ang sigaw ng bata sa sobrang takot. “Mommy help me please.”  Palahaw ng bata.

Tumutulo ang luha niya. Unti-unting ibinaba ang baril.

“Ganyan nga sweety. Akin na ang baril.” Inilapit nito  ang kamay para kunin ang baril na hawak niya. 

Halatang nagulat ito nang bigla niyang itutok ang baril sa sarili niya. Itinutok niya iyon sa kanyang sentido.

“Sige, lumapit ka pa Jong. Kung noon ay nakita mo ang pagsambulat ng katawan ko nang magulungan ako ng truck dahil sa iyong kagagawan.  Ngayon ay pagmasdan mong mabuti ang muling pagsambulat ng utak ko ng dahil na naman sa iyong kagagawan. Kung hindi mo ako bibigyan ng kalayaan ay di rin kita bibigyan ng kapayapaan.  Uubusin mo ang buong buhay mo sa pagsisisi dahil sa iyong kagagawan.” Humahagulgol na banta niya.

“Huwag mong gawin  iyan sweety.”  Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Jong. Hahakbang ito palapit sa kanya.

“Hanggang diyan ka na lang Jong. Hindi ako nagbibiro.  Isang hakbang mo pa. Magsisisi ka habang buhay!”  lalong humigpit ang hawak niya sa baril na nakatutok sa kanyang sentido.

Napaupo si Jong at napahagulgol.

“Huwag mong gawin sa akin ito Raiza.” Sabi nitong yumuyugyog ang balikat sa pag-iyak.

“Ano ito Jong?”  Tinig iyon ng ama ni Jong. May kasamang mga tauhan. “Ano na namang kalokohan ito Jong?” Lumapit ito sa anak at di napigilang suntukin ang binata.

“Bakit ka gumagawa ng ganito kalaking kalokohan Jong?  Baliw ka na ba?”  Galit na galit ang mayor.

Nanatiling nakayuko si Jong at umiiyak.

“Agad namang binitiwan ng mamang may hawak kay Shayne ang bata dahil natakot ito sa pagdating ng ama ng amo.

Mabilis na yumakap si Shayne kay Vince.

Si Raiza. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib.  Nanlambot ito at naibaba ang baril.

Agad siyang pinuntahan ni Vince at niyakap ng mahigpit.

“Salamat at ligtas kayo ni Shayne.”  Sabi nito.

“Tapos na Vince. Tayo na.”  Sabi niya na kumapit dito dahil parang naubusan na siya ng lakas.

Agad namang dinis-armahan ng mga tauhan ng Mayor ang mga tauhan ni Jong at di na sila pumalag.

“Puro na lang sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa akin Jong.  Siguro nga’y kailangan na kitang bigyan ng leksiyon. Huliin sila.”  Mabilis namang sumunod ang mga tauhan ng mayor at isa-isa silang pinosasan.

“Pasensiya na kayo sa gulong ginawa ng anak ko pare.”  Tinapik nito sa balikat ang papa ni Raiza.

“Salamat sa tulong pare. Mabuti na lang at dumating tayo on time kundi ay baka napahamak ang mag-ina.” 

“Ipapa-rehabilitate ko ang batang ito. Matindi na ang diperensiya sa utak dahil na rin siguro sa  kadra-drugs. Sukat isipin niyang si Raiza ang pamangkin mo.”

“Oo nga pare eh. Pati iyong bata dinamay.”

Nilapitan ng mayor si Vince at Raiza.

“Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ng anak ko. Nakikiusap ako na sana ay huwag na nating palakihin pa ito dahil makakaapekto ito sa pagtakbo ko sa susunod na eleksiyon.  Huwag kayong mag-alala.  Sisiguraduhin kong makakauwi kayo ng Maynila ng ligtas.”

“Salamat po mayor.”  Sabi ni Vince

Inakala ng mayor na naprapraning ang anak at inakala nitong si Raiza nga si Pauline.  Nagustuhan ito ng mag-anak upang di sumambulat ang lihim.

Inalalayan na ni Vince ang tila nanlalambot pang si Raiza na isinakay sa sasakayan.

Yumakap ng mahigpit si Shayne sa ina.

                GABI NA NG dumating si Vince mula sa opisina.  Marami siyang tinapos na trabaho dahil matagal ang naging bakasyon niya sa trabaho.  Kakaalis pa lang ng pamilya ni Raiza kaya ngayon pa lang sila magkakasarinlan na mag-asawa.  Iniwan niya ito kanina na pursigido sa pag-aaral sa mga recorded tape ng kasal nila ni Pauline. 

Tulog na ang mga kasambahay nang siya ay dumating.  Tumuloy ito sa kanilang kuwarto.  Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa nakita.

                Nakapatay ang ilaw sa silid.  Tanging ang liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana ang nagsisilbing liwanag sa silid. Nakita niya ang asawa suot ang paboritong pantulog ni Pauline.  Mahabang nighties na kulay white.  Manipis iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Nakatayo ito sa tapat ng bintana.  Nakalugay ang buhok.  Ang paboritong pabango ni Pauline ay kanyang naamoy.

                “Hon.  I’m here!”  Sabi ni Vince na ibinaba ang kanyang attaché case sa kama.

                Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

                Natigilan siya.  Ang mga ngiting iyon.  Mga ngiting kay Pauline lang dahil ibang ngumiti si Raiza.

                “I miss you hon.”  Iniladlad nito ang mga kamay niya kay Vince.

                Halos di siya makapaniwala sa nakikita.  Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi si Raiza ang nasa silid kundi si Pauline. Ang kilos nito’t hinhin sa pagsasalita.  Kinurot niya ang kanyang sarili baka siya ay  nananaginip lamang.  Ngunit gising siya.  Pinagmumultuhan ba siya ng kanyang asawa?

                Nakangiti pa rin  ito sa kanya.  Nakaladlad pa rin ang mga kamay.

                Lumapit si Vince at hinawakan ang asawa.  Nahahawakan niya ito.

                “Hon.  I’m back.  I miss you so much.”  Niyakap siya nito.

                Hindi maintindihan ni Vince kung bakit para siyang nalungkot sa pagbabalik ni Pauline sa kanya.

                “Nasaan na si Raiza?”  Tanong niya sa asawa.

                “Who’s Raiza hon?  Are you not happy to see me back?”  Nalungkot si Pauline.

                “I’m happy hon.”  Napayuko siya dahil may hinahanap ang puso niya.  Si Raiza.

                “Is there something that is bothering you hon?” Nalungkot ito.

                “I just want to know what happened to Raiza hon.”

                Matagal na di nagsalita si Pauline. Nakayuko ito.  At nang mag-angat ito ng mukha ay muli itong nagsalita.

                “It hurts that you care about that Raiza so much.  I can feel that you love her much more than you loved me.”

“Im sorry hon.  I love you but you don’t belong here anymore. You belong somewhere else.   You go back to heaven and don’t worry about us because Raiza is taking good care of us.  I want you to rest in peace.”  Malumanay na sagot niya.

                Niyakap siya ni Pauline. Mahigpit na mahigpit.

                Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap sa isa’t-isa ay hinawakan ni Pauline ang magkabilang pisngi ni Vince.  Tinitigan ito ng matagal.

                “Joke!  Naniwala ka ano?” Tumawa ng malakas si Raiza.

                Napanganga si Vince.  Kuhang-kuha na ni Raiza ang kilos at pananalita ni Pauline at pati siya ay na-goodtime ng asawa.

                “Bistado na kita.  Mahal na mahal mo na talaga ako ano?”

                “Raiza!” Aniyang ni wrestling ito sa ibabaw ng kama.

wakas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Call Me Raiza Pauline BOOK 2 (Chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon