chapter 9

53 3 0
                                    

CHAPTER 9

NAG-IMBITA si Jong ng isang salo-salo na gaganapin sa farm ng mga ito bilang pamamaalam sa pamilya Benitez at pamilya Ignacio. Malapit ng matapos ang extension ng bakasyon ng mga parents ni Raiza at malapit na ring umuwi sina Pauline at Vince sa Maynila.

Pinaunlakan naman nila ang imbitasyon ni Jong dahil naging magkaibigan na ito at si Vince.

Napakalaki ng farm nina Jong.  Para itong isang rancho na maraming alagang mga hayop.  Maraming mga pananim na puno at namumunga ang mga ito.

Tuwang-tuwa si Shayne na kasama si Jong.  Lagi itong nakakapit sa binata.

Sina Mang Berting at Yaya Azon naman ay  nawili sa pamimitas ng mangga.  Mabababa lang ang mga mangga rito at hitik sa bunga.

Ang mama at papa naman nito ay nawiwili sa pagmimingwit sa fishpond na maraming isdang tilapia.

Ang kuya Perry niya ay nakaupo sa isang kubo at naggi-gitara habang kumakanta. Si lola Magda naman ay matiyagang nakikinig sa kanta ng apo.

Ang mag-asawa naman ay kasama ni Jong at Shayne na nakaupo sa natumbang puno ng mangga na hitik din sa bunga na sumasayad na sa lupa.

“Ang ganda naman dito.”  Sabi ni Vince.

“Madalas kami dito ni Raiza noong mga bata pa kami.”  Sagot naman ni Jong.

Napatingin si Vince kay Raiza.

“Ow, naisasama mo pala si Raiza dito noon?”  Sabi ni Raiza na ayaw magpahalata kay Jong.

“Oo naman.  Magkababata kami ni Raiza at maituturing ko siyang best friend.”

“Parang ang hirap para sa iyong kalimutan si Raiza ano?” Sabi ni Vince kay Jong.

“Paano ko makakalimutan ang kaiisa-isang taong aking minahal.”  Sagot ni Jong na napayuko.

Yumuko siya nang marinig ang sinabi nito lalo pat napatitig sa kaniya ang kaniyang asawa.

“Hindi kita masisisi kasi ay mukhang very lovable naman talaga si Raiza.” Sabi naman ni Vince at pasimpleng pinisil ang kamay ng asawa.”

“Don’t worry tito Jong.  I know you can still find another woman that will going to love you because you’re too hansome naman.  Di ba mom?”  Sagot ni Shayne.

“Oo naman.”  Ayaw ng dugtungan pa ni Raiza ang sinabi dahil iniintindi nito si Vince.

“Naku parang talagang na-inlove na sa iyo itong anak ko at guwapong-gwapo sa iyo.”  Sabi ni Vince na natatawa.

“Guwapo ba ako?  Palagay mo may magkakagusto pa sa akin Shayne?”  Kinandong niya ang bata.

“Ay oo naman tito.”  Sagot ni Shayne na hinaplos pa ang mukha ng binata.

“Alalahanin mo lang na pag may nawala ay tiyak na mayroon ding darating.”  Sabi ni Vince.

“Tama iyon tito.  Si mommy nga ay namatay pero muling bumalik. At nang bumalik ay marunong ng magluto at magpiano. Mahilig na rin sa kulay pink at ang sama ng expression!”  Sabi ni Shayne.

Nanlaki ang mga mata ni Raiza.  Hindi alam kung paano pipigilin ang anak.

“Ano? Namatay ang mommy mo? Urirat ni Jong na napatingin sa kaniya. 

“Ay naku, paniwalaan mo iyong bata.  Hinimatay lang ako no’n. Akala niya’y namatay ako.”  Pagtutuwid ni Raiza na nakaramdam ng malakas na kabog sa dibdib.

“Why don’t you go to yaya baby.  Masama ang sumasali sa usapan ng mga matatanda.”  Tinapik ni Vince ang puwet ng anak.

“Okay dad.  Bye tito Jong.”  Tumakbo na ito papunta kay yaya Azon.

Just Call Me Raiza Pauline BOOK 2 (Chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon