CHAPTER 8
NANG MAG-AYA ng kumain ang mama ni Raiza ay parehong nakadark shades ang dalawa. Ayaw nilang ipahalata na galing sila sa pag-iyak. Nagtitinginan ang mga kasamahan nila dahil malilim naman sa cottage kung saan nakahapag ang pagkain ngunit ayaw nilang tanggalin ang kanilang shades.
“Nakikita niyo pa ba ang kinakain niyo? Di kaya kayo matinik niyan?” Pag-iino ni Lola magda sa mag-asawang nakashades.
Hindi naman sila kumibo. Hindi naman maiwasang di mapangiti ang mga kasama nila dahil sa hitsura nilang dalawa.
Sinadyang tabihan ni Vince si Raiza upang pagsilbihan niya ito. Alam niyang di ito makakatanggi dahil alam niyang ayaw din nitong makahalata ang iba nilang kasama sa kanilang tampuhan lalo na si Shayne.
Nang pauwi na sila ay pinaupo na ni Vince si Yaya Azon sa sa tabi ni Mang Berting na nasa minibela pa rin. Tumabi na si Vince sa kanyang mag-ina sa backseat. Alam niyang di makakapalag si Raiza dahil naroon ang bata at dalawa pang kasama nila. Panay ang akbay niya dito. Pati si Shayne ay nakikisali rin sa pagyakap sa ina.
Sinundot ni Vince ang tagiliran nito. Alam niyang nakiliti ito kasi natawa ito. Gayon din ang ginawa niya kay Shayne. Nang gumanti ang mga ito sa kanya ay dalawa na ang mag-ina at pinagtulungan siyang kilitiin. Pati sina Mang Berting at yaya Azon ay natutuwa sa nakikita nilang ligaya ng kanilang mga amo.
GABI NA NANG marating nila ang bahay. Magaan na ang pakiramdam ng bawat isa. Nasabi na niya ang sama ng loob niya at nakahingi na rin si Vince ng tawad sa kanya.
Pagod na pagod ang lahat sa paglalangoy kaya nagsi-tuloy na ang mga ito sa kanya-kanyang silid at nagsi-pagpahinga.
Tumuloy na rin sila sa kanilang silid. Naunang siyang naligo. Lumabas na siyang nakabihis na dahil dinala na niya ang bihisan sa loob ng banyo. Sumunod naman si Vince na pumasok din sa banyo.
Sinamantala ni Raiza na nasa loob ng banyo si Vince. Nag-apply siya ng lotion, powder at cologne. Nang lumabas si Vince ay nasa harap pa siya ng tokador at nagsusuklay ng buhok. Nakabihis na rin ito dahil dinala rin nito sa loob ng banyo ang kanyang bihisan. Nagspray na lng ito ng men’s cologne.
Kinuha ni Vince ang unan nito at kumot at tinungo na nito ang sofa upang doon mahiga. “Goodnight hon.” Anito
Tumango lang siya. Pumunta na rin siya sa kama ngunit di pa siya nahiga. Nakaupo lang siya doon. Hawak ang isang pocketbook. Binuklat niya iyon at kunway binabasa.
“Hindi ka pa inaantok?” Tanong nito sa kanya.
“Hindi pa. napahaba ang tulog ko kanina.” Nanatiling sa pocketbook nakatuon ang kanyang mga mata.
“Ako din.” Naupo na ito.
“Ano kaya kung labas tayo?” Aya nito.
Napailing siya. “Saan naman tayo pupunta? Saka gabi na.”
“Magvideoke tayo. Di ba magaling kang kumanta? Uminom tayo ng konti.” Anito.
“At kailan ka pa naman natutong uminom?” Sa buong stay niya sa bahay nina Vince ay wala siyang nakitang anumang inuming nakalalasing doon.
“Ngayon lang. Parang gusto ko lang.” Kinindat-kindatan siya nito.
“Bakit? Gusto mong maglasing?”
“Hindi naman maglasing. Isa o dalawang bote lang. Magpaantok lang tayo.”
“May videoke diyan sa kanto. Kaya lang ay gabi na. Baka sarado na iyon.”