CHAPTER 1

428 10 2
                                    

SAIRAH...

"A-anong ginagawa ko dito? sino kaba talaga? bakit hindi ko matandaan kung sino ako?"

sunod-sunod uling tanong ni Minho sakin at feeling ko mababaliw na ata ako dahil sa hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dito at kung paano ba ako magre-react.

diyos ko po lord help me.

"ah e ano kasi e ah----"

"Sairah.. Sairah"

narinig kong tawag sakin ng kaibigan kong si Tonette at medyo nakahinga ako ng maluwang sa pagdating niya dahil hindi ko talaga alam kung ano ba ang isasagot ko kay minho. pakiramdam ko bilang na-block ang utak ko ngayon dahil sa nangyayari kay minho at sa sunod-sunod na mga katanungan niya.

"Ay wait s-sandali lang ha may tumatawag kasi sakin sa labas e. titignan ko lang. wait lang.. stay put ka lang diyan okay"

alanganin ang ngiti at hitsurang saad ko kay minho na nakahiga pa din sa sofang kawayan at iniwan ko ito upang daluhan ang bestfriend kong babae na si toneth.

medyo malayo ang bahay nila toneth samin. sa totoo lang dito sa probinsiya o lugar namin e magkakalayo ang mga bahay kaya naman kung minsan e nakakainip talaga dahil sa sobrang tahimik. walang happenings at puwedeng makausap kundi mga kulisap lang o di kaya mga insekto, charot!

anyway paglabas ko nga ng bahay namin nakita ko si Toneth na may dalang malaking payong at medyo basa na din ito dahil sa lakas pa din ng ulan na dala ng paparating na bagyo.

"uy babae ano na, kamusta? kamusta na yung pogi nating Fafa bells ha?"

salubong nito sakin at agad ko naman siyang hinila palapit sakin para sabihin ang problema.

actually kasama ko si toneth na nakakita kay minho sa ilog kanina. pareho kaming nagulat sa aming nakita sa lalaki at siyempre pareho din kaming na-starstruck sa angking kaguwapuhan ng binata.

kami ng kaibigan ko ang nagbuhat kay minho papunta dito sa bahay. dala ng malakas na ulan at wala pang masakyan naisipan namin ni toneth na saka nalang namin dadalhin sa hospital si minho kapag medyo tumila na kahit paano ang ulan.

nurse si toneth kaya siya na mismo ang tumingin kay minho at sa tingin niya ay okay naman daw ang lalaki pero mas okay pa din talaga kung dadalhin namin siya sa hospital para makasigurado.

"may problema tayo"

agad kong sabi kay toneth at mukhang nag alala naman ito sa narinig.

"problema? anong problema? diyos ko po huwag mong sabihing patay na siya? naku sayang naman kung----"

"gaga hindi siya patay okay. ang problema e ano uhmm.... nagising na siya---"

"ha nagising na siya? nasaan sairah? saan? pakita nga"

mukhang excited pang saad ni toneth at nang akmang papasok na ito sa loob ng bahay e hinarangan ko naman ito.

"bakit ba ayaw mo akong papasukin"

reklamo ni toneth at pinandilatan ko naman siya.

"e kasi nga hindi ko pa nasasabi sayo kung ano ang problema?"

"problema? ano ba kasing problema yang sinasabi mo ha? sabihin mo na kasi"

kakamot kamot sa ulong wika ni toneth at sinabi ko naman sa kaniya ang nangyayari ngayon kay minho.

"ano wala siyang maalala? as in waley?"

gulat na rekasyon ni toneth nang sabihin ko sa kaniya kung ano ang problema ni minho at alanganin ang hitsurang tumango naman ako.

MY AMNESIA HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon