CHAPTER 35

106 4 0
                                    

MINHO...

ANG NAKARAAN

"Nay saan po tayo pupunta?"

Tanong ni minho sa kaniyang ina na si nylda habang nakasakay silang mag ina sa isang tricycle. Hindi alam ni minho kung saan ba sila pupunta ng kaniyang nanay at makailang beses na niyang tinanong yun sa ina mula pa kanina ng umalis sila ng kanilang bahay.

"Malalaman mo din anak mamaya kapag nakarating na tayo dun at doon sa pupuntahan nating dalawa marami kang makakalarong bata. Maraming laruan at higit sa lahat hindi kana magugutom doon.."

Gumaralgal ang boses ni nylda at senyales lang yun na gusto na naman niyang umiyak dahil sa balak niyang gawin ngayon sa anak.

"Basta anak yung sinabi ko sayo kanina ha magpapaka bait ka dun. Huwag kang magiging pasaway at makulit para hindi sila magalit sayo doon sa pupuntahin natin."

Tumango si minho sa kaniyang ina. Niyakap naman siya ng kaniyang nanay at hinalikan ang tuktok niya. Habang yakap siya nito naramdaman ni minho ang mainit na likidong tumulo sa pisngi niya. Tiningala niya ang ina. Nagtataka ang hitsurang napatitig siya dito.

"Nay bakit po kayo umiiyak? May masakit po ba sa inyo?"

"Huwag mo akong alalahanin ayos lang ako.. basta ito ang lagi mong tatandaan minho kahit pa anong mangyari. Palagi mong iisipin na mahal na mahal kita.. at kahit kailan hinding hindi ka mawawala dito sa puso ko magkahiwalay man tayong dalawa at hindi na tayo nagkikita pa"

MY AMNESIA HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon