CHAPTER 42

104 2 0
                                    

SAIRAH...

"Nay kamusta po kayo?!"

Pangangamusta ni minho sa nanay niya pagbaba naming dalawa ng kaniyang sasakyan sabay nagyakap silang mag ina. Umaga na ng makarating kami ni minho sa isang lugar o bayan kung saan nakatira ang kaniyang ina.

"Ayos lang naman ako anak. Kamusta kana din ba? Na-miss kita hijo..."

Sagot ng nanay ni minho at ng maghiwalay sila ng yakap hinalikan siya ng ina sa pisngi niya. Napapangiti ako sa nakikita ko. Masaya ako para sa kanilang mag ina.

"Na-miss ko din po kayo nay---- Nga po pala ano ho ba ang ginagawa ninyo dito sa may kanto at nandito kayo?..."

Sa huli ay tanong ni minho sa kaniyang nanay.

"Bumili ako sandali ng mga sibuyas at bawang diyan sa may tindahan. Dumaan ako kasi mamaya wala tayong gagamitin para sa pagluluto ng tanghalian. Kahapon namalengke ako pero nawala naman sa isip ko ang bumili nito." 

Tumango si minho sa sinabing yun ng ina at sa huli ay pinakilala niya ako dito. Hinila ako ni minho sa aking kamay palapit sa nanay niya.

"Nay siya nga po pala si SAIRAH fiance ko.. LOVE, siya naman ang nanay ko si MRS. NYLDA MENESES.."

Pagpapakilala sakin ni minho sa kaniyang ina at nagbigay galang naman ako sa nanay niya.

"Good morning po tita! Kamusta ho kayo?! nice meeting you po!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good morning po tita! Kamusta ho kayo?! nice meeting you po!.."

"Mabuti naman ako hija, salamat. Nice meeting you din."

Bagamat nakangiting sagot sakin ng nanay ni minho. Nahalata ko ang pagtataka sa mga mata nito ngayong magkaharap kami. Iniisip siguro niya  parang hindi ako yung dating fiance ni minho. Kinikilala o tinatandaan siguro ng matanda kung ako ba talaga yung fiance ng anak niya? Pero teka---- nakita naba ng ina ni minho si samantha?

"Kay ganda naman ng fiance mo anak.. sigurado ako magiging magaganda at kay ga-guwapo ng mga magiging apo ko sa inyong dalawa ni sairah kapag nagkataon nito!"

"Ay si tita agad agad apo ang sinasabi!"

Naibulalas ko kay mrs. meneses at tatawa tawa naman si minho.

"Aba siyempre saan paba kayo mapupunta ng anak ko hindi ba't doon din naman. Darating ang oras na bubuo kayo ng sarili niyong pamilya ni minho at magkakaanak kayong dalawa..."

Katuwiran ng ina ni minho na sinegundahan naman nito. Inakbayan ako ni minho.

"Oo nga naman love. Bakit mo ba kinokontra itong si nanay e sa yun ang gusto niya. Pabayaan mo na at excited na kasi siyang magka-apo sa ating dalawa.. so ano nay? Ilang apo ba ang gusto ninyong gawin namin ni sairah sakali ha?"

Sa huli ay pilyo pang tanong ni minho sa nanay niya at pasimple ko namang siniko ito dahil sa kapilyuhan.

"Hay naku sairah masanay kana diyan kay minho. Alam mo bang bata palang yan saksakan na talaga ng pilyo yang anak ko. Sa dami ng kapilyuhang ginawa niyan nung maliit pa siya. Kung ikukuwento ko lahat sayo kulang ang isang buong maghapon ninyo dito ni minho.."

MY AMNESIA HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon