CHAPTER 37

104 4 0
                                    

SAIRAH...

"Bumalik uli si minho? Nandito siya ulit sa inyo?"

Bulalas ni matthew habang hawak pa din niya ang note na iniwan ni minho kanina ng umalis siya. Nagkatinginan kami ni ate andrea.

"Si minho babalik? Ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit naman siya babalik dito sa amin e abot nga hanggang langit ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko sa kaniya.. yang note na yan dati pa yan. Iniwan niya sakin ang note na yan nung nandito pa siya. Kanina habang may hinahanap akong kailangan ko sa ibabaw ng refrigerator namin nakita ko yan. Inilapag ko siya saglit sa mesa at nakalimutan kong itapon."

Paliwanag ko kay matthew ngunit parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Mabuti pa akina na nga yan. Itapon na natin at hindi naman siya importante!"

Inagaw ko kay matthew ang iniwang note ni minho kanina sabay itinapon ko nga yun sa isang maliit na trash can na nasa kusina namin.

"Aah matthew heto oh mag kape ka. Inumin mo itong kapeng tinimpla para sayo ni sairah.."

Sabi naman ni ate andrea at iniabot niya kay matthew ang tinimpla kong kape para dito.

"Hayan uminom ka ng kape pampatanggal ng nerbiyos at selos.. ah ang ibig kong sabihin mas masarap kasing kumain ng almusal kapag may kape diba?"

Dagdag pa ni ate andrea at pasimpleng nagkatinginan uli kaming magkapatid.

"Wait lang matthew maghihiwa lang ako ng kamatis. Masarap yun para sawsawan ng tocino. Kain ka lang diyan ha..."

Sabi ko din naman at habang naghihiwa na nga ako ng kamatis feeling ko para akong kakapusin ng hangin sa baga dahil kay matthew. Feeling ko nagdududa na siya sa akin ngayon dahil dun sa iniwan na note ni minho. Si my amnesia husband naman kasi may paiwan iwan pa sa akin ng note. Ginising nalang sana niya ako kanina bago siya umalis o di kaya nag message nalang siya sa akin sa cp para hindi sana nangyayari ang ganito..

"Asawa! Asawa nandito na ako!"

Narinig naming sigaw ni kuya leo sa labas ng bahay namin at nagkukumahog namang umalis ng kusina si ate andrea para salubungin ang kaniyang bf na bigla bigla din kung sumusulpot sa bahay namin katulad ni matthew.. tsk asawa talaga? Hanggang ngayon nako-cornyhan ako sa tawagan nilang ASAWA. puwede namang honey o di kaya sweetie, mayroon din namang baby at babe kahit sobrang gasgas na siya sa sobrang dami na ng gumagamit pero ASAWA? Nebeyen.. yung sa amin naman ni minho na LOVE ang tawag niya sakin. kahit ilang ulit ko na siyang sinabihan na huwag niya akong tatawagin ng ganun kasi yun din ang tawag niya kay samantha at naiilang ako tuloy pa din talaga ito. Sa kakulitan niya hinayaan ko na nga siya. Isa pa baka nga lahat siguro ng naging girlfriend niya LOVE palagi ang tawag niya. Haay ano ba ito? Bakit ba napunta tungkol sa endearment ni minho sakin ang topic ng iniisip ko? Anyway, habang kumakain pa din kami ni matthew ng almusal nagha-hagikhikan naman ang dalawang love birds ngayon sa sala na sina kuya leo at ate andrea. Kay aga-aga landian talaga...

"Sairah..."

Sambit ni matthew sa pangalan ko at medyo napapitlag pa nga ako sa pag tawag nito sa akin dahil sa kaba ko pa din dito. Feeling ko pa nga parang bumabara sa lalamunan ko ang kinakain kong almusal ngayon dahil sa nerbiyos ko kay matthew.

"Hmm ano yun matthew?"

"May sasabihin sana ako."

MY AMNESIA HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon