[Hey guys, I hope you'll like this one. Thank you!]
¢ Sapphire Autumn Marielle Sandoval's Point of View ¢
"Class, I want all of you to know that there will be an upcoming event here in our school."
Nabaling ang atensyon ng buong klase ng magsalita si Professor Margo. Ang kaninang walang buhay na klase ay nagkaroon ng kakaibang buhay. Mukhang excited sila sa sasabihin niya.
Nagkaroon ng bulong-bulungan sa apat na sulok na kwarto ng ngumiti ng malawak at matamis si Professor Margo. My face remained emotionless. Well, I'm not feeling excited though.
"Next week, Monday, will be our Acquaintance Party. Isn't it exciting?" Nagkaroon ng violent reaction ang mga kaklase ko.
Nagkaroon ng bulong-bulungan at ang mga mayroong makakapal na mukha ay nagsigawan at nagpalakpakan dahil sa tuwa. Pati ang katabi ko ay mukhang excited din.
"Hindi ka man lang excited sa acquaintance party, love?"
Hindi ko siya pinansin dahil hindi ko naman pangalan ang 'love'. Baka hindi ako ang tinutukoy niya. At tsaka isa pa, ayaw kong magsalita dahil feeling ko naaaksaya ang oras ko.
"Love, di mo ko narinig?" Hindi ko ulit siya pinansin.
"Uy love, hindi ka excited?" Tanong niyang muli.
"Sapphire." Dahil sinabi niya na ang pangalan ko, tumingin na ako sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
"Yes?" Mukhang nairita naman siya.
"Bakit hindi mo ako pinapansin kanina?"
"What?" Napairap siya.
"Kanina pa kita tinatawag at tinatanong kung excited ka ba or hindi sa acquaintance." I rolled my eyes in frustration and annoyance.
"You weren't calling me though."
"What? Didn't you hear what I said?"
"I did."
"Then bakit hindi mo ako nililingon at pinapansin?" Napairap ulit ako.
"Sa pagkakaalam ko, Sapphire ang pangalan ko. Hindi love." Diniinan ko pa ang pagsabi sa word na 'iyon' para naman maintindihan niya kahit papaano.
"Ugh, ikaw iyon okay?" Tiningnan ko siya.
"We are not a couple para tawagin mo ako sa endearment mong baduy,"
"Hindi naman baduy ah? What do you want then? Honey? Baby? Babe? Mahal? Mahal ko? Hon?" Iritado ko siyang tiningnan. Kung ano-ano na lang pinagsasasabi.
"Pwede ba? I have a name and that is Sapphire. You are not allowed to call me any of your endearments." Sabi ko at tsaka tumayo dahilan para mapatingin sa akin si Professor Margo.
"Yes, Miss San-" I cut her off.
"I'm going to the restroom first." Sabi ko at tsaka naglakad palabas ng room.
Habang naglalakad ako sa corridor ng top floor ng building na ito, nakarinig ako ng isang ingay galing sa isang lugar. Hindi ko alam pero na-curious ako kung ano iyon kaya naman sinundan ko ang ingay na iyon.
Pero habang sinusundan ko iyon, pamilyar para sa akin ang daan. Bakit patungo sa restroom ang ingay? Doon ba nanggagaling ang tunog?
Papasok na sana ako sa restroom ng makita kong nakabukas ang isang cubicle. Papasok na sana ako ng tuluyan pero nanlaki ang mata ko dahil sa nasaksihan. Napatakip ako sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
¢ The Campus Princess and the Seven Popular Guys ¢
FanfictionIsang kwento ng isang babaeng sikat sa kaniyang pinapasukang unibersidad na pagmamay-ari ng pamilya ng mga pitong lalaking magkakaibigan. Ang pito ay kilala din sa buong unibersidad. Lalo na't mayroon silang isang grupo na sinusuportahan ng mga estu...