[Hi! You can recommend my story to the other K-POPPERS! Thanks. I'm going to appreciate that. If someone is reading this, thank you for your support. SARANG HAEYO!]
¢ Sapphire Autumn Marielle Sandoval's Point of View ¢
"I'm okay with salad and lettuce wrap. And I'm okay with banana milk for dessert and beverage."
That's what I told Nine. Siya ang mag-o-order. Nandito kami ngayon sa canteen para kumain. Sumama na din ako dahil nagutom na din ako. Pero kung hindi ako gutom, hindi ako sasama.
"Wow, vegetarian ka pala. Puro healthy foods ah, disiplinado ka." Biro ni Nine.
I smiled at her and replied,
"Pinaglihi yata ako ni Mommy sa mga masusustansiyang pagkain. Iyan ang mga hilig kong kainin." Paliwanag ko sa kanilang dalawa. Tumango naman sila.
"Kaya pala ang ganda ng katawan mo. Sige na, order na ako."
Umalis na si Nine para mag-order na. Kaming dalawa ni Ava ang naiwan dito. Hindi ko alam iyong sinasabi nilang hinihintay namin. Pero dadating na din naman daw iyon.
"Puro gulay lang ba ang kinakain mo sa bahay niyo?" Tanong bigla ni Ava habang naglalagay ng lipstick sa labi niya.
"No. I also eat meat, pero takal lang." Natawa siya.
"Ingat na ingat ka pala sa katawan mo." Natatawang sabi niya kaya napatango ako.
"Gusto kasi ni Mommy na maging physically fit and healthy ako. Di ko nga alam kung bakit eh." Naiiling kong sabi kaya tumawa siya.
"Bago gusto niyang maganda ang katawan mo para pagdating ng future honeymoon mo, hindi mate-turn off iyong future husband mo." Agad akong namula sa sinabi niya kaya napahawak ako sa dalawa kong pisngi.
"H-hindi ah. Ayaw pa nga ni Mommy na magka-boyfriend ako." Lumunok ako at umiwas ng tingin. Pero napatingin ako sa kaniya ng tumawa siya.
"Joke lang naman, Sapphire. Mukhang alagang-alaga ka ng Mommy mo." Tumango na lang ako.
Habang nagkukwentuhan pa kami ni Ava, may biglang nagsalita kaya napatingin ako sa pinanggalingan noon. Nakita ko ang tatlong babae.
"Hi!"
Sabay-sabay nilang sabi na may malawak na ngiti sa labi nila. Nagpilit lang ako ng ngiti dahil hindi ko naman sila kilala. Di ko nga alam kung kilala iyon nila Nine at Ava.
Napatingin naman ako kay Ava ng nagtataka ng batiin niya iyong tatlong babae.
"Buti dumating na kayo. Magpakilala muna kasi kayo."
Nagtinginan sa akin iyong tatlong babaeng magaganda. Iyong isa, singkit iyong mata. May isang maliit. At mayroong dalawang ngipin na parang pang rabbit iyong isa.
"Hello, Sapphire. I'm Vance Angeline Liam."
"I'm Patricia Anne Montes."
"And, I'm Emerald Leica Yen."
Pakilala nilang tatlo habang may ngiti sa labi. I smiled at them too. Mukhang sila iyong tinutukoy nila Ava at Nine na hinihintay naming darating.
"I'm Sapphire Autumn Marielle Sandoval. Nice meeting you guys." Bati ko sa kanila.
"Wow, you're so nice pala." Emerald said, I just smiled at her.
"Oo naman! Mabait iyang si Sapp." Sabi ni Ava na parang proud na proud pa.
"By the way, iyang pamilya ni Vance ang may-ari ng Liam's. Iyong restaurant diyan sa may Heritage Condominium." Sabi ni Ava kaya tumango ako.
BINABASA MO ANG
¢ The Campus Princess and the Seven Popular Guys ¢
FanfictionIsang kwento ng isang babaeng sikat sa kaniyang pinapasukang unibersidad na pagmamay-ari ng pamilya ng mga pitong lalaking magkakaibigan. Ang pito ay kilala din sa buong unibersidad. Lalo na't mayroon silang isang grupo na sinusuportahan ng mga estu...