[Hi! Sana magustuhan niyo ang chapter na ito. Wala na akong masasabi. So, enjoy reading!]
¢ Sapphire Autumn Marielle Sandoval's Point of View ¢
"Good night!"
Sabay-sabay na sabi nila Nine at Ava. Ngumiti lang ako sa kanila at simpleng nagsabi ng isang mahina na good night. I'm already lying down at my bed. Gabi na, at matutulog na kami. Nakatingin lang ako sa itaas, naghihintay na dalawin ako ng antok.
Ilang minuto na din siguro akong nakatulala sa ceiling ng bigla kong marinig ang mahinang paghilik nila Ava at Nine. Nahilik din pala ang mga ito. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita kong mahimbing na natutulog si Nine. I look at my right, Ava is also sleeping peacefully.
"Aish." Mahinang sambit ko dahil hindi ko man lang magawang ipikit ang mata ko upang makatulog. Argh, nahihirapan akong matulog. Do I even have an insomnia? I don't know.
Napagdesisyunan kong magtimpla at uminom ng mainit na gatas. Ito kasi minsan ang ginagawa ko kapag hindi ako makatulog ng maayos sa bahay. Dinadalhan ako ng maids sa kwarto ko roon. Tumayo ako sa kama at tsaka sinuot ang isang bunny slippers.
Pumunta ako sa mini kitchen ng dorm namin at tsaka hinanap kung saan nakalagay ang takure. Hinugasan ko iyon at nilagyan ng tubig. I opened the stove and put the kettle on it. Kumuha ako ng tasa at tsaka kinuha ang powder na gatas. Tinaktak ko iyon sa tasa ko. Hinintay kong matapos ang pagpapainit sa tubig.
Ilang segundo akong naghintay hanggang sa tumunog na iyong takure. Kumuha ako ng potholder at tsaka kinuha ang takure. Binuhos ko ang mainit na tubig sa tasang may lamang milk powder.
I mixed it until it turns into a milk. Naupo ako sa kitchen stool sa kitchen counter at tsaka hinipan ang gatas. Hinipan-hipan ko iyon habang nakatingin sa isang direksyon. Humigop ako sa gatas.
"Crap."
Daing ko ng mapaso ang dila ko.
•
Hinuhugasan ko ang pinaginuman ko pero napatigil ako ng makarinig ako ng kalabog.
*BLAG
Napatigil ako sa paglalagay ng tasa sa lagayan dahil sa narinig kong ingay. Napalakad ako ng mabilis at umalis sa kitchen. Nandito ako ngayon sa mini living area kung nasaan malapit ang pintuan ng dormitory.
Napatigil ako at napatingin sa pinto. Bubuksan ko ba? Lalabas ba ako? Napailing na lang ako at tuluyang naglakad papunta sa pinto at tsaka iyon binuksan. Tumingin ako sa paligid sa labas ng dormitory namin at tiningnan kung may tao ba.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil napagtanto kong wala namang tao dito sa labas maliban sa akin. Naramdaman ko ang malamig at malakas na ihip ng hangin. Napangiti na lang ako at tuluyang lumabas at sinarado ang pinto.
Lumabas ako ng dormitory namin at pumunta doon sa overlooking view ng kalahati ng campus. Sobrang dilim na dito sa labas pero nakakapagbigay naman ng liwanag ang mga streetlights dito. May mga puting ilaw din naman dito sa bawat corridor sa labas ng dormitory.
Pinatong ko ang siko ko sa tuunan na parang balkonahe at tsaka hinawakan ang mukha. Good thing my hair is tied up kaya hindi masyadong nagugulo. Tinatangay lang minsan iyong mahabang nakatali kong buhok.
"H-hello."
"SHIT!"
Napabalikwas ako ng tingin sa likod ko dahil sa gulat. Nakita ko ang isang lalaking nakaitim na jacket at itim na sombrero sa likod ko. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim kahit na may mga ilaw dito.
BINABASA MO ANG
¢ The Campus Princess and the Seven Popular Guys ¢
FanficIsang kwento ng isang babaeng sikat sa kaniyang pinapasukang unibersidad na pagmamay-ari ng pamilya ng mga pitong lalaking magkakaibigan. Ang pito ay kilala din sa buong unibersidad. Lalo na't mayroon silang isang grupo na sinusuportahan ng mga estu...