¢ Chapter 1: The Snob Girl ¢

820 33 28
                                    

[Park Chaeyoung a.k.a the The Snob Girl. How beautiful, right? Isn't she lovely? Isn't she beautiful? Isn't she wonderful? Ay, kanta na yata iyon! Mali lang lyrics. >_< ]

¢ Sapphire Autumn Marielle Sandoval's Point of View ¢

"Autumn's here."

"Lodi!"

"Hi Sapp!"

Hindi ko na lang pinansin iyong mga estudyanteng nasa hallway malapit sa gate. Dito pa kasi sila tumatambay. Pero wala naman akong pakialam eh. Hindi ako mahilig makialam ng buhay ng tao.

Hindi ko alam kung bakit ako naging sikat dito sa unibersidad na pinapasukan ko. Wala naman akong ginawang maganda kung hindi ang magsolo at ang hindi sila pansinin. May sarili akong mundo. Mayroon din sila kaya dapat huwag na nila akong pakielaman.

Loner ako dito sa unibersidad na ito. Madaming gustong kumaibigan sa akin pero iniwasan ko lang sila dahil ayaw kong makipagkaibigan sa kahit sino. Maldita at mataray lang ako kapag nasasagad na iyong inis ko. Tsaka nagiging malditang tao lang naman ako sa mga nakakainis na tao.

I am just a normal simple college girl. At matagal ko nang pinangarap na dito ako mag-aral sa isang pang-mayamang unibersidad dito sa Makati. Ang Lancaster International. Oo. This university is for international. The owners have branches worldwide. Paris, Italy, Spain, Australia and New Zealand. Of course, here in the Philippines.

Hindi ko nga alam na ganoon kayaman ang mga may-ari nito. Well, sabi nila pitong pamilya daw ang nagmamay-ari nito. At may kaniya-kaniya silang mga anak. Pero wala na ako doon. Hindi ko din namang gustong makilala ang mga anak ng mga may-ari nito.

I was so surprised when my Dad told me na sa dream university na ako mag-aaral ngayong second year college na ako. Which is here, at everyone's dream school, Lancaster International. May hindi pa nga pala ako nasasabi.

Here at Lancaster University, every students needs to live here. Including myself. Well, there is no any problem with that because LCU has dormitories for girls and for boys. Which is a good thing. Dahil masama naman kung ipagsasama ang mga babae sa lalaki.

Bumabalik lang kami sa mga bahay namin kapag malapit nang mag-graduation or recognition. Pwede din namang lumabas ang mga estudyante sa university only, if a student have a black card. Pero kalahati lang ang mayroon noon. Tsaka dapat ding may student's signature and time kung kailan sila lalabas.

Yeah right, ang daming pakulo ng university na ito pero hindi ko mapagkakait na sobrang ganda talaga ng standards dito sa university. Isa itong sikat na university, gustong-gusto ng mga millennial ang makapag-aral dito kaya lang mahihiwalay sa pamilya.

Ang isa pang nagustuhan ko dito ay pwedeng magdala ng kahit anong gadgets. Kaya dinala ko na ang laptop, cellphone, camera at iPad ko. Dinala ko na din ang DSLR camera ko. Kapag marami kang dala, pwede namang may pumasok na guardian or body guard para tulungan ka.

That's why my bodyguard na ka-edad ko lang is behind me with my two suitcases. Nakasabit sa balikat ko ang gitara kong nakalagay sa lalagyan. Madami-dami talaga akong dala. Don't blame me, I'm a fashionista. My mother is a famous fashion designer and my father is the CEO of our company.

"Ralph, diretso muna ako sa office. Hintayin mo na lang ako dito."

"Sige, mag-ingat ka."

¢ The Campus Princess and the Seven Popular Guys ¢ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon