Sabi nila, maswerte ang taong magugustuhan ng crush niya, yung hindi lang hanggang unrequited love. Lahat umaasa na magkaroon ng magical moment kung saan na sa oras umamin siya sa crush niya, ay aamin din ito na the feeling is mutual. Haaaaay! Ang sarap pala sa pakiramdam 'no! Teka! di pa pala ako nagpapakilala! Ako si Janine, isang simpleng babae, hindi makinis, hindi kaputian, hindi katangkaran, hindi talented at hindi gaanong pansinin pero nagustuhan ako..... minamahal ako ng crush ko. Yung crush kong tatlong taon nakalipas bago narealize na para sakin talaga siya and this is how we started"Wala ka talagang boyfriend bessy?" Tanong nya sakin.
"Wala!" Inis na sagot ko. Paano, kanina nya pa ako binibwisit! sukat ba namang lait laitin yung idol kong si Lebron tapos ngayon love life ko naman ang napagdiskitahan.
"Weh? Paano ata tinatarayan mo pag pangit!" Sabi naman nya kaya inirapan ko sya
"Wala nga! NBSB ako!" Sagot ko kahit hindi naman totoo. Sa 19 years of existence ko sa mundong ibabaw, ilang lalaki na din ang dumaan sa buhay ko para paasahin at saktan ako.
"Packing tape! Mapapamura na lang ako! Di kasi halatang NBSB ka" Sabi naman nya na halatang nangbibwisit talaga.
"Mas masaya lang talaga pag malanding ugnayan lang" sagot ko which is true naman. Ang saya kayang puro landi lang, walang commitment, walang sakit.
"Grabe naman! Hmm! Ayaw mo bang may label?" Tanong nya bigla kaya tiningnan ko siya.
"Jusme! konti na lang kasi seryoso ngayon kaya nakakatakot na pumasok sa relationship" seryosong sabi ko
"Ang panget pag ganun, puro landian lang! sabagay masasayang friendship hmm! Based on experience mo yan eh! Hindi mo ata pinaglalaban kaya nawawala sayo." Sabi nya kaya napakunot ang noo ko. Friendship? Hindi naman siguro tama yung iniisip ko no? Napailing ako, Asa pa akong magustuhan ako ng gwapong nilalang na 'to. Umasa na ako sa kanya 3 years ago. Ayoko ng ulitin. Katangahan na yun. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
"Bakit ko pa ipaglalaban kung iba naman yung gusto. Hanap na lang ng iba, yung worth it!" Sagot ko at hindi na pinansin yung first part ng sinabi nya.
"May point ka naman pero sa kakahanap mo ba may worth it ka ng nakita?" tanong nya kaya bahagya akong ngumiti.
"Hindi na ako naghahanap, iintayin ko na lang na dumating, natraffic ata eh."
"Wala no? Dumating na kasi pinakawalan mo pa!" Sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Si Chester na naman?" Nakasimangot na tanong ko. Sya yung kaibigan namin na inaasar nya sakin hanggang sa tuluyan ng nafall sakin. I felt really bad about it kasi alam kong nasaktan ko yung tao.
"Oy wala akong sinabi! Hahaha! Baka naman sa kakaganyan mo wala ka ng mahanap!" Natatawang sabi nya kaya mahina ko syang hinampas.
"Ay sus! Kunwari ka pa! Alam ko namang si Chester tinutukoy mo! Bata pa naman ako kaya! Makakahanap ako, tiwala lang" confident na sabi ko
"Makakahanap ka ng kalandian, ayun ang sabihin mo" sabi nya at tumawa pa.
"Baliw! Pag nasa 20's na ko baka ready na ko sa commitment"
"Sows! 22 ka na ah" sabi nya na parang seryoso sya sa sinasabi nya kaya hinampas ko sya ulit.
"Siraulo! 19 pa lang ako!"
"Hahaha joke lang! Uwi na tayo bessy" sabi nya at isinara na ang librong hawak nya.
"Sige bukas na natin ituloy to" sagot ko at sinimulan na naming maglakad palabas ng school.
------
Nakahiga ako sa kama ko at nag-iisip. Ilang oras na makalipas simula nung nag-usap kami pero iniisip ko pa din yung sinabi nya. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha yung phone ko para mag myday.