Chapter 8: June as we know it.

25 0 0
                                    

           

I finally landed a job. Ilang linggo na din buhat ng magsimula ako bilang isang receptionist sa isang Agricultural Corporation. I kinda regret it kasi hindi ako kuntento na nakaupo lang, I want to be in a marketing field pero dahil nandito na ito, i will settle to it for the mean time. Si Wilson naman ay kakasimula lang bilang Accounting Staff. Good for him dahil ayun naman talaga ang gusto niya since nag ojt siya under Accounting. Sinundo niya ako sa trabaho at kasalukuyan kaming naglalakad kahit 4:50 pa lang at mainit pa.

"Napagod ako" sabi niya.

"ayyy! kawawa naman ang baby ko! Anu-ano pinagawa sa'yo?" tanong ko.

"Mga vouchers, tapos check. Dami ko pa rereviewhin kasi may exam kami" sagot niya.

"kaya mo yan! ikaw pa! sa simula lang naman mahirap, kapag matagal ka na, sisiw na lang yan sa'yo" pageencourage ko.

"sana nga.... Ikaw? ano ginawa mo kanina?" tanong niya

"wala masyado, pag Sabado naman release lang ng checks saka ilang mga phone calls pero petiks lang" simpleng sagot ko

"ay sarap buhay! swerte mo sa trabaho mo" nakangiting sabi niya.

"anong swerte ka dyan? Sawang-sawa na nga ako eh! paulit ulit lang ginagawa ko, walang thrill, nabobored na ako" maktol ko

"ang bilis mo talagang magsawa, baka sa susunod sakin ka na sawa ah!" pabirong sabi niya kaya natawa ako.

"Baliw never mangyayari 'yon!" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Basa!" agad na sabi niya at tangkang babawiin ang kamay niya ng higpitan ko ang paghawak nito.

"Kahit pasmado ka, hindi kita bibitawan" Seryosong sabi ko at ngumiti ng pagkatamis tamis pero pabiro niya akong binatukan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kapal! Pasmado ka rin naman!" Sabi niya na ikinatawa ko. Oo nga pala, pareho kaming pasmado kaya walang ilangan o walang kaso kung basa yung kamay niya or yung kamay ko. Hindi ko alam kung swerte bang maituturing na pareho kaming pasmado eh.

Pinagintertwine namin yung kamay namin at pinagsway sway pa ito habang naglalakad. Nakakatawa dahil para kaming bata.

"Anong balita sa Visa interview niyo?" tanong niya. I smile before answering

"nakaappointment na kami sa August 13" simpleng sagot ko. Nagapply kasi kami ng kapatid ko for tourist visa, though, for 6 months lang naman siya if ever na palarin kami.

"Iiwan mo talaga ko?" sabi niya at nakapout pa kaya mahina ko siyang kinurot. Sa totoo lang ilang beses na naming napag-usapan to, napag awayan na nga din namin to kaya as much as possible ay ayoko itong natatopic.

"babalik din naman ako" sagot ko at diretso lang tumingin sa daan

"pwedeng wag ka na lang umalis?" tanong niya kaya sandali akong napatingin sa kanya. I smiled awkwardly.

"Joke lang! alam ko namang pangarap mo yan eh, Hindi naman kita pipigilan!" Biglang hirit niya. Pero hindi naman ako manhid para hindi manotice na he meant it. Sa ngayon kasi lamang sakin yung pangarap ko, I can totally give up everything just to reach my dreams. Hindi naman kasi ganon kadaling itapon yung pangarap na ilang taon mong pinanghawakan.

"Thank you" sagot ko. That's all I can say, hindi kasi ako pwedeng mangako, hindi rin ako pwedeng magsalita ng tapos. I don't want to disappoint him even more.

"Bakit ganun?" Biglang tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Anong bakit ganun?" tanong ko

"Bakit kapag kasama kita, kahit pagod na pagod ako, parang nabubuhayan ako, parang nawawala yung pagod ko?" seryosong tanong niya

How We StartedWhere stories live. Discover now