Kasama ko si Jamaica at yung dalawa kong pinsan na si Bea at Aira, napagpasyahan naming pumunta sa Pasig para mag-night market. Kasama ko si Aira mag-ikot samantalang si Bea at Maica naman ang magkasama. Namili kami ng mga dress, tops, swimsuits and accesories. If I have weakness, that is clothes, I spent most of my money buying dresses but I don'regret it.
Bilang pinakamatanda sa kanila ay ako na ang umorder ng kakainin namin sa Mcdo.
Umorder lang ako ng apat na chicken fillet, dalawang bff fries at apat na cokefloat."So kamusta naman kayo? maharot pa din?" tanong ko sa dalawa. Kung kalandian lang ang pag-uusapan, kasundong kasundo ko tong dalawa dahil we love flirting. Naging habit na nga namin 'yon pero syempre ngayon, lie low na ako.
"May boyfriend na ako!" sabi ni Bea
"Oh? seryoso na ba yan?" tanong ko
"oo nan! ang bait niya! seseryosohin ko na to. Siya lang tumagal sakin" paliwanag niya
"bakit ilang buwan na ba kayo?"
"tatlo. tatlong linggo" proud na sabi niya.
"ANO? Matagal na sa'yo 'yon? sipain kita eh!" asar na sabi ko.
"matagal na 'yon no! wala ngang tumatagal sakin ng isang linggo eh!" sagot niya pa
"Tsk! magsasawa ka din diyan agad or siya magsasawa sa'yo panigurado!" pang-aasar ko
"Hindi! pangmatagal na talaga to! Lagpasan pa namin kayo ng jowa mo e. bakit ilang buwan na ba kayo?"
"mags-seven sa 30" sagot ko. alanganin siyang tumawa bago sumagot
"joke lang. tagal niyo na pala"
"Edi kayo na may lovelife!" hirit ni Maica
"Laa? kunwari walang lovelife!" sabi ni Bea kay Maica habang tinataas baba ang kilay
"tangeks wala nga! strict ang parents" sagot ni Maica
"Nako Maica, lumandi ka na habang nabubuhay ka pa, kasi kapag namatay ka na bawal na lumandi sa langit, kukutusan ka ni God" banat ni Aira na ikinatawa namin. She got a point, we should live our lives to the fullest because this is the only life we got, so might as well do the shit that make us happy.
-------
The most awaited day, our graduation day. The day where the last chapter will end and another will begin.
4 years sa college, we have a circle of friends we called Clashmates. Madami ng dumating at madami ng umalis, mga usapang seryoso at kalokohan. Mga asaran, sagutan, lambingan, landian, barahan, sungitan at murahan. 23 members becomes 18. Some people left our GC but not our lives. We formed a strong bond that despite of our differences, we are able to survive the 4 years being together.There was a time when we talked all night about the rest of our lives, mga pangarap namin sa buhay at mga plano sa hinaharap, we are all eager to graduate para naman magkatrabaho na, kumita ng pera at maachieve na namin ang mga goals namin,
Just the thought of it, We got so excited and scared all at once. We promised ourselves na nothing will change, that everything will always be the same. We hope that it will not just a promise that made to be broke, we hope that we can stand for that promise, alang ala sa 4 years na pagiging magkapatid natin.These years have passed us by so fast.
Nung unang pasok ko sa RTU, gusto ko na agad makapagtapos.
And now while walking down the aisle, thinking about all the people i've been close to, the people I had romance with, parang napakaikli lang ng apat na taon na nakasama ko sila, dahil ngayon dumating na yung araw na magkakahiwa-hiwalay na kami. Our journey being a student is already reached its end but we just started our new journey as an adult. Madaming katanungan ang nasa isip ko ngayon. Kung makakasurvive kaya ako? makakahanap ng magandang trabaho na gusto ko talaga? After a year or two, friends pa rin ba kami? Magiging successful ba ako sa life and career ko? Will my love for Wilson will remain? Magiging masaya kaya ako? Leaving this place will be scary but moving forward is the only option left."Pictureeeeee" sigaw ni Giselle at inabot ang phone niya kay Dinesa para kuhanan kami ng litrato, nakailang selfie na din kami. Siguro nga ay lagpas isang libo na naman ang mga pictures namin pag pinagsama namin sa isang album.
Nilibot ko ang paningin ko, lahat ng kaibigan ko ay masaya, kitang kita iyon sa mga tawa at ngiti sa kanilang labi.
"Simula na, balik na ako sa pila ko ah" sabi ni Wilson. Bahagya ko siyang niyakap, ramdam ko naman ang paghalik niya sa gilid ng noo ko. Tiningnan ko lang siya habang naglalakad. Who would have thought na bago ako grumaduate ay magkakaboyfriend ako? Na yung iniimagine ko lang na boyfriend ko ay nagkatotoo, na sa daming nagkakagusto sa kanya, ako yung minahal niya? Sa Lagpas sampung nakalandian ko, paniguradong walang kayang humigit sa kanya. Siguro nga blessing in disguise lahat ng heartbreaks ko noon, mga nanloko sakin, mga niloko ko, mga nenreject sakin, mga nagpaasa sakin at mga nanira sakin, dahil nandito ako ngayon, unti unting inaabot yung pangarap kasama ang taong mahal ko.
--------
"We're official na talaga" masayang sabi ko. Nandito kami sa nipa cottage sa Rainforest. Hindi na kasi kami nakakapunta ng River Park dahil maulan.
"Oo nga eh! Nakakatuwa! legal na talaga tayo" He said while playing with my fingers. nakahiga kasi ako sa lap niya at hawak hawak naman niya ang kanang kamay ko.
"Yeah! Nag-meet na din mga nanay natin" natatawang sabi ko. naalala ko kasi nung graduation namin, si mama at Tita Ana ang magkasama hanggang sa matapos ang graduation, sabay din kaming umuwi. Kakain dapat kami sa labas kaso anong oras na natapos ang graduation, eh sa Pasay pa gaganapin yung celebration ng Grad ko kaya nagmadali kami nila mama. Ang importante ay nagkakilala na sila.
"Ano pa lang plano mo? Kelan ka mag-aapply?" tanong niya sakin. Napaisip ako. Simula nung grumaduate ako, araw araw ko ng iniisip yan. Ano bang plano ko sa buhay? Hindi ko talaga mahanap yung kasagutan pero alam kong kelangan ko din magapply ng trabaho. I've been waiting for this day at ngayon na nangyari na, I won't waste it.
"Ewan. Maybe next week after the outing?" sagot ko. Wala nga din akong ideya kung saan ba ako mag-aapply e. "Ikaw? ano plano mo?" tanong ko.
"Baka next month na lang" sagot niya. Siguro ayos lang naman na magpahinga muna kami tutal isang linggo pa lang naman ang nakalipas buhat ng grumaduate kami.
"Sana pag nagkatrabaho na tayo, hindi pa rin tayo mawalan ng oras sa isa't isa." dugtong niya. Umayos ako sa pagkakaupo at yumakap sa kanya.
"Hindi yan! We will find way, saka Sunday is Babe time!" sabi ko.
"Promise?" tanong niya at tinaas pa yung daliri niya. I gladly took it and do a pinky swear.
"promise" sagot ko. Nagkwentuhan lang kami at nag-asaran pero syempre ako lagi ang pikon kaya madalas ko siyang nahahampas at sinasamaan ng tingin.
"Tara uwi na tayo?" yaya ko kasi naririnig ko ng pumipito yung guard, hudyat lang para magsilabas na ang mga tao. Tumayo ako at kinuha ang pulbo, naglagay ako ng pulbo pero hindi sinasadyang natabig iyon ni Wilson. Kukuha sana ako ulit ng kinuha niya sa akin ang lagayan ng pulbo.
"Ako na nga!" sabi niya. Nagulat ako sa ginawa niya dahil winisik wisik niya sakin yung pulbo na parang binibendisyunan ako.
"Isa!!!" asar na sigaw ko dahil nakaitim akong blouse at leggings kaya namuti ito dahil sa kalokohan niya.
"dalawa" natatawang sabi niya. Hindi maipinta yung mukha ko sa sobrang inis.
"ang kulit mo! ano baaaa!" sigaw ko sa kanya at pilit inaagaw sa kanya ang pulbo. Tawa naman siya ng tawa habang patuloy akong winiwisikan pero in the end natawa na lang din ako kasi para kaming bata at para na din akong espasol.
"Ang cute mo" nakangiting sabi niya habang tinutulungan akong magpagpag ng pulbo na nasa itim kong damit.
"Bwisit ka!" natatawa pero pasigaw na sabi ko.
"Hahaha! sorry na!" sabi niya at niyakap ako, nakaupo pa siya kaya ang mukha niya ay nasa bandang dibdib ko. Well hindi naman ako nagwoworry na mafeel niya kasi sabi nga, I'm a freaking flat chested kaya paniguradong pag narealize niya yung posisyon namin ay aasarin niya ko ng puno, poste at flat pero buti na lang ay medyo matino pa siya ngayon dahil tumayo na siya at pinagintertwine ang kamay namin bago magsimulang maglakad palabas ng Rave.
Ewan ko kung nahawa sa akin si Wilson ng kapraningan o may something na talaga siya? Paano ang lakas lagi mangtrip at nagagawa akong bwisitin pero hindi naman nagtatagal 'yon dahil konting lambing niya ang ay okay na ako.
******