Chapter 5: A March to remember

31 0 0
                                    

           

This past few days, ang daming nagyari. We had our first major arguments that almost tore us apart. Naalala ko tuloy kung paano kami nagkaayos. Friday kami nagkaroon ng pagtatalo at ang huli niyang sinabi sakin ay malaya na ako. KInabukasan ay nagkita kami sa school pero hindi kami gaanong nag-usap dahil bad trip siya sa nangyari at napakacold niya. Pumunta ako kina Timkang non at umiyak. Ang sakit pala pag alam mong mawawala na sayo yung tao. Na kahit anong pagsisisi yung gawin mo, wala ng magagawa 'yon kasi nasaktan mo na eh. That't the first time I cried hard for a guy. Yes, I've cried before but that's just a puppy love that hurts my pride. But the thing between me and Wilson is real, kaya sobrang sakit din ng epekto hanggang sa puso ko.


It's Sunday, pumunta kami sa Riverpark to talk about it. Ang awkward dahil the entire trip ay hindi kami nag-usap. Ilang minuto pang nabalot ng awkwardness ang paligid bago ko napagpasyahang magsalita. Kinwento ko sa kanya lahat lahat at nagsorry na din sa nagawa ko.

"Sorry din sa sinabi ko, pinagsisihan ko 'yon" Sabi niya.

"Baliw! Okay lang, totoo naman iyong mga sinabi mo. Tanggap ko" Sagot ko

"Ginago mo kasi ako" Pabirong sabi niya na alam ko namang half meant 'yon

"Oo nga eh, pakasinungaling ko kasi" Malungkot na sabi ko.

"Tama na yan" sabi niya at umakbay sakin. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"May mali din naman ako, Tinago tago kasi natin tong satin. Hindi naman ata mangyayari 'yon kung hindi natin tinago. Hindi naman siguro sasama sa'yo si Tan kung alam niya na may boyfriend or may ka-m.u ka" seryosong sabi niya. Kinuha ko iyong kamay niya at hinawakan ng mahigpit. Just thinking about it, I don't know what will happen if I ever have to let go of his hand permanently.

"Ewan.. siguro pero ako talaga may kasalanan at seryoso yung sinabi ko na walang landian na naganap"

"Parang ang hirap paniwalaan na walang landian na naganap" Kung landian ang tawag sa pag-amin namin sa isa't isa, marahil landian nga 'yon. Pero just thinking about it, una pa lang malanding move na yung ginawa ko.

"Di naman kita pinipilit maniwala kasi mahirap nga namang paniwalaan dahil sinabi ko sa'yo noon na ideal man ko siya. Basta sinasabi ko lang yung totoo" Paliwanag ko

"Kahit naman ngayon ideal man mo pa rin siya, hindi na magbabago 'yon" sagot niya. Siguro nga ideal man ko si Tan, lahat ng sinet kong standards sa lalaki ay nasa kanya na, pero sabi nga nila, yung hindi mo ideal ang mapupunta sa'yo

"Nababago 'yon! Feelings nga natin sa mga nakakarelasyon natin nabago, ideal ko pa kaya"

"Nawala na yung Janine na palaging tama ah? Nagpapakumbaba na ngayon. Baka ngayon lang yan ah?" Natatawang sabi niya pero alam ko namang seryoso 'yon. Alam ko rin naman sa sarili ko na nagbago ako.

"Kasi narealize ko na masyado ngang masakit yung nagawa ko. Ayoko ng mangako sa'yo, lagi na lang kitang nadidisappoint e. Gagawin ko na lang"

"Yan good, Wag ng mangako, gawin na lang" Sabi niya sakin. Niyakap ko siya bago magsalita.

"Oo! I will do my best this time. Sorry talaga, medyo gago tong minahal mo" malungkot na sabi ko

"Umiyak ka raw kila Tims?" Tanong niya. Bahagya akong nagulat dahil kaming dalawa lang naman ni Tims ang nasa bahay nila. Malamang sa malamang, si Tims ang nagsabi.

"Oo. Nagsisi nga ako eh, nagmukha tuloy akong mahina"

'Sana wag ka na ulit umiyak" Sincere na sabi niya.

"Thank you talaga ah? Napaisip tuloy ako kung ano yung ginawa kong kabutihan para maging deserving sayo" Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

How We StartedWhere stories live. Discover now