Runaway 1

1.2K 21 3
                                    

Sorry guys kung di ko matuloy yung Changed tapos gumawa ako ng panibagong fic. Sayang kasi yung idea, baka mawala. Anyways, enjoy :))

At nasa kalagitnaan na kasi ako ng story na to. Natype ko na sila. Kaya ito na! :D

Vote and comment please :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Paglabas ko ng simbahan, on cue, may dumaan na taxi. Pumara ako doon at sumakay. Babae ang nagdadrive. She seems 30+ ang age and she’s wearing shades. Nakauniform din sya ng taxi driver. Pero bakit ko ba pinapansin ang ayos nya?! Ugghhh! I don’t even care.

“San po kayo?” She asked.

Oo nga. San nga ba ang punta ko? Aish! Holy crap! Wala pa pala akong dalang wallet at cellphone. Afaggafshtjsjk naman eh!

“Sa pinakamalapit na mall po.”

“Ok.”

Di man lang sya nagtanong kung bakit ako nakawedding dress. Di ba sya nagtataka? Oh well, bakit nga naman sya nagtataka eh sa harap ako ng simbahan pumara.

Kelangan kong tawagan si Julia. But, how? Oyeah! Si manang driver :D

“Uhmm.. Excuse me po, may cellphone po ba kayo? Pwede pong makitawag?” tinitingnan nya ko mula sa mirror kasi nasa backseat ako nakaupo. Di sya nagsalita at binigay na lang sakin yung phone nya. Buti na lang mabait sya.

I dialed Julia’s phone..

Oh please Julia.. Answer your phone. Answer it. Ans—

[Hello?]

“Oh thank goodness Julia! You finally answered it.”

[Kath, is that you? Crap! Where on hell are you?! Everyone’s looking for you!]

“May katabi ka ba or kasama jan? Lumayo ka! Wag kang magpahalata na kausap mo ko.”

[Nasa sasakyan na ko papuntang hotel natin.]

“Oh great! Meet me on SM right now. Bring some money. Oh wait! Don’t let anyone follow you okay?”

[Okay, okay! Yun la--]

“Yun lang! I don’t need clothes. See you!” then I ended the call. Thank God I have a bestfriend.  Only your bestfriend can help you in times that even your family is against you.

“Manang, ito na po. Thank you po.” Binalik ko na yung cellphone ni Manang. Nakakahiya naman, nakitawag pa ko. Sayang yung load nya.

“Alam mo, ija.. Minsan di masamang tumakbo at tumakas. Dahil minsan, sa pagtakbo, dun mo makakasalubong ang tao na handang hawakan ang kamay mo para tumakbo kasama mo.” Sabi ni manang ng di nakatingin sakin. Ako lang naman ang kausap nya huh.

-.^ Anong ibig nyang sabihin? Aish! Ang hirap umintindi ng mga weird na tao.

“Dito na tayo sa mall ija.” Tumingin ako sa labas, nasa mall na nga ako pero kasi, wala akong pambayad sa kanya. Naghanap ako ng pwede kong ibigay sa kanya. Uhuh! Ito na lang kwintas ko. Nung kukunin ko na at ibibigay sa kanya nagsalita syang muli..

“Wag na. Naiintindihan ko na wala kang pera. Di ko kailangan nyan.”

“Hala! Tanggapin nyo na po. Wala po kasi akong maibibigay sayo.”

The Runaway Bride (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon