Runaway ~7

871 17 0
                                    

Busy for school. I'm so sorry :l

I want to hear your comments =)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Kath's POV

Paggising ko, nasa kama na ko ni DJ. Nakatulog kasi ako kanina sa upuan habang binabantayan siya eh. Eh? Nasan naman yung domokun nayun?

Bumaba ako ng kama niya at lumabas ng kwarto. Paglabas ko, nakaamoy naman ako ng mabango kaya pumunta ako ng kitchen. Nakita ko dun na nagluluto si DJ. Diba dapat nagpapahinga pa rin siya ngayon? Wala na kaya siyang lagnat?

“Oh gising ka na pala Kath.” He smiled at me nung napansin niya ko. And he is still smiling.

He’s smiling? He’s smiling?? He’s smiling??????

May side effects ba ang gamot na pinainom ko sa kanya? Naku! Baka naman expired na ang gamot! Waaaahhhh! Yari ako kela Katsumi nito. Ano bang ginawa ko sa kaibigan nila?

“Huyy Kath. Bakit nakatayo ka lang jan? Tara na. Kain na tayo.” Alok niya sakin tapos pinaupo niya na ko sa harap ng lamesa. Kumakain na siya tapos nakangiti pa rin siya. Pinagmamasadan ko lang siya.

Eh kung dalhin ko kaya siya sa ospital para ipacheck-up? Baka naman ang dapat kong pinunas sa kanya ay maligamgam na tubig, baka kaya siya naging ganyan kasi nalamigan yung utak niya? Kinumutan ko naman siya ng maayos diba? Waaaaaahhhh! Nakakabaliw!

“Kath, ayaw mo ba ng pagkain? Gusto mo ipagluto na lang kita ng iba?” Tatayo na sana siya.

“Hindi. Ano, gusto ko. Hehe” o.O Okay? Dati pag di ko kinakain yung pagkain lagi niyang sinasabi na ‘kung ayaw mo kumain, di wag’ pero ngayon.. Hala! Baka naman kinuha ng alien ang tunay na DJ nung tulog ako!? Oh my crabby patty! Alien invasion na ba?

Kumain na kami pero ito namang si DJ panay pa rin ang ngiti. Tapos siya pa ang madalas na nagoopen ng topic. Grabe lang! Naalog ba utak nito? Pakipektus nga baka sakaling bumalik sa dati. Kung alam ko lang na ganito pala ang epekto sa kanya ng ulan edi sana, di na ko tumakbo kahapon. He’s creeping the hell out of me!

After ng ilang sandali, dumating na din sila Seth. Mejo humina na kasi yung ulan at napaayos na daw nila yung sasakyan nila. Pagpasok nila, gaya ko, nagulat din sila nung una nilang nakita si Dj. Paano ba naman kasi binati sila tapos ngiting ngiti pa.

They all gave me ‘what-did-you-do-to-him’ look and I was like ‘I’m-innocent’. Grabe! Ganon ba talaga kalaki yung impact ng pagbabago ni DJ? Sabagay, dapat natutuwa ako sa kanya eh. Kasi di niya pa ko sinusungitan simula kanina. Pero kasi, hindi ako sanay. Para bang mas gusto ko pa yung masungit siya.

Sana ibalik na ng mga alien ang dating Dj.

Nung matutulog na kami, biglang lumabas si DJ sa room niya at may dalang unan at kumot.

“Oh DJ, bakit may dala ka niyan? Ipinahiram ko na si Kath ng unan at kumot ko.”—Lester

“Kath, sa kwarto ko na ikaw matulog. Dito na ko sa sofa.”

“WEH?” sabay-sabay pa kaming nagulat sa sinabi ni DJ.

“Psh! Oo nga. Tabi jan sa sofa! Dun ka na sa kwarto ko.”

Tapos humiga na siya sa sofa at nagtalukbong ng sarili. Pero kahit hindi ako sanay sa kabaitan na ipinapakita niya, natutuwa ako. Eh syempre, namiss ko humiga sa kama eh. Hohohoho! Thank you Domo!

The Runaway Bride (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon