Runaway~15

1K 38 58
                                    

DJ’s POV

Namiss nya talaga ako?

Naging miserable din ba sya nung iniwan nya ko?

Bakit ba sya bumalik?

Pwede bang mag-assume na dahil sa akin yun?

“MOMMY!”

Sigaw ng batang babae na I think 4 yrs. Old na. Maganda siya.

“Oh baby! Bakit ka ba tumatakbo? Sabi ko naman sayo wag kang tumakbo Chachi diba?”

Baby?

“Hon, kanina ka pa naming inaantay sa car.” Salita ng lalakeng kararating lang.

Hon?

Anak ng tokwa! Ito na nga bang sinasabi ko eh. Kaka-assume ko lang eh, kakahawak ko pa lang ulet tapos bibitwan ko na naman?

Tanginang pagfifeeling kasi yan Daniel Padilla! >.<

“DJ, I want ypu to meet my husband, Jake and my daughter Chachi. At itong nasa tummy ko ngayon ay si Darren.”

“You’re pregnant?”

“Yep, 3 months.”

Wow naman. Ang tanga ko naman talagang mag-assume sa isang babaeng may asawa at anak na at buntis pa ngayon.

♫♫ oh kay sakit isipin na ito’y isang panaginip.. panaginip lang ♫♫ (a/n promote ko lang album ni DJ sa mga di pa bumibili..)

“Wow.. Congrats sainyo. I’m happy for the both of you.”

Happy? Yeah.

Totoong masaya talaga ako para sa kanila. Diba sa prayer ko kanina sabi ko, I want her to be happy? At sa nakikita ko ngayon masaya na siya. Masaya na si Charm.. at tanggap ko na hindi siya sakin sasaya.

“So paano una na pala ako. Inaantay ako nila Sed eh.”

With that I waved them goodbye.

“Wait DJ.”

Mejo di pa ko nakakalayo nung hinabol ako ni Charm. At niyakap niya ulit ako.

“DJ, I’m so sorry for everthing.”

“No, it’s okay. Masaya ako na nakikita kang masaya Charm.”

“I know. Sana sumaya ka na din. Kung nakita mo na siya o hindi pa, I’m hoping the best for the both of you. Alam ko nasaktan kita pero di naman natatapos sa sakit ang lahat eh.

Makiramdam ka, baka anjan lang siya.

Be a good boy okay? Bye DJ.”

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni Charm. Nag-sorry na siya sa akin at masasabi kong natanggal na yung tinik sa dibdib ko. Yun lang naman yung hinihintay ko diba?

At yung kanina? Namiss ko lang siguro talaga siya kaya naman nag-assume ako pero ngayon alam ko na talaga..

Wala na kong feelings kay Charm..

“Hoy ayaw mong kainin to? Akin na lang to huh?”

“Uyy ano ba Kath, akin na nga yan. Takaw nito.”

“Panget mo. Ayaw mo namang kainin eh.”

Dito kamis sa yellowcab kumakain. Nagugutom na daw si Kath eh. Takaw nya, kanina pa siya jan kain ng kain. Daig pa niya lalake.

Nagulat ba kayo na ganyan na kami mag-usap ni Kath ngayon? Ako din eh. Basta ang alam ko lang close na kami at di na masyadong nag-aaway.

Madalas na din kaming mag-asaran ng walang napipikon samin.

“DJ, sino yung kasama mong babae kanina? Yung kayakap mo?” –Kath

“Huh? That’s Charm.”

“Oh talaga? Okay na kayo? Di ka na galit sa kanya? ano pinag-usapan niyo? Magkwento ka dali! Babalikan ka na ba niya?” tanong niya pa, halatang excited.

“Chismosa nito. Okay na kami. May pamilya na sya at masaya na.”

“Oh? Yun na yon?”

“Oo. Dami mo tanong kumain ka na nga lang.”

Sa sasakyan pauwi, nakatulog si Kath. Ganyan talaga pag matakaw, laging inaantok. Panget panget niya kahit tulog. Haha! Kahit alam kong sa kabaliktaran yon.

“Okay ka lang DJ?”

“Oo naman, bakit hindi?”

Dalawa na lang kaming gising ni Kats. Siya kasi ang nagdadrive ngayon eh. Si Sed at Lester ayun bagsak na din. Naglaro pa kasi kami kanina sa timezone kaya napagod yang mga yan. Ang likot kaya nilang tatlo nila Kath.

Parang bata..

Ang cute.

“Yung kanina, kay Charm? Okay ka lang na nakita mo na siya?”

“Oo naman. After all closure na lang naman ang hinihintay ko saming dalawa eh.”

Tama yun na lang ang hinhintay ko.

“so okay ka na?”

“Oo nga. Kulit nito.”

“Pwede ka na pala ulit magmahal.” At ngumiti pa sya. Sa totoo lang natatakot ako dito kay Katsumi. May mga bagay kasi siya na kayang gawin ng hindi inaasahan eh.

At yung ngiti niya nay un, alam kong may kahulugan.

Pwede na ulit akong magmahal.

Handa na ba ako?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan 2 updates na. Parang awa niyo na wag po kayong magalit sakin. Sorry talaga :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Runaway Bride (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon