Runaway~11

809 19 6
                                    

Soooobraaaaanggg sabaw nito! -___- Pasensya na! 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kath’s POV

One month na ang nakakalipas. One month na simula nung dumating ako dito sa Bicol at nakasama ko ang apat na lalakeng di ko akalaing magiging close ko.

For a month, marami akong nalaman, marami akong natuklasan at naexperience kasama sila. Kung tutuusin, ayoko na ngang bumalik sa Manila eh. Dito kasi, malaya ako, masaya. Walang mga bantay at yaya. Pero hindi ko din maiwasang mamiss sila.

Yung mga taong naiwan ko sa Manila. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bumalik na kaya ako doon? Baka kasi sobra ng nag-aalala si Mommy. Pero sa tuwing iniisip ko ang pagbalik ko dun, di ko maiwasang matakot. Natatakot kasi ako na baka parusahan ako ni Daddy bukod pa sa pagpapakasal ko kay Evo.

Kaya ngayon, nilulubos ko na lang muna yung mga moments ko kasama ang mga lalakeng naging malaking parte sa pagkilala ko sa mundo. Alam ko naman kasi na darating ang panahon na makikita din ako nila Daddy kaya dapat, di ko na isipin pa ang mga ganyang bagay.

Tama! Just this time, magpapaka-selfish muna ako.

Pero kasi, hanggang ngayon, di ko pa rin nasasabi kela DJ yung totong reason kung bakit talaga ako tumakas. Pag dumadating kasi sa time na sasabihin ko na sa kanila, biglang nauudlot eh. Ewan ko ba, parang may pumipigil talaga sa akin na wag sabihin pero yung konsensya ko naman sinasabing sabihin ko na. Aish! Bahala na nga! Hahanap na lang ako ng tiyempo. >.<

“Ano Kath, tara na?”—Seth

“Tara.”

Aalis kami ni Seth ngayon kasi diba nga nangako ako sa kanya dati na makikipagkilala ako kay Arcie, yung girlfriend niya. Wala namang masama siguro kung makipagkilala ako sa iba diba? At isa pa, para bang di uso ang balita dito sa Bicol. Kaya siguro walang nakakakilala sa akin dito. Kamakailan nga lang namin nalaman na na-impeach na pala si Corona eh.

Pagdating namin sa mall, may nakita kaming babae na nakawhite blouse at black shorts. May bangs siya at naka-backpack. Kumakaway siya sa amin. She’s Arcie, nakita ko na siya dati sa market, remember? Pagkakaiba nga lang, ngayon kasi nakangiti siya sa amin at kumakaway. She’s cute. Kaya pala inlove na inlove sa kanya si Seth.

“Hi hon.” Sabi ni Seth kay Arcie nung nakalapit na kami sa kanya. Nagkiss pa ang dalawa. Edi sila na sweet. Haha!

“Si Kath pala, yung kinikwento ko sayo.” Turo sa akin ni Seth.

“Hi Kath! “ Sabi niya sakin sabay beso. Ang cheerful niya masyado. Ang hyper! “Ang ganda mo pala talaga. Pasensya na huh? Di kasi kita masyadong natitigan nung una nating pagkikita kasi akala ko kabit ka ni Seth eh. Haha! But anyway, hindi naman pala. You’re so pretty. Bagay pala talaga kayo ni DJ. Kayo na pala.” Tuloy pa niya.

Pero.. Anong sabi niya? Kami daw ni DJ? San naman niya nakuha yun?

Napatingin ako kay Seth at umiwas siya ng tingin. Aba tong lokong to! Para lang makalusot sa girlfriend niya eh gumawa ng dahilan. At napaka-walang kwenta pa ng reason niya.

“Ahmm.. Alis na ko huh? Enjoy kayo sa gala niyo. Pupunta pa kong school eh. Bye hon.” Sabi ni Seth kay Arcie at kiss sa cheek. At tumingin siya sa akin, at ngumiti “Bye Kath. I’ll explain later. Haha! Bye bunso.” He kissed me on my forehead at umalis na.

Bwisit na yun! Nakatakas pa sa sermon ko sa kanya.

“So ano, tara na Kath? Shopping muna tayo tapos kain later?^^” Sabi ni Arcie in a very cheerful way.

The Runaway Bride (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon