CHAPTER FOUR
Heart Break
"CARA!"
lumingon ako dun sa boses, at binagalan ko yung lakad ko.
"bakit?"
"galit ka ba sakin?"
"hinde."
"bakit ka tumakas?"
"sorry ian. nadala lang ng takot."
"ah okay. wag ka na kasing matakot. anyway. wala parents ko next week. yun lang."
at umalis na si ian. hay. nakakainis ka, ian. nakakainis ka. pasalamat ka mahal kita --
"sam?"
nakita ko si sam na nakahiga sa ilalim ng puno, at nagbabasa ng libro.
"ah. cara. kaw pala."
"okay ka lang?"
"oo."
"di ka pa ba papasok?"
"..pinapabalik ka nya, no."
"huh? nino? di ko maintindihan sinasabi mo."
"pinapabalik ka ni ian sa kanila."
nagulat ako.
"are you EAVESDROPPING on us?"
"kasalanan ko bang narinig ko? sa susunod sabihan mo sya na bumulong kung ayaw mong may nakakarinig."
tapos tumayo na sya at nauna na sa klase. hinabol ko sya.
"ano ba kasing problema mo, ha?"
bumuka yung bibig nya, na para bang may gustong sabihin, pero sinara nya uli at tumuloy na lang sa paglalakad. buong araw akong hindi pinansin ni sam. kung papansinin man, simpleng oo, hinde, at tango lang nakukuha ko.
ano ba kasing ginawa ko sa kanya?
"bessy, ano sa tingin mo problema ni sam? may ginawa ba ko sa kanya or kasalanan?"
"h-ha? ewan ko.. sige una na ko. strict yung prof namin eh."
"ah.. s-sige."
~___~ bakit ba parang iniiwasan nila ako? =___=++ naiinis na ako ha. wala naman akong matandaan na ginawa ko. :< oh well. bahala na nga.
pumunta ako sa susunod kong klase. kaklase ko nga pala dito si sam. pumasok na ko ng classroom, at nakita ko sya dun sa tabi nung isang babae. nakikipagtawanan sya. > 3< tapos sakin ang sungit sungit. hmp!
umupo na ako dun sa lagi kong inuupuan. habang si sam naman, ayun. tuloy lang sa paglandi. >_> KDOT. kainis sya. iniwan nya ako, na isang kaibigan nya, para lang sumama sa palaka?! > 3< kainis sya! grr.
pagkatapos ng klase, nagkasabay kami ng labas ni sam.
"ui sam."
"hm?"
"ano ba kasing ikinagagalit mo?"
"wag mo nang alamin dahil magagalit ka lang din sakin."
"huh? bakit naman? hindi yun."
"trust me. magagalit ka lang."
BINABASA MO ANG
Ang Masokista
Teen Fictionnaranasan mo na bang magpakatanga para lang sa taong mahal mo? na kahit sabihin sayo ng mga taong nasa paligid mo na mukha ka nang tanga, hahabul habulin mo pa din sya? na kahit araw araw ka nyang sinasaktan, physically and emotionally, iniintindi m...