Ika-10 ng gabi sa Trip Palace sa Room 1369, nangyari ang hindi inaasahan.
Nakapatay ang lahat ng ilaw maliban sa Flat Screen TV. Nanunuod ako ng Sinister mag-isa. Nakarinig ako ng kaluskus mula sa labas. Parang may kung anong nagbubukas ng doorknob ko. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari kasi intense na yung pinapanuod ko.
Kinuha ko lahat ng unan at itinabi sakin. Bumukas yung pintuan ko.
Madilim ang paligid. Hindi ko maaninag yung pumasok. Nagtago ako sa sofa. Parating na siya.
Malapit na siya sa sofa. Kinuha ko lahat ng unan at ibinato sakanya. Wala lang sakanya ang nangyari. Shet. Ano ng ipapangbato ko ngayon? Ayun! Teddy Bear. Binato ko sakanya yung pagkalaki-laking teddy bear ko pero di pa rin siya natumba.
Nilakasan ko ung loob ko. Lumapit ako sakanya.
Malapit na ako sakanya ngunit pagkahakbang ko, natapakan ko yung unan at dumulas ito sa gilid kaya nadulas ako.
Sinalo ako ng taong magnanakaw pero huli na ang lahat dahil na-out of balance kami. Nakapatong ako sakanya. Omaygash. Baka saksakin ako nito. Patayo na sana ako pero may biglang nagsalita galing sa pintuan.
"Ano bang condo ito Loser. Ang dilim-dilim." Binuksan niya yung ilaw.
"Oh my god. I'm sorry, Madison. Hindi ko alam na... Oh my god. Lalabas muna ako. Nakakaistorbo ako sainyo. I must've knock on your door first. I'm sorry." napatitig ako sa nasa harap ko. Anak ng tokwa! Si Radar. Napatayo ako bigla.
"Ano ba naman yan! Di ka naman kasi kumakatok o kaya nagsabi man lang na pupunta ka dito."
"Kinukulit ako ng maharot mong kaibigan. Anong magagawa ko?"
"Edi sana pinatawagan mo na lan---Shet." Napatakip ako ng mukha ko kasi lumabas yung nakakatakot sa Sinister.
"Hahaha! Natatakot ka ba? Loser." Hindi sa natakot ako. Nagulat ako.
BINABASA MO ANG
Loser
AdventureYung taong laging binubully, tanga, kulang sa atensyon at pagmamahal, hindi nakakaramdam ng suporta, walang may pakialam, tahimik, kinikimkim na lang yung galit, iilan lang ang gustong lumapit, maraming may inggit at galit, loner.. IKAW BA YUN?