Ang ligalig ng araw ko ngayon at naisipan kong ipaalala kay mama yung usapan naming magshoshopping kami bukas.
"Ma, shopping tayo bukas?"
"Naku, sorry anak. Busy kasi ang mommy. Pwedeng sa Friday na lang?"Hindi ko na sinagot si Mama. Binaba ko na lang yung telepono. Alam niyo ba, si Mama lang yung pinakaclose kong tao sa mundo. Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Katulad na lang niyan. I'm seeking love, attention and time but nothing came. Nakakailang yaya na ako sakanya pero nakakailang sabi na rin siya ng "Busy ako, anak e. Pwede bang sa ganitong araw na lang?"
Itinikom ko na lang yung bibig ko. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong sabihin yung nararamdaman ko pero wala. Lagi kong kinikimkim. Hindi ko magawa kasi ina ko yun. Dun ako galing.
Naisuntok ko na lang yung kamao ko sa puno sa inis ko.
"May problema ka, Loser?" Narinig ko yung boses ni Radar. Nananatili akong tikom ang bibig at may galit sa dibdib.
"Para kang inagawan niyan. Gusto mo icecream?" Tumatawa-tawa pa siya.
"Iwanan mo ko." Hindi ko kayang mangharap ng tao lalo na kung tumutulo yung luha ko.
"Umiiyak ka ba Loser? Hay, Loser ka talaga kahit kelan."
"Umalis ka na. Hindi kita kailangan."
"Okay." Bago siya umalis inabutan niya ako ng panyo.
Hindi ko ugaling umiyak pero kapag ganitong bagay na ang pinag-uusapan, naiiyak na lang ako sa sobrang inis ko. Tipong wala akong mapaglabasan ng galit at inis kaya sa puno na lang.
Maghapong nakatikom ang bibig ko. Magsasalita lang ako kapag tinawag ako sa recitation. Buti nga hindi lumalapit sakin yung mga pangit e. Baka kung anong magawa ko.
"Friend! Napasign mo ba?" narinig kong bulong ng isang boses bakla. Naalala ko si Jint sakanya. Hahaha. Sus.
BINABASA MO ANG
Loser
AdventureYung taong laging binubully, tanga, kulang sa atensyon at pagmamahal, hindi nakakaramdam ng suporta, walang may pakialam, tahimik, kinikimkim na lang yung galit, iilan lang ang gustong lumapit, maraming may inggit at galit, loner.. IKAW BA YUN?