STARSHIP
Zarins banged the bathroom's door,"Vince Michael!!!! Ano ba? Bilisan mo naman sa banyo?!!! Male-late na ako!!!"
"Maghintay ka dyan!!! Tanghali ba naman nagising!!"
She pout at nahagip ng mata nya si Gino, "Hmp!!! Hoi, Gino, ang aga-aga, sigarilyo na agad kaharap mo. TSk..kawawa naman yang baga mo."
Tinaasan lang sya ng kilay nito, "Wag ka nga mandamay ng negative mood. Pasukin mo na kaya sa banyo yang si Vince...tingnan natin kung hindi yan mapalabas ng wala sa oras."
"Ikaw ba? Wala ka na namang balak pumasok? First day na first day ah.."
"Ugh.. you know I hate first days.. Walang kamatayang introduction lang yan."
"Ano ka ba? Magbago-bago ka nga..last year na natin to. Pag hindi ka pa umayos,siguradong bagsak ka sa bangketa."
"Tapos na ako," ani Vince.
Zarins just glared at him...lumabas na naman itong nakatapis lang ang twalya sa baba... Vince grinned and...
*whoosh*
Bumagsak ang twalya nito sa ibaba na ikina-irit ng bongga ni Zarins.. She turned away and screamed so hard hanggang sa mapaos at tawa na lang ni Gino at Vince ang nangingibaw...
Gino laughed so hard na nakahawak pa sa tyan, "Hanep sa irit... Parang nakakita ng aswang... Vince, if I were you, tinotoo ko na yan..."
"Wag pare, baka mahimatay na yan kapag nakita toh," sabay tingin sa baba.
Agad na pumasok sa CR si Zarins at doon nagsisigaw kina Gino.
"Mga walanghiya talaga kayo!!!!! Hayop!!!"
"Czarina Calupit, ang OA mo!!! Kala mo namang may nakita sya eh wala naman!!! Naka-short kaya ako!!"
"Ewan ko sayo!!"
"Gantihan mo kaya si Vince, Zarins!!! Hahaha...magtapis ka din ng twalya---"
"AAAAAAhhhhhh!!!!! Ayoko na marinig yan!! Mga bastos!!!"
Itinuloy na ni Zarins ang paliligo habang nakasimangot pa din. Dala-dala na nya ang damit sa banyo kaya doon na din sya nagbihis. Paglabas, nakita nya si Gino na bagong ligo na din...
"Oh, san ka naligo?"
"Di sa poso. Kapag hinintay pa kita, late na talaga tayo."
"Eh akala ko naman hindi ka papasok."
Inakbayan lang sya ni Gino,"Eh ayoko kayang bumagsak sa bangketa."
"Nasan na si Vince? Nauna na?"
"ayun, bumili ng agahan natin. Nakakahiya kasi sayo eh...hindi ka pa naman dapat ginugutom."
Gino turned on the radio at saktong pinapatugtog ang latest dance hit ni J.Lo. Zarins smirked at him... And their minds automatically connect. Gino stand up and tug Zarins to dance with him...
Habang parehas silang sumasayaw, nakadungaw sa malaking bintana ang mga kapitbahay nilang mga usi. Dumating naman si Vince na may dalang lugaw tokwa at baboy...Zarins' favorite.
"Oh, nagawa nyo na yan ng step?"
"Yup. Ituro mo na lang sa kanila ha Gino. Lalabas pa kasi kami nina Eileen."
Gino's head snapped at her... Matagal na kasi nitong pinopormahan ang kaibigan nyang si Eileen pero ang babaeng yon, talagang manhid. Samantalang, ang ibang babae ay nagkakandarapa para sa isang sulyap ni Gino...ito naman ay kay Vince nakatingin. Though hindi naman nagiging problema yon kay Gino at Vince. She wonders kung bakit kahit kailan ay hindi pa nya nakita ang dalawa na nag-away... Maybe Gino don't like Eileen that much. Si Vince naman, parang bading lang...wala daw type sa mga kaklase nilang babae. Nilasing na nilang lahat at kung ano pa man...wala pa din silang mahitang sagot. Parang balak pa atang magpari. Kapag si Eileen ang sinasabi nyang kasama nya...napapasunod nya sa lahat ng gusto nya si Gino...

BINABASA MO ANG
Dance the Rhythm
AdventureIpinusta mo kaming lahat... Tapos ngayon... Ipinatalo mo ang laban... Simula pa lang, Zarins, talo ka na.. Simula ng kalimutan mong isang grupo tayo... Simula ng unahin mong isipin yang sarili mo... You forget us when we desperately needed our lead...