" 50,000!!!"
"100,000!!"
"deal!!"
Lumingon si Zarins sa likod nya, "Oh, Vince, ano, ok ba tayo?"
Vince just shrugged,"May magagawa ba ako eh umo-oo ka na?"
"Kelangan natin ng pera eh... kayang-kaya na natin ang mga spoiled brats na yon."
Humarap si Vince sa mga kalaban nila,"Game!!! Since kayo ang huling pumusta, inyo ang music!! Dito sa kalye, kahit anong klaseng sayaw pwede!! At dito, siguruhin nyong magkakabayaran. Aba, masamang ginagalit ang mga ka-grupo ko."
Lumapit sa kanila ang leader ng kabilang grupo, "Oo na!! Oo na!!! Ano sasayaw ba tayo?"
"Be teka!! Atat na atat matalo?? Kitang wala pa ngang audience.. Bah!," Vince held his hand up habang lumibot sa paligid ang paningin.
"Putek, nasan na bang mga yon?" Badtrip na hanap din ni Gino.
"Eh baka naman audience nyo lang ang dumating.."
"Hindi naman sa audience pagbabasehan ang lahat e. Kung talagang magaling kayong sumayaw, alam nyo kung panalo oh talo kay. Yun lang yon."
Unti-unti ng dumidilim at ilang saglit lang ay sakop na nila ang isang malaking eskenita. Doon ang tambayan ng grupo nina Zarins, Vince at Gino, ang grupong Imperio ang naghahari sa eskenitang yon at doon din nila tinatalo ang mga grupong gusto makakuha ng tambayan at titulo nila. They are the most famous street dancers in underground street dancing. Malimit kasing nauuwi sa away ang sayaw nila pero malimit din namang malaki ang kinikita nila. So madalas, nasa barangay sila or worst, naikukulong ng ilang araw. They are actually the true blood anak ng iskwaters. Pero hindi tulad ng iba, gusto nilang umalis sa hirap. And the only way they can get through poverty is their talent... Dancing. Bata pa lang silang grupo ay magkakasama na sila kaya madali nang basahin ang kilos ng bawat isa..and so they end up dancing in abandoned streets.
Zarins, Gino and Vince are the leaders of their group pero ang talagang nakakayang kontrolin ang lahat ay si Zarins. She's the best dancer among them... she can leave everyone in awe after she danced. Imperio has 30 members at lahat sila nagtutulungan para malagpasan ang lahat ng laban. Some adults also help them. Si Aling Lora, ang kanilang mananahi, tinatahian sila nito ng mga damit gamit ang mga retaso. Si Kuya Albert, the computer shop assistant, o ang tagabantay ng shop, ito ang nagmi-mix ng mga kanta nila. Ito din ang master ng tugtog na ginagamit nila. He's really good kahit mukhang itong nerd at hindi naliligo. At syempre...ang pinakamalakas nilang kapit, si Kapitan Ernie.. hinayaan sila nitong gumamit ng kuryente ng barangay nila basta magcommunity service sila tuwing weekends. Ito din ang umaayos ng mga gusot nila kapag napapaaway sila. Though ang madalas naman talagang mag-umpisa ng gulo ay si Vince at Gino. The Double Trouble. Hindi naman talaga sila taga-iskwater. Hindi nga nila alam kung saang lupalop nanggaling ang dalawa. Ang alam nila, bigla na lang nagpakita si Vince at Gino sa lugar nila dala-dala ang mga maleta. And that's how their dance group started. Inumpisahan nilang sumali sa mga barangay competition pero nalaman nilang walang kwenta sumali kung wala kang kilalang judge. That's why they started joining the street dance competition. At first, tinalo sila ng mga sanay ng sumayaw sa kalye at alam na alam na ang lahat ng kalakaran but then... when they realized na unti-unti ng nauubos ang ipon nila... doon nila naisip na hindi basta-bastang sayaw ang dapat sa street dance. They started to dance extremely as if every step is their last dance...at sa wakas, natalo nila ang SAYAWCALLE.
Every member of their group has personal problems...malimit din silang hindi nagkakasundo sa maraming bagay but when they dance...doon nawawala ang pagkakaiba nila...doon nila niintindihan ang isa't-isa.
Zarins
Her family is a mess. Adik na kuya at malanding Ate na may apat na anak and counting. Matagal nang patay ang mga magulang nila...and maybe that's the reason why their life turned out to be disgusting. Sya na lang ang natititrang matino... kaya madalas din syang hindi umuuwi. Kina Gino at Vince sya malimit tumigil since kahit papaano mas matino ang mga ito sa kapatid nya. Kapag ubos na ang pambili ng droga, doon lang sya hinahanap ng kuya nya. Kapag wala ng pambili ng gatas, doon lang din sya hinahanap ng ate nya.
Fortunately, nakapasok syang scholar sa isang private university at sa kabutihang palad...sa loob ng tatlong taon, walang nag-abalang alamin ang totoong buhay nya. She kept her personal life a secret kahit sa mga kaibigan nya doon. Sa university, she's just a simple good student...at sa school, hindi nya kilala si Gino at Vince. Ewan ba nya kung paano nagawang makapasok ng mga ito sa university na yon samantalang ni hindi nag-aaral ang mga ito.
Gino Frederick Sandoval, pangalan palang mukhang anak mayaman na. And his looks, mukha talagang hindi ito nakatira sa iskwater. As in kahit ipinagkalat na nitong sa iskwater ito nakatira, walang naniniwala. Akala kasi nangti-trip lang toh..kasi naman, madalas sa hindi, mahilig toh mangtrip. Mahilig ito sa dota, cutting, manigarilyo at mag-video games. Madalas din itong mambara ng professor kaya tambayan na nito sa school ang student affairs office. At kahit ganon ang ugali nito, type na type pa din ito ng mga kababaihan. He's really a bastard in nature though he's really good in dancing. At katulad nya, walang nakakaalam na dancer ito...
Vince Michael Cruz on the other hand is kind of opposite of Gino. Kinda...dahil kahit papano, mabait ito, sa mabait sa kanya. He mirrors someone's character...kung ano ka talaga, ganon din sya sayo. If you're plastic, then he's plastic. If you're a flirt, then he flirts more. He's the boy-next door type pero kapag ito, tinopak at nagsuplado, humanda ka na sa masasakit nyang salita. Even Zarins don't dare to fight him back kapag tinotopak to. Hindi katulad ni Gino, hindi ito nagka-cutting at naninigarilyo...pero adik ito sa....pusa. Kaya ang apartment ng mga ito ay may tatlong pusa.. Si BOSH,WADE at JAMES...named after his favorite basketball players. At naghahanap pa talaga ito ng dalawa para kay HALSIM at CHARLMERS. And he's also a member of the dance troop sa school nila.
And for the past three years na magkakaklase sila, walang nakahalatang magkakakilala talaga sila.
Dumating na ang mga kabataang pumupusta din sa kanila. Sa itsura ng kalaban nilang puro lalake...siguradong unusual ang pipiliin nitong kanta...so Zarins choose 13 males in their group at tatlong babae. Nagpalit na din sila ng damit na aayon sa klase ng sayaw nila...
"Zarins Legazpi, sinasabi ko sayo, isang daang libo din ang mawawala satin. Pangtuition pa man din natin yon. Isang taon na lang baka bigla pa tayong mapahinto sa pag-aaral," Gino warned.
"trust me, Gino. Tsaka ikaw? Natakot mapahinto sa pag-aaral pero hindi ka takot bumagsak?? Grabe ka talaga."
The street lights turned on and the heat of the night fired up...
Napahiyaw ang lahat ng marinig ang piniling kanta ng mga ito at mag-umpisang sumayaw ang naghamong grupo... The male group danced in a very masculine way habang ang tutog ay... LOVE YOU SO...
Yes, they are good at synchronization but they aren't good enough for Imperio. Ang lakas ng tawa ni Gino at Vince habang iniinsulto ang grupong sumasayaw. Napangiti naman si Zarins...
"I knew it.."
Nang matapos ang mga ito...they wiped the group off the streets...dancing polishly, wildly and softly... They looked at everyone...daring to insult them... once they set the fierce energy of their group...inupisahan na nila ang indak...
They danced in opposite of the group... Wala ng ginawa ang mga kababaihang kundi magtitili nang magsimula ng ngumiti si Vince at Gino... Every male in their group danced femininely....but not in a gay way... dahil mas lalo pang kinilig ang mga kababaihan at napapahiyaw din ang mga kalalakihan. While the girls just dance freely...assisting the males. With the girls in the background...tuluyang lumutang ang galing ng kagrupo nilang lalake...
And that's when everyone knew...even the opponent realized that...
"Street dancing is a hell game."

BINABASA MO ANG
Dance the Rhythm
AventuraIpinusta mo kaming lahat... Tapos ngayon... Ipinatalo mo ang laban... Simula pa lang, Zarins, talo ka na.. Simula ng kalimutan mong isang grupo tayo... Simula ng unahin mong isipin yang sarili mo... You forget us when we desperately needed our lead...