Mad

194 5 1
                                    

            After a few days of being absent, pinilit na din ni Zarins pumasok and with her Gino also attended their class.. Tahimik lang sya sa upuan samantalang ng pumasok si Gino, biglang nagkagulo ang buong klase. Almost all their classmates greet him…and she can’t help but get jealous at how they welcome him… He really fit in kahit anong gawin nito.

Michael: Oh.boy tipus!!! Kamusta??

Gino: Putek!!! Anong boy tipus???

Michael: Sabi ni Vince na-tipus ka daw ah.

Gino: (looks at Vince sharply) Tipus??

Gerald: may medical certificate ka pa nga eh..sosyalen.. Tsaka sabay pa talaga kayo nagkasakit ni Zarins?? At sabay din kayong pumasok..aba..aba..

Gino: (grins) Mukhang soulmate kami ni miss prim and proper ah..

Michael: (laughs out loud) Pare, umayos ka..baka marinig ka nyan masinghalan ka pa..

            She sigh bago ibinaling sa iba ang atensyon.

Eileen: Zarins, ok ka na?

Zarins: (smiles) Oo..

Eileen: Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit natrangkaso ka? Tsk.. tagal din nun ah..may mga quizzes ka tuloy na na-miss.

Zarins: Naulanan kasi ako..alam mo naman ngayon..tag-ulan na..

Eileen: Sabagay. Oh, nga pala..malapit na matapos ang sem..balak ng buong klase mag-outing.

Zarins: Pass ako dyan..

Eileen: Pass ka ulit?? Zarins, sama ka na..please..Lagi ka na lang absent sa get together ng klase.. four years na tayo magkasama..ga-graduate na tayo.

Jeanne: (sumulpot sa likod) Oo nga, Zarins..

Zarins: Pasensya na.. may balak na din kasi ako—

            Then their professor in law entered.. agad na lumipad ang tingin nito sa kanya tapos kay Gino. She just nod and then proceed with their lessons.

            Days passed in a blur…weeks..months…hanggang sa malapit na ang finals nila. Kapansin-pansin ang naging pagbabago kay Zarins.. She became more aggressive…especially on how she danced. But as she became more aggressive… she started to slip away from the group.

            Zarins and Gino got closer pero hindi na ulit sila nagkaron ng intimate moment mula non. She refrained being with him alone..natatakot syang baka sa susunod na tanong na nito sa kanya, masagot na nya ito and it’s not yet in her plans. Gusto nyang makaipon para makaalis sa impyernong skwater na tinitirhan nya.. and she can do that by dancing.. dancing till she can’t anymore.. She wanted to fit in his world.. at kailangan nyang madaliin yon.. she also wanted to be with him…

            And today’s another chance to dance with him freely. Without thinking that he’s a rich guy.. dahil sa kalye, parehas sila. Sa pagsasayaw, pantay lang sila..

            Silang dalawa mismo ang hiningi ng dalawang pareha na gustong lumaban sa kanila.

Zarins: Bakit daw kami?

Kyla: Kasi ka-grupo daw sila nung partner na nakalaban nyo sa sexy dance at hanga daw sila sa kung sino man ang tumalo sa dalawa.

Zarins: ugh..sexy dance ulit?

Kyla: No, but it’s very far from our usual dance..

Zarins: Ano?

Kyla: Contemporary dance…at nagsearch na ako dyan..parang pinagsamang modern pati ballet.

Dance the RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon