Chapter 5

41.7K 807 31
                                    

FAYE'S POV:

"Hey Faye, pinapasabi ni Nikki na sabay na daw kayo mamaya, 4pm daw sa parking lot." sabi lang ni Mei-mei sabay alis na rin agad. Grabe 'tong mga 'to, halatang ayaw akong kausapin ah. 

Yeah right, sinabi sakin kanina ni Nikki na ipaparebond daw nya yung buhok tapos papapalitan ng contact lens etong salamin ko. Gusto daw nya kong maging presentable. Pumayag na nga daw sya sa request ng kapatid nya na kaibiganin ako kaya dapat daw pumayag ako. So may choice pa ba ko? Tsss, maka-nerd naman sya kanina. Kapag ba nag-aaral at nakasalamin nerd agad? May pagka bipolar talaga yun, minsan ang bait bait, minsan naman ang matapobre. Pasalamat sya crush ko sya. Like what?! What the hell did I just say? Crush?! Oh no! Erase erase erase erase.

Naputol lang yung pagmumuni-muni ko ng biglang may bumatok sakin.

"Aray ko naman!" galit na tiningnan ko yung bumatok sakin.

Nakita kong nakapamewang at nakataas ang kilay ni Margot! Hay nako eto na naman sya. Wala na lang syang ibang alam gawin kundi ibully ako! Tsss. Ayoko na lang patulan.

"Hoy nerd! Wag ka ngang hahara-hara dito sa daan!" nakaupo kasi ako sa soccer field habang nagbabasa ng libro kanina.

"Pwede ba Margot, dumaan ka na lang, wag mo na lang akong pansinin." Mahinang sabi ko dito.

"Aba, so sumasagot ka na? Ano lalaban ka?" sigaw pa nito.

Tatalikuran ko na sana sya ng bigla akong sinabunutan.

"Aray ko naman! Ano ba? Wala naman akong ginagawang masama sayo diba?" naiiyak na sabi ko dito.

"Eh sa ayaw ko kasing makita yang pangit mong mukha eh!" sus makapangit naman to, eh sya nga mukang bakla! Tsss. Pero totoong nasasaktan ako sa sabunot nya!

"Eh di wag mo kong tingnan" sigaw ko din sa kanya.

Nakita ko na mas lalo syang nagalit. Eto na, sasampalin na naman nya ko. Hay life, bakit kasi pag sa ganitong school ang laging inaapi eh yung mga nerd na tulad ko. Napapapikit ako ng makitang papalapit na yung kamay nya sa mukha ko. 3-2-1-0. Ay wala pa din? Dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko. Nakita kong nakahiga na si Margot at hawak hawak yung pisngi nya. Ahm, anong nangyari?!

NIKKI'S POV

Kanina pa namin nakikita na binubully ni Margot si Faye. Nakatingin lang ako sa mga ito.

"Ahm, Nikki, yung bestfriend ng kapatid mo o, inaaway na naman" si Allison.

"Don't tell me hindi mo tutulungan yan?" – sabi naman ni Meimei.

Nagkibit balikat lang ako. Sana lang talaga lumaban tong si Faye, jusko, si Margot lang yan, kung ako kay Faye hindi ako matatakot don. Aalis na sana kami ng makita namin na sinasabunutan na ni Margot yung isa. Naku naman Faye, ang nerd nerd mo na, ang lampa-lampa mo pa! Nakita ko na parang naiiyak na ito. Tss, bago pa ito masampal ni Margot, inunahan ko na sya, sinapak ko sa peslak yung mahaderang babae! At kamusta naman tong si Faye, nakapikit lang, naghihintay masampal? Nakakatawa talaga to. Pero parang may humaplos sa puso ko ng makitang may mga luha sa mga mata nito.

"Hoy Margot! Isa pang beses na kantiin mo tong kaibigan ko hindi lang aabutin mo sakin! Alis!" sigaw ko!

Nakita ko naman na nakatulala sakin si Faye. Naiiling na inabutan ko sya ng panyo.

"Alam mo nakakatawa ka! Eto gamitin mo, punasan mo nga yang luha mo. You're such a cry baby! Tsss" sabi ko dito.

"Ahm, salamat!" narinig kong sabi nito pero naiiyak pa rin.

Hindi ko alam pero parang biglang may nag-utos sakin na yakapin sya. Mahigpit ko syang niyakap.

"Ikaw talaga! Tahan na, wag ka ng umiyak! Hayaan mo wala ng makakagawa non sayo dito, dahil kung hindi, ako yung makakalaban nila, ok?" sabi ko habang pinapatahan ito.

Narinig ko naman na tumigil na ito sa pag-iyak.

"O, ok ka na?" tanong ko dito.

Tumango naman ito.

"Akala ko kanina lalaban ka na eh, ang lampa mo pala talaga no?" biro ko dito.

Nakita kong nagbago yung expression ng mukha nya. Uh-oh!

"So nandun ka kanina pa? Nakita mo ng inaaway ako, nakatingin ka lang?" masungit na sabi nito. Ay wait, ako si Nicole Fernandez sinusungitan ng nerd na to?!

"Ahuh!" nakangiting sabi ko.

"Pero hindi ka agad lumapit?" tanong pa nito.

Tumango naman ako ng nakangiti. Naramdaman kong hinampas nya ko!

"Aray ha! Sinong may sabi sayong pwede mo kong hampas-hampasin ha!" singhal ko dito.

"Ako! Kase kaibigan mo ko diba? Dapat tinulungan mo agad ako! Pinasabunutan mo pa ko!" sigaw naman nito.

"At sino namang may sabi na kaibigan kita! Baka nakakalimutan mo, pinilit lang ako ng kapatid ko NERD!" sigaw ko din sa kanya. Anong karapatan nya na awayin ako at sigaw-sigawan!

"Ikaw! Kanina, remember?!" sabay ngumiti ng nakakaloko.

Bigla namang nagflashback yung sinabi ko kanina kay Margot!

"Hoy Margot! Isa pang beses na kantiin mo tong kaibigan ko hindi lang aabutin mo sakin! Alis!" sigaw ko!

Crap! Why the hell did I say that! And nung moment na yon, alam ko, naramdaman ko na nagblush ako!

"OMG! Nagblush ang isang Nikki Fernandez!" narinig kong sabi nito!

"Hoy nerd! Sinong may sabing nagblush ako! Mainit lang no! sampalin kita eh!" sigaw ko pa dito.

Sasapakin ko na sana ng bigla kong naramdaman na niyakap nya ko.

"Salamat" bulong nya sakin.

At bigla ko na namang naramdaman yung hindi ko maipaliwanag na damdamin na yun.

"Lika na nga nerd! Punta na tayo sa salon at ng mapaayos na natin yang walis-tambo mong buhok" sabi ko sabay kalas sa yakap nya. Nakukuryente ako eh. And never ko naramdaman yun kay Chase. At hindi ko gusto kung ano man tong nangyayari sakin.

"Maka-walis tambo ka naman! Hmp!" ang taray ni ate, mas nauna pa syang sumakay sa kotse ko, sayo lang te? Tsss.

Sinamahan ko sya sa salon and sa mall para makapagparebond at makabili ng contact lens. Sabado naman bukas kaya walang pasok, pwede kaming gabihin ngayon.

Yung totoo, parang natutuwa na kong kasama tong nerd na to, she's really something, kaya siguro sya minahal ng kapatid ko. 

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon