Chapter 6

37.1K 732 45
                                    

NIKKI'S POV:

Yes! Saturday! May date kami ngayon ni Chase. Ilang araw na din kasing naantala tong date na to eh! Masaya akong bumaba sa hagdan pero natigilan agad dahil may nakita kong hindi pamilyar na mukha sa salas namin. At feeling close agad kay Milo at kay Chase. Sino ba tong babaeng to? In fairness kay ate, maganda sya ha. Pero ako lang ang dapat maganda dito no! Nakataas ang kilay na nilapitan ko sila.

Nakita ko na ngumiti sya sakin. What's with the smile?

"Do I know you?" mataray na sabi ko dito.

Nakasmile pa din sya sakin. Ay si ate, hindi marunong magsalita? Pipi lang? Magtataray pa sana ko ng nagsalita si Milo.

"O sabi ko sayo hindi ka din makikilala nyan eh" wait! So kilala ko sya?

Pinagmasdan ko ulit yung babaeng kaharap ko.

Nanlaki naman yung mata ko nang makilala ko kung sino 'tong kaharap ko ngayon. Habang sya naman, kuntodo ngiti naman talaga. 

"OMG! Faye? Ikaw yan?" iniwan ko kasi si Faye kagabi kasi nagkaron ng emergency meeting sa company namin. Si Jenny muna yung pinasama ko sa kanya. So hindi ko talaga nakita nung naayos na yung buhok nya.

Nakangiti naman itong tumango. Agad ko shang niyakap.

"Ang ganda mo te! May itinatago ka naman palang ganda eh!"

"Salamat ha! Kahit medyo hindi maganda yung ugali mo, may kabaitan ka din naman" biro nito.

"Ah ganon! Pasalamat ka nga napilit ako ng kapatid ko na kaibiganin ka no! Duh" pagtataray ko dito.

"Eto naman di mabiro. Pero salamat talaga Nikki, salamat sa lahat" sincere na sabi nito.

 "Anything for my sister-in-law" sabi ko naman.

Nakita kong namula si Milo. Nakasmile lang naman si Faye.

"ATTTTEEEE?!!" galit na sabi nito.

"What? Ay sorry, bestfriends nga lang pala kayo" sabi ko with matching rolling of the eyes. Ang torpe torpre, baka maunahan kita jan eh! Ang ganda-ganda na nyan o! Tsss. Ano ulit? Maunahan ko? OMG! Hindi na talaga maganda to! Straight ako ok? Straight ako!!!!

"Babe, ano alis na tayo?" sabi sakin ni Chase at inakbayan ako.

Napatingin naman agad ako kay Faye. Nakita biglang lumungkot ang mga mata nito.

"San kayo pupunta?" si Milo.

"Paki mo ba?" pambabara ko sa kanya.

"Whatever ate! Ah bayaw, san ba punta nyo?" si Chase na lang yung tinanong nito.

"Sa Laguna, lumabas na naman ang pagkaisip bata ng ate mo eh. Gusto daw nyang pumunta sa amusement park" narinig kong sagot nito.

Nakatingin lang ako kay Faye that time. Nakita kong nakatingin din sya sakin. Our eyes met and I felt that feeling again. Ako na lang yung nagbawi ng tingin at hinarap yung dalawang nag-uusap. This can't be happening!

"Babe!" kulbit sakin nito ni Chase.

"Yes babe?" sabi ko naman dito.

"Sama daw sila, kung ok lang daw."

Wala sa sariling tumango ako.

"So sinong magddrive?" tanong ni Milo kay Chase.

"Ako na lang!" sagot ni Chase.

Lumapit sakin si Milo.

"Ate, pwedeng favor? Ako na lang sa front seat. Hindi ko alam kung pano ko kakausapin si Faye eh, lalo lang kasi akong naiinlove eh." Bulong nito sakin.

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon