Chapter 28

27K 591 34
                                    

FAYE'S POV:

Napangiti ako ng napansin na natigilan sya at lumunok-lunok bago tumingin sakin. Inalis ko agad yung ngiting yun nung bigla syang humarap.

"Hone-, ahm I mean Faye?" tanong nya. Awww, honey, I missed that, pero kailangan wala akong ipakitang emosyon. Pero di ko mapigilang ngumiti.

"God Nikki pinakaba mo ko bat bigla kang hinimatay?" grabe tong babaeng to ha, nakita lang ako hinimatay na bigla, nakakaloka.

"H-hindi pa pa kasi ako nakakapagbreakfast" sabi nito. Tss, sabi ko na eh, buti na lang nagpabili ako ng pagkain. Inabot ko sa kanya yung brown paper bag.

"O eto kainin mo muna"

"Salamat"

Natawa ko dahil hindi makakilos ng maayos si Nikki sa harap ko.

"God I missed your laugh" narinig kong bulong nito. OMG ano daw? Pwede na ba kong kiligin? O wag muna? Sobrang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko. Baka ako naman yung himatayin dito.

"What did you say?" sabay kunot ng noo. Ang galing ko na talagang artista woot woot!

Nakita kong lalo syang namutla. Nakakatawa talaga yung itsura nya.

Sasagot pa sana sya ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Milo. Niyakap ako nito. Napatingin agad ako kay Nikki. Hindi sya nakatingin samin.

"Best! I miss you!" sabi nito

"Hi best musta?" sabi ko dito pero kay Nikki pa rin nakatingin. Pagtingin ko kay Milo ay umiiyak ito.

"Anong nangyari bat bigla kang nawala?"

Pinunasan ko muna ang luha nito bago ko sumagot.

"Sila daddy, bigla akong pinadala sa states, pinagbawalan akong makipagcommunicate, makakasira daw sa pag-aaral ko eh. Kailangan ko daw mag-aral ng mabuti dahil ako yung magmamanage ng company" pagsisinungaling ko dito.

Biglang nagsalita si Nikki.

"Kung nag-aral ka naman pala bat pa kita kailangang itrain?" tanong nito.

Para makasama kita. Pero syempre hindi yun ang sinagot ko. Etchusera ako eh!

"Basta sabi lang ni papa" matabang na sabi ko dito.

"Best wag ka ng mawawala ulit ha kase miss na miss na miss na miss kita." Si Milo. Aww, kailangan ko na palang tapusin yung samin ni Milo. Wala nga pala kaming closure. Ayoko ng paasahin sya.

"Hindi na best, pero yung satin, wala na talaga" malungkot na sabi ko dito. Nakokonsensya ko pero mas mabuti na yung ganito.

"Bakit? May nagawa ba ko best?"

"Wala best, may mahal na kasi ako eh" sabay tingin kay Nikki. Nakita kong nanlaki ang mata nito.

"Sino best? Kilala ko ba?"

Umiling na lang ako. Ayoko namang dito pa mag-away yung magkapatid. Sarap lang kumanta ng:

Haba ng hair nagrejoice ka ba girl

"Punta kayong bahay mamaya, may pa-welcome dinner, papakilala ko sa inyo yung fiancé ko" sabi ko pa. Gosh saan ako hahanap ng fiancé ko! Ang bobo mo Faye! Ang dami mong alam. Lusutan mo yan!

"Fiance?" sabay na tanong ng magkapatid. Wow sabayang bigkas bongga! Jusko nahawa na ko ng kabaklaan kay Mickey. OMG! Mickey! Yes thank you Lord! Hallelujah!

"I met him sa states, naging classmate ko sya, kaibigan, eventually nanligaw, sinagot ko sya tapos last week lang sya nagpropose"

Tumango-tango naman yung dalawa. Nagpaalam na ko agad dahil kailangan ko pang hagilapin si Mickey. Buti na lang nai-save ko yung number nya sa phone.

Ringggg Ringggg Ringggg

"Hello?"

"Ang tagal sumagot?" pagtataray ko

"Sister! Nandito ka na sa pinas?" tanong nito.

"Yep, and I need your help. Kita tayo sa Glorietta ok?"

After 30 minutes ay halos sabay kaming dumating.

"Sister! I missed you so much" salubong nya sakin.

"Miss na miss na miss na rin kitang bruha ka" sabay yakap ko dito.

"Ewww. PDA kang lesbiana ka!" sabay layo nya sakin. Tatawa-tawa naman ako. Hindo pa rin talaga to nagbabago. Pero mas lumaki ang katawan at mas naging gwapo. Yummy!

"O eh ano naman yung importanteng sasabihin mo sakin at nagmamadali kang makipagkita" tanong nito after namin kumain.

"Ahm nagkita na kami" sabi ko sa kanya.

"Really? Andun pa rin ba ang spark? At boltahe ng kuryente ni Volta? At ang gamu-gamo sa tyan mo?"

"Gamu-gamo talaga? Nakakaloka kang bakla ka! Ginawa mo pang lampara yung tyan ko"

Tatawa-tawa naman kaming dalawa.

"Eh ano nga kase!"

"Ayun kasama nya yung boyfriend nya nung umaga tapos nung nakita ako hinimatay, tapos nakipaghiwalay na ko sa kapatid nya, sinabi kong may fiancé na ko at ipapakilala ko mamaya."

"Wow, fiancé, at san ka maghahanap aber?"

"Ikaw" walang kagatol-gatol na sabi ko.

"Ako lang naman pala eh, madali lang---NO! isang malaking NO NO! tweety bird ka tigilan mo ko. Wag mo kong isama sa mga babae mo!" biglang reaksyon nito.

"Sige na please. Ngayon lang naman, please please please Mickey" with matching puppy dog eyes.

"Ayoko nga Faye! So please tigilan mo ko"

"Ayaw mo talaga?"

"Wit!"

"Sayang, papakilala sana kita dun sa friend kong model if ever tutulungan mo ko,kay Philip Monteverde. Oh well, siguro nga kay Kenneth na lang" sabay akmang tatayo. Napangiti ako ng bigla akong hilahin pabalik sa upuan.

"Ikaw talaga sister, hindi ka na mabiro. Kelan ba natin sisimulan? Mamaya diba? Sige punta na lang ako sa inyo." Mabait na sabi nito.

Agad ko itong niyakap ng mahigpit.

"Thank you thank you thank you thank you thank you"

"Basta yung number ni Philip ha" sabi naman nito.

Nagkatinginan kami sabay nagtawanan ng malakas.

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon