Chapter 21

27.7K 613 24
                                    

NIKKI'S POV

Pagmulat ko ng mata. Inilinga ko muna yung mga mata ko sa office. Parang wala na namang tao. Baka nga panaginip lang yung kanina. Tsss. Kala ko totoo na. Hay nako Nikki tigilan mo na kasi yang pag-iisip kay Faye.

"So ok ka na?" narinig kong sabi ng isang tinig sa likod ko. Bigla na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lumunok muna ako bago ko lingunin yung nagsalita.

As usual, naka-pokerface na naman ito habang nakatingin sakin.

"H-hone, ahm I mean Faye?" bakit ba ko nabubulol.

Nakita kong napangiti sya pero nawala din agad.

"God Nikki! Pinakaba mo ko! Bat bigla kang hinimatay?" nag-aalalang sabi nito.

"H-hindi kase ko nakapagbreakfast" pagsisinungaling ko dito.

Noon ko lang nakita na may dala itong brown na paper bag.

"O eto, kainin mo muna" sabay abot sakin.

"Salamat" sabi ko dito ng nakayuko.

Narinig ko syang tumawa ng mahina.

"God I missed your laugh" naibulong ko sa sarili ko.

Maang na napatingin sya sakin.

"What did you say?" kunot noong tanong nito. Shet napalakas yata!

"Ahm ano----" biglang bumukas ang pinto.

"Best! I miss you!" nakita kong niyakap agad ito ni Milo. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"Hi best! Musta?" bati naman ni Faye.

Naiiyak na tumingin dito si Milo.

"Best, anong nangyari? Bat bigla kang nawala?" tanong nito.

Pinunasan naman ni Faye ang mga luha nito. Ay ano to, nanonood ako ng movie ganon? Yung magbabalikan yung prince charming saka yung princess nya. Gosh! Popcorn please.

"Sila daddy, bigla akong pinadala sa states, pinagbawalan akong makipagcommunicate. Makakasira daw sa pag-aaral ko eh. Kailangan ko daw mag-aral ng mabuti kasi ako yung magmamanage ng company. I'm sorry best ha"

Aba't, kay Milo nagpaliwanag, sakin hinde?!Napataas ang kilay ko sa sinabi nito

"Kung nag-aral ka naman pala, bat pa kita kailangang itrain?" mataray na tanong ko dito.

She shrugged her shoulders.

"Basta sabi lang ni daddy." Matabang na sabi nito. Pag kay Milo sweet ang boses, sakin matabang?

"Best, wag ka na ulit mawawala ha. Miss na miss na miss na miss kita"

"Hindi na best. Pero yung satin best, wala na talaga" malungkot na sabi nito.

"Bakit? May nagawa ba ko best?"

"Wala best, may mahal na kasi ako eh" pagkasabi non ay tumingin ito sakin. Oh my gosh? Sasabihin ba nya kay Milo? Please no!

"Sino best? Kilala ko ba?"

Nakita kong umiling ito. Lalong nanlaki ang mata ko.

"Punta kayo sa bahay mamaya, may pa welcome na dinner, papakilala din yung fiancé ko" sabi nito na nakayuko.

"Fiance?" sabay pa na tanong namin ni Milo.

Tumango-tango ito.

"I met him sa states, naging classmate ko sya and kaibigan, eventually nanligaw and last week lang sya nagpropose"

Parang kinurot ang puso ko sa narinig. Akala ko ako pa rin. Akala ko ako lang. Hindi na pala.

Matapos ng konting kwentuhan ay nagpaalam na ito. Naiwan kami ni Milo sa loob ng office. Nakita kong tulala pa din si Milo. Niyakap ko na lang ito ng mahigpit.

"Baby bro, iiyak mo lang yan. Mawawala din ang sakit nyan"

"Pero ate mahal na mahal ko sya, ang sakit-sakit lang" umiiyak pang sabi nito.

"Wag na tayong pumunta sa party ok? Mas masasaktan ka."

"No ate, gusto kong malaman kung kanino sya ikakasal. At kung sino yung sinasabi nyang mahal nya"

Eh ako kaya ko ba? Akala ko nawala na. Hindi pa pala. Hindi sya nawala sa puso ko. Pero huli na, may mahal na syang iba. Masakit pero kung san sya masaya, masaya na din ako.

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon