Chapter 18

30K 641 2
                                    



NIKKI'S POV:

Naiiling na pinagmasdan ko si Milo.

"Tsss baby bro iba na yan ha! Ngumingiti ng walang dahilan. Scarrryyyy" tukso nya dito

Bigla namang nawala ang ngiti nito at tiningnan sya ng masama.

"What? Bat ganyan ka makatingin? Ang weird mo lang kasi e,"

"Inlove kasi ako eh ate. Para namang hindi ka nakaramdam ng ganito. "

Nagkibit-balikat lang ako. Di ko naman talaga naramdaman kay Chase yung ganung kilig eh. Oo minahal ko naman sya kaso parang kulang lang sa kilig.

That very moment, I saw Faye sa isip ko. Biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko.

Oh no! This cant be happening. I don't want Milo to get hurt. I need to stop this before it's too late.

Ringgggg Ringggggg

"Hi Niks, ready ka na?" tanong ng nasa kabilang linya. Actually nakahanda na talaga yung gamit ko pero naisip ko din yung mararamdaman ng kapatid ko so kailangan kong magsinungaling.

"Yun na nga yung dahilan kung bat ako napatawag, may emergency meeting kasi sa office eh, kailangan ko daw pumunta don." Pagsisinungaling ko.

"Ay ganun ba?" naramdaman ko yung lungkot sa boses nya. Pero alam kong ito yung tama.

"Oo eh. Pwede naman siguro next time tong lakad natin diba?"

"O-oo naman" narinig ko na parang naiiyak na ito.

"I'm sorry Faye. I really am" yun lang at ibinaba na nya yun phone. Nagkulong na lang muna ako sa kwarto nya dahil ang sakit-sakit lang ng nararamdaman ako. Isang oras na syang nagmumukmok ng biglang kumatok si Milo.

"Ate?" tawag nito.

Binuksan ko naman ang pinto. Pagtingin ko dito ay may dala itong tray ng pagkain at orange juice.

"Ate kain ka muna, hindi ka pa nakakapagbreakfast diba?" concern na sabi nito.

Hay, pano ko ba maaatim na saktan tong kapatid ko.

"Later na siguro baby bro, di pa naman ako gutom"

"Ate naman, walang laman yang tyan mo eh kain ka na please"

"Nah, sige inumin ko na lang muna tong juice wala pa talaga kong gana." Pagkaubos ko ng juice ay bumalik na ko sa kama ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa kisame bago ako makatulog.

Nagising na lang ako dahil parang umaandar ang kama ko.

Nagulat ako dahil pagmulat ko nasa loob na ko ng isang kotse. Kinakabahan akong lumingon sa tabi ko dahil nararamdaman kong may matatalim na matang nakatingin sakin. Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko, at hindi nga ako nagkamali, nakangiti pero matalim ang mga matang nakatingin ito sakin.

"Surprised?" sabi pa nito.

"F-faye"

FAYE'S POV:

Today is the day. Nakangiti akong bumangon sa kama dahil excited ako sa bonding naming dalawa ni Nikki. Kagabi pa nakaready yung mga gamit ko at lahat ng kailangan naming dalhin. Pababa na sana ako ng biglang magring yung phone. Mas lalo akong napangiti dahil sa Nikki yung tumatawag. Masaya ko itong sinagot.

"Hi Niks, ready ka na?" masiglang tanong ko dito.

"Yun na nga yung dahilan kung bat ako napatawag, may emergency meeting kasi sa office eh, kailangan ko daw pumunta don" awww, ang tagal kong pinlano to eh tapos di matutuloy. Nakakalungkot lang talaga.

"Ay ganun ba?" nalulungkot talaga ko pero wala naman akong magagawa eh, kailangan sya ng company nila. Hay.

"Oo eh. Pwede naman siguro next time tong lakad natin diba?" ano pa nga bang magagawa ko?

"O-oo naman"

"I'm sorry Faye. I really am" yun lang at ibinaba ko na ang phone.

Sayang naman. Kung kelan ready na lahat. Puntahan ko na nga lang sya. Hindi ko man sya makasama ngayong weekends at least nakita ko sya.

Malungkot pa rin akong pumunta sa bahay nila. Nakita ko si Milo sa salas.

"Uy hi best! Alis na kayo?" bati nya sakin.

Malungkot na umiling lang ako.

"May urgent meeting daw ate mo ngayon eh" sabi ko dito.

"Meeting? Wait lang ah." Tumayo muna ito, maya-maya ay bumalik din sa tabi ko.

"Tumawag ako sa office, wala naman daw emergency meeting." Sabi nito pagbalik.

Bigla akong napalingon kay Milo.

"Eh sabi nya—uh oh, excuses excuses. Best, ayaw lang naman yata akong kasama ng ate mo eh, matapos kong paghandaan lahat ng to" mas pinalungkot ko pa yung boses ko. Alam kong hindi ako matitiis nitong si Milo eh. <insert evil laugh> Pero sorry Milo, gusto ko lang talagang makasama yung kapatid mo ngayon. Sorry kung kailangan kitang gamitin.

"Tss si Ate talaga. For sure tinatamad lang yun" iiling iling na sabi nito.

Bigla na lang tumulo ang luha ko. Whoah! Best actress te?

Nag-aalalang hinawakan nito ang mga kamay ko.

"Don't worry best, akong bahala, sasama yan si ate by hook or by crook." Sabay kindat nito sakin.

Maya-maya ay tumayo ulit ito at may kinuha sa kusina. Umakyat na din ito sa kwarto ni Nikki. Nagulat na lang ako ng makitang buhat buhat na nito ang natutulog na si Nikki.

"Best, nandun sa kwarto yung gamit nya, sunod mo na lang sa kotse ha" utos pa nito.

Umakyat agad ako sa kwarto ni Nikki. Nakita ko naman na nakaready na lahat ng gamit nya. Naiiling na lang ako. Eto talagang babaeng to, parang alam ko na yung dahilan kung bat biglang nagbago isip. Hay, ang martir lang talaga tsss.

Pagbaba ko ay kinuha sakin ni Milo yung gamit at inilagay sa kotse, kinuha na din pala nya yung gamit ko sa bahay.

"O ikaw na bahala kay Ate ha! Pero ingat ka paggising nyan ha! " sabay tawa nito.

"Ahm, salamat best ha!"

"Basta para sayo at kay ate. Enjoy kayo sa bonding ha. Take care best" at hinalikan nya ko sa noo.

Mga isang oras na kong nagddrive ng maramdaman kong nagigising na yung katabi ko. Kinusot-kusot muna nito ang mga mata nya bago tumingin sakin. Nakita kong namilog ang mga mata nya kaya nginitian ko sya habang masama pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Surprised?" tukso ko pa dito.

"F-faye?" nauutal na sabi nito.

"Sorry di ka na namin nagising ni best ha! Di daw tuloy yung MEETING nyo eh" yes idiniin ko talaga yung salitang meeting. Babaitang to, nagsinungaling pa sakin. Sarap sungalngalin eh.

"S-sorry, ano kase."

"Alam ko na. Hayaan mo after nitong lakad natin na to titigilan na natin to promise. Pero may favor lang akong hihingin sayo" malungkot na sabi ko dito.

"Dahil last na natin to, tanggalin mo lahat ng inhibitions mo, lahat ng gumugulo sa isip mo, lahat ng taong nakapaligid sayo. Ang isipin mo lang, tayong dalawa, clear?" malungkot na sabi ko dito.

Napabuntunghininga ito ng malalim sabay tango.

"Crystal"

Ngumiti ako ng pilit at itinuon na lang ang atensyon sa daan.

Gusto ko lang namang maging masaya kasama nya. Gustong malaman kung pano magmahal ng buong buo ang isang Nicole Fernandez.

My bestfriend's AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon