6 years ago...
“Paul,mahal na mahal talaga kita.Pansinin mo naman ako oh.Please!” pilit niya sa lalaki habang hawak ang braso nito.
“Hindi nga pwede Brigette.Alin ba dun ang hindi mo maintindihan?”parang naiirita na tugon nito sa kanya.
“Bakit hindi?Dahil bata pa ako?”tanong niya dito. Naisip niya na age doesn't matter naman di ba?
“Oo, dahil dun. 15 ka palang, 20 na ko.At saka tropa ko ang kapatid mo. Ayokong masira ang friendship namin dahil sa yo”ani nito sa kanya at inalis ang mga kamay niyang nakahawak dito at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.
“Such a lame excuse you have. Ang sabihin mo, duwag ka!”sigaw niya rito. Hindi na niya napigilan ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan. Kusa lang itong tumutulo.
Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya uli.
“Hindi ako duwag. Hindi lang talaga tayo pwede Brigette kaya please tumigil ka na.Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?kababae mong tao pero ikaw pa ang naghahabol sa lalaki”
“Don’t worry Paul Lawrence.Simula ngayon titigilan na kita. Ayoko na sa yo!Kakalimutan na kita.Kakalimutan kong nag e-exist ang isang katulad mo.Sana lang hindi na tayo magtagpo ng daan.At kung sakali mang nagtagpo ang ating daan, asahan mong hindi na ko maghahabol pa sa yo!”puno ng poot at galit na turan niya dito bago tumakbo palayo sa lalaki. Umiiyak pa rin siya habang tumatakbo pero wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan siya ng mga tao. Basta ang alam lang niya ay nasasaktan siya ng sobra.
A/N:Hope u like it😙
LOVELOVE😍